Monday, June 27, 2005

Gloria's Admission Speech

isa sa mga pinangako ko sa sarili ko eh hindi ako magsusulat ng blog tungkol dito sa Gloria-Garci scandal. wala naman din kasing mangyayari eh. sayang lang ang pag-type ko. pero, kagaya ng pangako ko na nde na ko kakain ng taba, kailangan ko itong baliin.

kagabi kasi eh umamin na nga si gloria na siya ang boses na nasa tapes. nag-sorry din siya ever. nkakayanig nga ang mga pangyayari eh. npilitan tuloy akong manood ng balita imbes na kumain na lang ng lucky me batchoy.

anyway, para sa akin eh napakabobo ng gumawa ng speech nya. kung sino man ang nagsulat nun, i'm sure na mas matino pa ang speech na lumabas kung salagubang* ang gumawa nun. napaka-importante nun kya dapat eh pinaghandaan sana. Kaso wala eh.

nde kasi dapat siya nag-sorry.

kaya naisip ko, tawagan ko kaya ang malakanyang? kasi pede din naman akong speech writer. i'm sure na hindi hamak na mas magaling naman ako kesa dun sa nagsulat ng speech nya. anyway, kung ako sana ang nasunod, eto ang speech na pinabasa ko sa kanya kagabi, to wit -

GLORIA'S ADMISSION SPEECH**

mga kababayan, whatz up? magandang gabi po sa inyo. nde na ko magpapakilala kasi namumukhaan nyo naman siguro ko.

anywayz, ako ay may sasabihin ngyon na kung tutuusin eh nde ko na kailangang sabihin dahil alam nyo na naman. pero dahil maraming naghihintay ng confirmation kung totoo nga, sige aaminin ko na - oo! pandak nga ako.

pero bukod dyan eh gusto ko ding sabihin na ako nga ang nasa tape. nde yung kasama si alex crisano ha. iba yun. yung tape na sinasabi ko he yung kumakalat ngayon at ginagawa pang ringtone.

oo mga kababayan, ako nga iyon. at ang masasabi ko lang eh - ano ngayon?

mga kababayan. wala naman tlaga kayong magagawa eh. lam ko na pagod na din kayo sa kakapunta sa edsa. at ang impeachment naman eh nde kahit kailan uusad dahil hawak ko ang senado at ang kongreso. so, mainis man kayo o anuman ang nararamdaman nyo, balewala yan.

tsaka isa pa - gusto nyo ba maging presidente si noli? obvious namn na nde dahil ang utak nun, kumbaga sa kotse, eh nde pa na-break in.

ang mabuti pa eh ituloy na lang ntin ang mga nasimulan ko ng pagbabago. at, nde naman sa panunumbat, narito ang sampu sa pinakamatitindi at pinakamataas na antas ng pangyayari na naganap dahil sa aking administrasyon:

1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

ok. so aaminin ko nga na walang nangyaring maganda bukod sa pinalabas ang spiderman 2 under my administration, pero ano ngyon?

tsaka mga kababayan. nde ako nandaya sa eleksyon! napakalaking kasinungalingan nyan. ang totoo po eh si garci nga ang kausap ko nun. pero ito ay si gwen garci ng viva hot babes. tinanong ko lang siya kung magkano ang ginastos nya sa pagpapalaki ng boobs. at sinabi nya nga na 1 million. at sa lanao daw siya nag-paayos dahil may discount daw siya dun. inulit-ulit ko lng - 1 million? sigurado ba yan? at oo nman ang sagot nya. boses lalake lang siya nun dahil nga meron siyang sipon.

ngayon mga kababayan, sa harap ng diyos ng mga intsik, masasabi ko na walang mali dun! at dapat nyo ding tanggapin na walang mali dun. dahil kung ayaw nyo tanggapin at paniwalaan, lahat kayo eh kakasuhan ng DOJ ng sedition.

gayunpaman, bilang pangulo, lam ko na nagkamali ako sa pagtawag kay gwen garci. lapse in judgment iyon kasi nde ko dapat tino-tolerate ang pag-paparetoke ng katawan. pero sana ay maintindihan nyo na tao lang ako..nagkakamali.

kaya bilang pag-amin, ako ay magsasakripisyo para sa bayan. simula ngayon hanggang sa July 12 eh magbibigay ako sa malakanyang ng libreng spa sa ritz o kung san man nyo gusto. ito ay upang mabawasan namn ang inyong mga stress sa buhay. kami ng aking matabang asawa ay mamimigay din ng libreng tiket sa greenbelt para sa batman at sa monster-in-law. ipapalabas ko din ulit ang madagascar para sa mga nde pa nkakapanood.

mga kababayan, nagsasawa na ko sa kakabangggit ng mga kababayan kasi paulit-ulit na.

mga minamahal kong pilipino, alam kong mahihina ang inyong mga memorya. in fact, bawal na yata sa inyo ang mga beans at pork dahil baka lumala ang memory gap. alam ko na makakalimutan nyo din ang mga pangyayaring ito at ako ay patuloy na magiging pangulo ninyo. kahit sabihin ko sa inyo ngayon na mga letche kayo!, tiyak na makakalimutan nyo din.

ganyan kayo...mapagpatawad.***

isang magandang gabi sa lahat. maaari nyo na ngayong pagpatuloy ang panonood ng darna.

PGMA

*salagubang na kahit papano eh nakatapos.

**nde ito ang speech na sinasabi kapag pumasa ka sa admissions exam.

***o tanga?

No comments: