Kagagaling ko lang ng probinsya ngayon. Last Friday eh nagpunta ko ng Masbate para samahan ang uncle ko na sunduin ang Lolo at Lola ko. So, halos tatlong araw din akong walang ginawa kundi kumain at matulog.
Huli kong uwi sa probinsya namin eh halos isang taon. Wala namang nagbago simula nung huli kong uwi. Ganun pa rin ang takbo ng oras sa probinsya, di hamak na mas mabagal kesa sa takbo ng oras dito.
Sa Masbate din eh nagawa ko ang paborito kong gawin kapag gabi* - ang mag-stargazing. Dahil nga konti lang naman ang ilaw dun, tsaka wlang pollution, para kang inuulan ng bituin kapag gabi na. Ewan ko kung bakit pero nakakaramdaman ako ng kapayapaan kapag nakikita ko ang mga bituin. Para kasing kapag tinitingnana ko sila, kumikinang lang sila para sa akin. Kahit sa isip ko lang, ang sarap pagmunimunihan na may mga bagay na nakalutang sa langit, na binibigyan ako ng pansandaling pagpapahalaga. (Syete! Drama na itesh!)
Sa balkonahe din sa bahay namin sa probinsya eh may parang mini-greenhouse. Kapag umaga, dun ako umiinom ng kape. Habang nakatingin ako sa mga bulaklak dun, nakakapagpahinga ako ng sobra - higit pa sa pahinga na naidudulot ng mahimbing na pagtulog. Iilan lang ang mga pagkakataon na ganoon - iilan lang talaga.
Marami akong alaala sa probinsya namin. Maraming masasayang oras ng buhay ko ang doon nabuo. Lagi kaming naglalaro noon sa ilalim ng buwan. Laging nagtataguan at nagkukuwentuhan kapag gabi na. Hindi ako nawawalang ng kasama noon.
Pero napansin ko na nitong mga huling uwi ko sa probinsya eh kadalasan akong nag-iisa sa balkonahe. Tinitingnan ko na lang yung kalsada na dati kong pinaglalaruan. Hindi na maingay sa kalsadang yun, pero parang walang patid pa din ang ingay na dala ng masasaya kong araw sa probinsya. Wlang patid pa din ang tunog ng tawanan sa alaala ko. Ganoon yata talaga kapag nakikipaglaro ang tadhana.
Wala na ang karamihang mga kalaro ko. Kagaya ng iba pang tao na minsang naging malaking bahagi ng buhay ko, sumabay sila sa agos ng oras - nagkaroon na din sila ng sari-sarili nilang buhay.
Magkahalong saya at lungkot ang naramdaman ko nung umuwi ako sa probinsya. Saya, dahil muli kong nagawa yung mga bagay na nakakapagbigay sa akin ng kapayapaan. Lungkot, dahil naalala ko yung mga bagay na wala na, na dati kong pinagkukuhanan ng saya.
Merong naliligaw na bata sa puso ko. Ang takot ko lang, baka tuluyan ko na siyang hindi mahanap....
*Mahirap kasi itong gawin sa tanghali.

1 comment:
lumabas na naman ang pagka-writer mo. hehehe .. nice blog, Cid! :-)
Post a Comment