Last week, nanood ako ng pelikulang "dont give up on us". Tama, yung pelikula nga nila Piolo at Juday ang pinanood ko. Wag lang sanang malaman ni Papa dahil siguradong tatakwil ako non. Nagkataon kasi na ang kasama ko dito sa opisina ay isang panatiko ni Juday. Nanlibre tuloy siya ng sine para sumama kami.
In fairview, medyo ok lang naman yung pelikula. Alisin lang yung mga sobrang ka-artehan na kadalasang kasama sa mga pelikulang pilipino, pede na din. Ika nga ng barkada ko nung college, kesa naman mag-drugs.
Merong isang magandang moral lesson ang pelikulang yun na kailangan kong ibahagi sa karamihan. Pagkatapos kasi ng pelikula eh yung ang tumatak sa isip ko. At yun ay - kelangan ko ng magdyeta!
Syete! Nakakahiya mang aminin eh para atang nainggit ako kay Piolo sa pelikulang yun. Pede kasi siyang magsuot ng t-shirt na fit, nang hindi siya hinahabol ng taong bayan para sunugin. Pag ako kasi ang nagsuot ng ganun, nagmumukha akong tinda na matatagpuan sa frozen meat section ng supermarket. Pero hindi naman ako nag-iisa. Ang isa sa kasama ko dito sa opisina ay magmumukha ding taga-frozen meat section pag nagsuot ng body fit.

Kaya pagtapos ng pelikulang yun, nagdesisyon kaming dalawa na magdyeta. Bale ang usapan namin eh paunahan kaming magpayat. Simple lang ang rules - pagdating ng December, kung sino sa aming dalawa ang may "K" na magsuot ng fit, bibigyan ng kumikinang na Dalawang Milyong piso! Ok exaggeration na yun - Two Thousand lang. Pero pera pa din yun.
So ngayon eh "no rice" na talaga ko promise. IBA NA ITO! Hindi na ito kagaya ng sinabi ko dito na hindi natupad.
Mananalo ako sa pustahan na ito! Sa December ay papasok ako ng nakabarong. At hindi lang isang ordinaryong barong kundi - ISANG BARONG NA FIT!*
*Kahit magmukha akong call boy na pormal eh ok lang

2 comments:
Astig! Kala ko ba eh sinusuka mo si Juday, hanga na sana ako sau kaso nanonood ka na pala ng lokal na pelikula, coño pa naman ang dating mo, sayang. Sana nga manalo ka sa pustahan nyo!
buahahahaha natawa naman ako don.. sa meat section ba matatagpuan blehehhe
naku ako din pala, kelangan ko na din mgdiet..puede sumali sa contest? papadala nio dito premyo ko pg nanalo ako=)
Post a Comment