Tuesday, June 14, 2005

Nawala

Maganda ang title ng post na ito. Simple lang at walang masyado magagarang salita. Kumbaga sa palabok eh ung pinaka-noodles lang at walang masyadong chicharon.

Isa sa pinakasimbolo ng katangahan ko eh yung nangyari sa akin kagabi. Gusto ko sanang habaan ang paliwanag pero sisimplehan ko na lang...nawala ang aking 20 gig na mp3 player.

Kung hindi ba naman ako sandamakmak na tanga, pagbaba ko sa FX eh nde ko napansin na headphone na lang pla ang dala ko at hindi na nakalagay duon ang aking pinakaiibig (bukod kay *secret*) na player.

Ito na siguro ang masasabi kong rurok ng kabobohan ko. Sa sobrang bobo na nararamdaman ko ngayon, qualified na ko na maging senador. Kulang na lang eh maging artista.

Sayang din yun kasi yun ang pinakaunang purchase ko na nagmula sa aking kakarampot at panghampaslupang hasyenderong sahod. At take note na tinago ko pa yun sa paningin ng aking ina para lang wag nya malaman na bumili ako ng ganoon kamahal.

Pero ang nakaraan ay nakaraan na. At ang mabilis ay mabilis (fast is fast).

Kung paanong wla ng pag-asang tumalino si Sen. Jinggoy eh ganun din naman na wla ng pag-asa na mabalik pa ang aking player. Tuluyan na lamang siyang magiging bahagi ng aking nakaraan. Sa tuwing maaalala ko siya a may mga patak ng luha na mamumutawi sa aking mga mata.

Kung sino man ang nakapulot nuon. Maiintidihan ko kung bakit wla ka ng intensyon na ibalik yan. Finder's Keepers eh. (Sa tagalog eh MAGNANAKAW KA!) Pero wag kang mag-alala, ipagdarasal ko na sana ay maging matiwasay at masaya ang iyong buhay kahit na ikaw ay meron ng ketong at galis sa loob ng ilong.

Paalam CREATIVE. Sabi nga ng latest na kanta ng father and son - mamimiss kita.

No comments: