Wednesday, June 22, 2005

Things that I miss the most

Anlakas ng ulan kagabi. buti na lang at nakisabay ako kay gem kaya matiwasay akong nakauwi sa bahay. Kungdi eh malamang hanggang ngayon stranded pa din ako sa makati.

Anyway, habang nasa biyahe ako eh may mga nakita kong mga bata na naglalaro sa baha. Napapangiti ako mag-isa kasi naalala ko dati na naglalaro din ako sa baha. Nung bata ako eh favorite naimng magpipinsan pag umuulan kasi iniikot namin ang buong velasquez para maghanap ng mga baha na lagpas tao*. Kaya pag-uwi namin eh puro palo inaabot namin kasi amoy imburnal n kami. Pero kahit amoy imburnal, at may mga pasa ng palo, eh napakasaya pa din namin. Nde katulad ngayon, nde nga ako amoy imburnal**, at nde na din ako pinapalo, pero wala akong maisip na sitwasyon ngayon kung san kagaya ng saya ko sa paliligo sa baha yung nararamdaman ko.

Naisip ko na napakarami palang bagay nung kabataan ko na hindi ko na nararanasan ngayon. Hindi ko alam kung dahil yun sa kapag nadadagdagan na ng taon ang buhay mo eh may mga limitasyon na binibigay ang mundo. Tsaka pag umikot ang mndo, ayaw man natin o gusto eh may mga bagay yata talaga na hindi sasabay sa ikot, may mga bagay na maiiwan.

Kaya ngayon, ang gagawin ko eh ililista ko kung ano yung mga bagay at gawain na nde ko na nararanasanan ngayon. Hoping na one of these days eh magawa ko ulit.

1. Paliligo sa ulan at pag-swimming sa baha.

2. Pagkain ng pom-poms.***

3. Panonood ng shaider, bioman, voltron (ung mga lion).

4. Paghingi ng piso kay tatay siso tsaka kay mama.

5. Pagsakay sa ferris wheel sa perya.

6. Pagkain ng tinapay na hugis isda tsaka ice candy.

7. Pag-bike ng isang buong araw.

8. Maligaw dahil sa kaka-bike.

9. Paglalaro ng family computer.

10. Paglalaro ng patintero tsaka taguan kapag bilog ang buwan.

11. Pangungupit para lng makabili ng chichirya na merong makukuhang parte ng laruan sa loob - na pede buuin.

12. Yung nagkukunwari akong tulog pag tanghali kasi nde ako palalabasin sa hapon para maglaro kapag nalaman na gising ako. (Nakakhalata si papa kapag nagkukunwari lang ako kasi gumagalaw daw ung mata ko).

13. Pagsabit sa dyip. (Malaking bagay yung pagsabit sa dyip nun. Kasi kapag bata pa eh nde pasasabitin. Kaya kapag pinasabit eh feeling matanda na ko.Ngayon matanda na talaga ako. Yan kasi!)

14. Pangungulekta ng tunaw na kandila sa sementeryo kapag mahal na araw.

15. Pagpapalit ng bote para sa chiz curls.

16. Kuwentuhan sa itaas ng bubong nila tatay siso kasama si yoyoy at aldwin.

17. Pag-tripan ang doorbell ng kapitbahay. (Pipindutin ang doorbell tapos tatakbo ng mabilis.

18. Kawalan ng interes sa babae. (Hindi pa ko nagkakaron ng crush o love ineterest nung bata pa ako. Sa tingin ko eh yung ang pangunahing dahilan kung bakit masaya at napakatiwasay ng buhay ko nuon.)

19. Samahan si Yoyoy na pakainin ang kanyang mga kalapati na isang araw eh natagpuan namin na puro ulo na lang na g natira dahil napasok ng daga.

20. Pagtawa dahil sa mga walang kasing babaw na dahilan.

*Since bata pa lang kami non, ang lagpas tao siguro namin nuon eh ga-tuhod ko na lang ngayon.

**Minsan na lang.

***Isang sikat na chiz curls nung panahon ko.

No comments: