Alas-tres na ng umaga ako nakauwi kagabi. Hindi dahil sa trabaho kundi dahil sa gimik. Nagyaya kasi ang tiyuhin kong balikbakyan na lumabas. Gusto nya daw mapanood yung NYPD. Noong una eh litong-lito ako kung ano yung NYPD na sinasabi nya. Pero kalaunan eh nakuha ko na kung ano ang gusto nyang panoorin - MYMP pala.
Naghanap ang mga kapatid ko sa internet kung san may tugtog ang MYMP. Wala silang nakita pero nalaman nila na may tugtog ang Freestyle sa 19th street*. At dahil adik ang mga kapatid ko kay JinkyVidal, dun kami nagpunta.
First time kong magpunta sa lugar na yun. Maganda pala dun. May view na para kang nasa Antipolo na din. Mas trip ko sana sa labas dahil mas tahimik. Pero dahil sa loob tumutugtog ang Freestyle, dun kami sa loob nanood.
Magaling tumugtog ang Freestyle. Bilib din ako kay Jinky. Pero hindi tungkol dun ang post na ito. Ito ay tungkol sa paglalapastangan sa aking pagkatao, na naranasan ko sa pagpunta ko sa lugar na yun.
Nung tapos na kasing tumugtog yung banda, nagpuntahan yung mga kapatid ko kay Jinky para magpakuha ng picture. Halatang hindi handa ang mga kapatid ko, as in nabigla lang silang magpakuha ng litrato, as in wala iyon sa kanilang plano, dahil may dala silang digicam. Ako ang naging officila photographer nila. Anyway, na-tempt na kong magpakuha na din ng picture. Pero naudlot ng lumapit sa akin si Jinky at sabihing - "kuya, patingin nga kung kita kami".
KUYA! Kuya ang tinawag nya sa akin? Syete! Parang biglang gumuho ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko yun. Ganun na ba ko katandang tingnan?! Alam kong gumagalang lang siya kaya niya sinabi yun pero, por dyos por santo, ANG NAKATATANDA LANG ANG GINAGALANG! Sa mga ganung pagkakataon eh mas gusto ko pang bastusin na lang ako.
Haaayyyyy......
Bagay, kung tutuusin, mas masagwa siguro kung tinawag nya kong manong.
*O Avenue?

2 comments:
Mas okay sana kung Lolo ang tinawag sau, ganun ka na kase katandang tignan, hehehe :p
"kuya" .. napadaan ako sa highway nung sabado at nakita ko ung lugar na sinabi mo. muntik ko nang di mapansin kasi 19 EAST pala ang pangalan .. hindi 19th Street .. hindi rin 19th Avenue. :-) tsk..tsk.. malabo na talaga mata mo. :p
Post a Comment