Thursday, June 16, 2005

Why it does not pay to be early (sometimes)?

May hearing (nde yung pandinig dahil meron na talaga ko nun) ako kanina which was supposed to start at 8:30 am. Dhil pinangako ko sa sarili ko na hindi ako male-late sa mga ganun bagay, 7 am p lng eh nandun na ko sa city hall. In fact, nauna pa ako sa mga fixers dun. Una kong ginawa eh hinanap ko yung branch kung san naka-assign yung hinhwakan ko (na kendi). Palibhasa eh bagito (pero guapo) pa lang ako, nagkamali ako ng pinuntahan. Wala pala sa city hall yung branch na pupunthan ko. nsa kabilang panig pla ng mundo.

Anyway, nung matuklasan ko nga na tanga ako, pinuntahan ko na yung kabilang panig ng mundo. Mga 7:30 ako nandun. So meron pa kong isang oras kung tutuusin para maghintay. Sa loob ng isang oras na yun kako, may panahon ako para makapag-review, mag-solitaire, at mangarap. Pero bago ko magawa ang isa sa mga yan, may nagawa na kong iba...umihe.

At ito tlga ang kagandahan...10 am n dumating ang judge. Mantakin mo na sabihan pa ko na wag daw mag-file ng motion ng naka-set ng 8:30 dahil sa paraƱaque pa daw cia nakatira. Gusto ko nga sana siyang buhusan ng kumukulong langis kaso baka ma-contempt ako eh.

Kagandahan talga.

Kaya minsan tlaga ayaw ko maging maaga eh. Lalo na kung hindi ko sigurado yung mga kausap ko. Palibhasa eh laki ako sa london kaya sanay ako na laging maaga.

Antgal ko naghihintay kanina. Sa sobrang bore ko nung una eh nakuha kong bilangin kung ilan ang burda ng barong ko. Natuklasan ko din na kumpleto pa pala daliri ko sa paa. Saka ngayon ko lang napansin na wala pala akong abs. Later on, may kakuwentuhan ako na empleyado dun. Andami nyang cnabi tungkol sa buhay nya. Kesyo sumggler daw cia dati, inambush na daw cia, etch. Na-appreciate ko naman kaso parang nde na kapanipaniwala yung iba. Hinihintay ko na nga lang na sabihin nya na dati siyang hari ng England, tpos mag-walk out na ko.

Grabe. Dami nasayang na oras kanina sa pghihintay. Ako pa namn yung taong masyado magpahalaga sa oras. Yung hinintay ko, pede ko na sanang ipanood ng batman starts..este...begins.

Moral Lesson: Wag masyado maaga. Kung magiging maaga, magdala ng coloring book, o di kaya ay jigsaw puzzle na ciang magiging libangan. Kung magdadala ng coloring book, wag kalimutan magdala ng crayons.

No comments: