Wednesday, August 31, 2005

My Sassy Girl

Kakatapos ko lang panoorin ang my sassy girl. At eto na naman ako, umaandar na naman ang utak ko na tamang isip. Matagal ko ng kinumbinsi ang utak ko na tumigil na sa pagiging tamang isip palage. Pero mukhang ngayon eh hindi siya nakikinig sa akin.

Hangga't maari sana eh ayoko ng maging masyadong senti. Parang mas maganda kasi yung takbo ng ikot ng mundo pag nde ka masyadong senti sa buhay. Noong college kasi ako eh ganun ako. Maraming bagay sa buhay ko noon, lalo na pag patungkol sa pag-ibig, ang masyado kong sineseryoso. Kaya tuloy sa tingin ko eh marami akong oras na sinayang noon. Maraming oras na, imbis na ginamit ko na lang sa pagtawa, eh naubos na lang sa kakadrama. Pinangako ko sa sarili ko noon na hindi na maulit yun. Hindi na kako mangyayari na masyado kong seryosohin yang pag-ibig na yan. Fad lang kako yan na hindi ko kailangang sundin.

Pero pagtungtong ko sa law school, ganun pa din ang nangyari. Nakita ko na lang ang sarili ko sa sitwasyon na iniiwasan ko na. Maraming beses ko na namang natagpuan ang sarili ko na kinakausap ang panyo.

Paano mo ba maiiwasan ang ganun? May nabibili bang gamot para maging manhid ka na lang? Wala yata eh. Minsan aabutan ka talaga ng lungkot...minsan aabutan ka ng pag-iisa. Aabutan ka kahit gaano ka pa kabilis tumakbo.

Dont get me wrong.

Masaya ako sa buhay ko ngayon. May mga problemang dumadating, pero kahit minsan eh hindi ko naisipan na mag-quit. Dala na rin siguro ng mga naranasan ko dati, natutunan ko na lahat ng bagay eh may hangganan. Kailangan lang talaga eh maging matiyaga ka. Hindi mo kontrolada ang ibibigay sa iyo ng bukas, pero napakalaki ng kontrol mo sa kung ano ang haharapin mo ngayon. At ang ngyon ang maigiging tuntungan papunta bukas. Kaya napakahalaga na maging masaya ngayon.

Still....

May mga sandali na nag-iisip ako kung kailan ba darating yung hinihintay ko. May mga oras, katulad ngayon, na naiisip ko na parang mas masarap maging masaya kung may kasama kang tumatawa. Marami akong nararamdaman na naka-reserve lang, marami akong idea na naghihintay ng mapagsasabihan, at lalong marami akong parating na magdamag, na naghihintay ng magiging kakuwentuhan.

Madami akong kaibigan na nagsasabi na hindi na nga raw uso yung mga kagaya ko. Hindi kasi ako yung "smooth talker" na uso na daw ngayon. Hindi na daw pede ngayon yung tula ang binibigay, sa halip na mamahaling damit; kanta, imbes na neclace. Hindi na daw ako para sa panahon na ito.

Pero ayokong makiuso. Kung hindi man ako para sa panahong ito, natitiyak ko na meron pa ding kagaya ko. Meron pa din nman sigurong sasakto sa ang konsepto ko sa pagmamahal. Kung sino man siya, eto lang ang mensahe ko sa kanya...

Hindi ko alam kung sino ka. Hindi ko alam kung ano ang itsura mo. Pero natitiyak ko na sa paningin ko eh wala ng mas gaganda pa. Hindi iikot ang mundo ko sa iyo, dahil ikaw ang magiging mundo ko. Sa mga mata mo ako kukuha ng lakas tuwing pinanghihinaan ako. Sa mga paliwanag mo ako kukuha ng sagot tuwing nalilito ako. At ang tinig mo ang magpapahimbing sa kin, kahit gaano pa kagulo ang mundo sa labas. Handa akong kayanin ang hindi ko kaya, gawin ang mga bagay na hindi ko dati ginagawa, para sa iyo.

Hindi ko sigurado kung kailan, pero nandito lang naman ako...matiyagang sabay na naghahanap at naghihintay sayo.

Samantala, habang wala ka pa. Bababa muna ko. Kakain muna ko kasi may lomi daw sabi ni mama.

Five Positive + Five Negative

Katulad ng nasabi ko nga kagabi, dito lang ako sa bahay buong araw. Wala akong ibang balak gawin kundi kulitin si mama na bigyan ako ng pampanood ng sine, o kaya naman eh manood ng aquarium channel. Pede din na magchat sa MIRC at magpanggap na 18 years old pa lang ako. Kasi pag sinabi ko ang edad ko eh paniguradong wla ng mag-rereply sa akin eh.

May kahirapan din talaga ang isang tambay. Mukhang nde yata bagay sa kin ang buhay ng unemployed. Pero dont worry my mommy, sa Sept 15 eh balik na naman ako sa pagiging pulis pangkalawakan. Halos labinglimang araw na lang ang natitira at magiging misyon ko na naman ang pagtugis sa may pinakamalaking mukha na nilalang....si judy ann...este...si puma ley-ar pala.

Pansamantla, ako muna ay mag-eenjoy sa aking pagka-bum.

Dahil nga presidente ako ng asosasyon ng mga wlang trabaho dito sa Pilipinas, ako ay napag-atasan na gumawa ng list ng Five Positive and Negative Things ng pagiging unemployed. At matapos ang masusing pag-aaral, narito ang resulta....

Five Positive Things.

1. Hindi ka binibigyan ng deadline iyong boss. Ang deadline lang na hinahabol mo eh ang alas-otso 'y medya ng gabi. Kailangan na nasa bahay ka na by that time dahil simula na ng darna.

2. Pede kang magsurf, magblog, or magchat hanggang sa magdugo ang ilong mo.

3. Hindi mo kailangang gumising ng umaga. Dahil dun, nde mo na kailangang matulog ng maaga.

4. Pede mong panoorin ang lahat ng palabas sa sine hanggang sa tuluyan ka ng mabulag.

5. Mapupuntahan mo na ang lahat ng mga kaibigan mo ng nde mo na napupuntahan. Macoconfirm mo kung buhay pa sila o totoo yung balita na nabagsakan sila ng satellite.

Five Negative Things.

1. Bibigyan ka ng deadline ng nanay mo. Ibibigay nya ito sa ganitong paraan - "Kapag sa susunod na buwan eh nde ka pa nakapasok sa trabaho eh maghanap ka na ng ibang matutuluyan!" Pero naka-smile cia nyan.

2. Nde ka makapag-internet kasi wla kang pera pambili ng internet card.

3. Natutulog ka ng maaga dahil ayaw mong masermonan pagdating ng iyong ama. At gumigising ka naman ng maaga dahil binubulyawan ka na isa ka raw batugan.

4. Nde ka makapanood ng sine dahil wala ka ngang pera. Nakukuntento ka na lang sa pagtingin sa mga poster sa gilid ng sinehan na nagpapakita kung ano ang next attraction.

5. Nde mo mapuntahan ang mga kaibigan mo dahil wala kang pamasahe. Ang napupuntahan mo lang eh yung tindahan sa harap ng bahay nyo na nabibilhan mo ng cherry ball.

Tuesday, August 30, 2005

To hell with tea

Meron daw nagkakalat na ako ay mahilig sa tsaa. Isa daw akong addict sa tea. Pwes, narito ako para pasinungalingan yun. Wala akong kahilig-hilig sa tsaa!!!

Sa katunayan.....




Kung sino man ang nagkakalat ng maling impormasyon, isa lang ang masasabi ko - LIERS GO TO HELL. So I guess...kita-kitz?

Walk for No Cause

Kanina eh para akong high school ulit na sumama sa alay lakad dahil mandatory. Alay lakad talaga ang inabot ko sa haba ng binaybay ng mga paa ko. Pakiramdam ko nga eh para kong si Frodo na naglalakad sa papunta sa Mt. Doom. Ang kaibahan ko lang eh wala akong hawak na ring, at lalong wala akong kasama na Sam ang pangalan.

Eto ang tinahak kong landas...

1. Bienevidez to MRT Ayala.
2. MRT GMA to PDEA Bldg.

After two hours.....

3. PDEA Bldg. to MRT GMA.
4. MRT Ayala to Bienevidez.

After 15 minutes....

5. Bienevidez to Seattles Best, Greenbelt. (May naganap na katangahan dito eh. Natapon ko yugn iniinom kong kape kahit na halos dalawang higop pa lang ang nahihigop ko. Gusto ko nga sanang himurin yung natapon ko semento kaso baka sabihin ng mga tao cheap ako. Kaya pina-take-out ko na lang.)
6. Seattles Best, Greenbelt to Bienevidez.

At around 6:30.....

7. Bienevidez to Greenbelt Mcdo.
8. Greenbelt Mcdo to Greenbelt garden
9. Greenbelt garden to Jaca (o Jaka?) Bldg.

So nakauwi ako ngayon sa bahay ng mga 9:30 pm. Sa totoo lang eh pagod na pagod ako. Sa sobrang pagod ko eh tinamad na akong kumain. Halos nakatatlong pinggan lang ako ng kanin. Kasi nga eh ultimo pagnguya eh kinatamaran ko na.

Paghubad ko nman ng sapatos ko eh nagulat ako. Minura kasi ako ng paa ko. (Hindi ko masasabi kung ano yung mga sinabi nya kasi baka mabasa ito ng MTRCB. Baka macensor pa ako.) Basta sabi nya eh masyado ko raw siyang inabuso ngayong araw na ito. Kaya bukas daw eh hindi siya kikilos.

Ang sa akin naman eh no problem dahil wala akong lakad tom kaya nde ko kailangan ng paa. Baka buon araw na lang ako dito sa harap ng PC at magcha2t o di naman kaya eh gagawa ng blog.

Monday, August 29, 2005

When everything else fails, there's always delusion...O' Brien

Dear Cid,

Hindi ko alam kong ano ang gagawin mo pagtapos mong basahin ang sulat ko na ito. Pero nilakasan ko na lang ang loob ko. Alam ko naman kasi na hindi ka mababaw na tao. Alam kong maiintindihan mo rin ito dahil nga bukod sa magandang lalake ka na, napakatalino mo pa. Bago ko sabihin ang gusto kong sabihin, nais ko munang pasalamatan ka.

Salamat Cid sa pagturo mo sa akin sa subject ko na Calculus. Kahit na busy ka sa iyong pag-aartista, nagawa mo pa din na tulungan ako. Salamat at napasimple mo ang pagpapaliwanag sa subject na iyon. Tunay nga na isa kang henyo sa Math. Hindi ko rin makakalimutan nuong nakaraang araw na inabot mo yung payong ko na nasa itaas ng cabinet. Kung hindi siguro 6'3 ang height mo eh malamang hindi ko nadala yung payong na yun. Lastly, salamat sa pagtuturo mo sa akin ng iba't-ibang uri ng exercises. Malaking bagay sa akin na turuan ng isang katulad mong Physical Fitness Instructor ng mga Physical Fitness Instructors sa Slimmers World.

Kanina ko pa tinitingnan ang picture mo sa friendster. Tinititigan ko ang kulay asul mo na mga mata, at ang iyong hairline na parang hindi nagbabago dahil hindi tumataas. Maaaring isipin mo na obsessed na ako sa iyo. Mahirap mang aminin pero talaga yatang ganoon na..nasisira na ang ulo ko sa iyo.

Mahal na kita Cid. Alam kong pagtatawanan ako ng mga tao dahil sa sulat na ito. Sino ba naman ako kumpara sa iyo? Ikaw na isang sikat na singer, kilalang bodybuilder, at bagong miyembro ng the hunks. At napakayaman at napaka-generous mo pa. Tsaka meron ka pang laptop na bago! Eh ako?

Wala akong maipagmamalaki sa iyo dahil nga nasa iyo na ang lahat. Wala akong maipagmamalaki na kahit ano sa iyo pera na lamang sa pag-ibig ko. Wala na sigurong magmamahal sa iyo kung paano kita minamahal ngayon.

Ayoko ng pahabain pa ang sulat na ito Cid. Basta ang sa akin eh nasabi ko ang bagay na dapat kong sabihin. Sana ay wag mo kong iwasan pagkabasa mo nito. Sana ay walang magbago sa atin. Hayaan mo nga palang iwan ko sa iyo ang larawan ko na kalakip na sulat na ito...


Naaalala mo pa ba yan? Ikaw ang kumuha ng picture na yan eh. Kaya kung mapapansin mo eh kakaiba ang ngiti ko.

Nagmamahal sa iyo,

Song Hye Kyo

P.S. Marunong na nga pala kong magtagalog. Baka kasi hindi mo pa alam.

The Ordeal

Sa totoo lang, ako ang tipo ng tao na walang kahangin-hangin sa katawan. Hindi ako mapagmalaki dahil minulat ako ng aking mga magulang sa ugaling mapagkumbaba. Kung meron man akong katangian na maipagmamayabang, iyon ay ang aking humility. Sa katunayan, hindi ko pinagkakalat o pinagmamayabang na MERON NA KONG LAPTOP.

Oo, meron na kong laptop. Sa katunayan nga eh ginagawa ko ang blog na ito gamit ang AKING BAGONG-BAGONG LAPTOP. Pero hindi ko iyon pinagsasabi. Dahil nga ayokong isipin ng mga tao na porke't MERON NA KONG BAGO AT MAGANDANG LAPTOP eh nagbago na ko. Aaminin ko na hindi na ko sanay magtype sa isang desktop PC dahil nga MERON NA KONG LAPTOP, pero my lips are sealed. Hinding-hindi ko iyon ipagsasabi o ipagkakalat. Dahil kung tutuusin, hindi naman ganoon kalaking isyu ang pagkakaroon ko ng ISANG BAGO, SUPER HIGHTECH, AT WALANG KASING-GANDANG LAPTOP. Hindi ko kasi talaga naging ugali ang ganoon.

Anyway, hindi ako nakauwi sa bahay kagabi. kaya tuloy para kong isang preso ngayon dito sa bahay na hindi makalabas. Ewan ko ba. Maganda naman yung dinahilan ko kila papa kung bakit hindi ako nakauwi pero parang hindi sila naniniwala. Nakakainis nga kasi parang pinapalabas nila na sinungaling ako.

Totoo naman na kagabi eh uuwi naman talaga ko. Kaso nga, habang naglalakad ako papunta sa sakayan ng FX, may biglang malakas na ilaw na tumutok sa akin. Tapos naramdaman ko na lang na unti-unti na akong lumulutang. Nawalan ako ng malay bigla. Nung magising ako eh napapalibutan na ko ng mga maliliit na tao na may malaking mata. Kulay silver ang kanilang balat. Tinangka kong manlanban pero parang nakokontrol nila ang utak ko. At yun ang dahilan kaya hindi ako nakapagtext. Kasi nga kinokontrol nila pati ang aking mga kamay.

Sinubukan ko din naman na pakiusapan sila dahil nga kailangan ko ng umuwi. Kaso nga eh hindi ko maintindihan yung salita nila...cebuano ata yun. Nawalan ulit ako ng malay at nagising na lang sa bahay ng barkada ko, na masakit ang aking ulo.

Yan ang totoong nangyari sa akin kagabi. Ewan ko ba kung bakit ayaw paniwalaan nila papa at mama. Matapos ang ordeal ko na yun, pag-uwi ko pa dito sa bahay eh papagalitan ko. Napakasakalap talaga. Pakiramdam ko nga eh maaaring kinontrol na rin sila papa at mama ng mga alien. Kaya siguro galit na galit.

Hindi totoo na kaya ako hindi nakauwi kagabi eh dahil napadami kami ng ininom at nakatulog ako sa bahay ng barkada ko. Sus! Hindi totoo yun! Maaring pakana lang yun ng mga alien na kumidnap sa akin kagabi.

By the way, nasabi ko na ba na meron na kong bagong laptop?

Saturday, August 27, 2005

My First Blog

BWAHAHAHA!!!.....

Censya na at nde ko mapigilan ang pagtawa na para bang miyembro ng isang kulto at meron kaming bata na bagong alay. Hindi ko mapigilan ang kasiyahan na nararamdaman ko ngayon dahil nga nagawa ko na ang PC ko. Yup! Gumagana na siya at sa katunayan, kaya ko pinamagatan ito na "my first blog" ay dahil ito ang una kong blog gamit ang PC ko. Wala ng pede sumita sa akin na nasasayang ang oras ko sa trabaho dahil sa blog. Ultimo ang aking nanay ay hindi na pedeng sabihin sa akin yun. Kaya isa pang...

BWAHAHA!!!!

Dahil buo na ang aking PC, marami na ulit akong magagawang mga importanteng bagay na tiyak na makatutulog hindi lamang sa akin, kundi pati na rin sa aking pamilya, tulad na lamang ng mga sumusunod....

1. Makakapagblog na ulit ako.

2. Makakapagfriendster. (Speaking of friendster, nadedepress ako tuwing binubuksan ko yun. Wala na kasing nag-memessage sa kin..nde tulad nung kasikatan ko pa sa pinilakang tabing.

3. Makakapagbasketbol na ulit ako. (Hindi alam ng karamihan pero magaling ako sa basketball. Walang tumatalo sa akin...sa PC nga lang.)

4. Makakalimot na naman akong kumain dahil sa kakalaro.

5. Wala na akong maisip.

"Oo na! Bababa na ko." Ooppss...Sagot ko yan dahil nanggigigil na si mama. Kakausapin na daw ako sa baba kaya kailangn ko muna itong tapusin. "Eto na!!" Ooppss ulit. Hindi ito ang huli. Kaya isa pang.....

BWAHAHAHA!!!