Tuesday, November 15, 2005

Ghost in you

Meron kung anong multo ang pumasok sa isip ko kanina. Walang dahilan pero naisipan kong hanapin ka. Sinubukan ko na lahat pero hindi kita makita. Sinubukan ko sa google, nagbakasakali ako sa friendster, at tiningnan ko rin ang names database.

Pero wala ka.

Matagal na kitang hindi nakita. Kung lima o anim na taon siguro eh meron na. Natatawa nga ako at nahihiya sa sarili ko dahil, kahit alam kong napakalayo na ng "ikaw" ngayon sa "ikaw" na nakilala ko dito, parang merong pa ring parte ng sarili ko na gustong magkaron ng ideya kung sino ka na ngayon.

Kung tutuusin, halos wala ka pang apat na buwan na naging bahagi ng buhay ko. Halos tuldok lang yun kung ikukumpara sa naging agos ng buhay ko. Pero kahit pa sabihing tuldok lang yun. naging masaya ako noon sa paraang paulit-ulit na naaalala ko.

Kolehiyo pa lang ako noon. Masyado pang bata para maging makakalimutin. At yun siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon, paglipas ng nde birong taon, kabisado ko pa lahat ng bagay tungkol sayo.

Huli kong balita sayo ay may asawa ka na. May anak ka na din daw. Sana ay wala kang kasingsaya. Sana ay bihira ka na lang samahan ngayon ng pag-iisa.

Mahal pa ba kita? Malakas ang loob kong sasabihin na hindi na. Matagal ng lumipas ang mga bagay na dapat lang na lumipas. Matagal ko ng natalo ang kalungkutan na dala ng iyong paglayo.

Hindi kita hinahanap dahil mahal kita. Hinahanap kita dahil mahal ko ang masasayang alaala na sabay nating binuo. Mahal ko ang alaala ng parte na yun ng buhay ko na masasabi kong nagmahal ako ng higit pa sa kakayahan ko. Kapag nakita kita ulit, kapag naging mabait ang tadhana at pinayagan akong makasalamuha ka ulit, mangingiti ako. At sana ay makita mo na ang mga ngiti na yun ay walang halong kahit katiting na pait.

Ang title ng blog na ito ang pinakapaborito mong kanta. Hindi ko alam kung hanggang ngayon eh yun pa din. Alam kong maraming pagbabago na dinala ang mga lumipas na taon. At sana, isa sa mga pagbabagong yun, ay ang saya na hindi na hihiwalay sa buhay mo at ng iyong pamilya.

Hanggang sa susunod na alaala....

4 comments:

Anonymous said...

Ghost in You…

Minsan sa buhay ng tao, di mo maiiwasang balikan ang nakaraan. Sa aminin mo man o hindi, naaalala mo ang mga taong nagging parte ng buhay mo. Minahal mo man sila o hindi. Sa sinulat mong ito, MAHAL mo pa rin ang taong nakasama mo sa magagandang alaalang iyon na dumaan sayo. Hindi ganong kadaling lumimot ng taong minahal mo at kahit sabihin mo pang 1 taon o sampung taon kayong di nagkita, andon pa rin ang pagmamahal na binigay mo. Maaring di na kagaya ng dati pero sigurado ako, mahal mo pa rin ang taong iyon kahit 1 pursyento lang.

Hahanapin mo ba sya ng ganon kung walang pagmamahal na umusbong sayo? Aalalahanin mo ba at babalikan ang nakaraan kung walang natirang pagmamahal sayo?

Nasasabi mo lang na di mo na sya mahal dahil sa nabago na nga ng panahon ang buhay nyong dalawa. May asawa na sya at sarilin pamilya pero kung wala… masasabi kong kung puedeng balikan ang nakaraan, malamang binalikan mo na.

Pasensya na kung nagkomento ako sa blog mong ito dahil para sa akin, di ako naniniwalang di mo na mahal ang taong minsang nakasama mo sa magagandang alaala ng buhay mo.

Anonymous said...

Tama ka dyan blue angel, sa palagay ko nga ay ganun yun. Masyado lang malihim tong si Tasyo, isa pang spekulasyon ko eh sa tagal na nitong loveless baka nanghihinayang na sa nakaraan. Sya ba ang babaing lumilipad?

Anonymous said...

nah. i don't think so may mga suspect ako though kung sino siya...MMMMMMMMmmm..quiet na lng ako. "ang tapang" mo nga sa mga multo noh?

Anonymous said...

hhhMMMM...i think i know who this ghost is. At mas nakikita ko nga na di ka matatakutin sa multo.