Nakakabuwiset ang mga pangyayari dito sa makati. Sa di malamang kadahilanan eh bigkang naghigpit si Mayor Binay at ipinagbawala ng pagpasok ng mga colorum na sasakyan sa loob ng makati. Tama ba yun? Oo. Pero mali pa rin kasi pinahihirapan nila ko sa pagpasok.
Wala naman kasi akong masasakyang iba na diretsong makati galing sa kabundukan ng cavite kungdi ang mga colorum na yun eh. At katulad ko, maraming ganun din ang sitwasyon sa amin. Buti sana kung lagi akong may dalang sasakyan. Hindi nman. Kasi para kong bumubili ng kidney sa mahal ng bayad sa skyway. Kung hindi naman ako mag-skyway eh baka tumanda na ako sa byahe.
Ang nangyari tuloy eh sa may don bosco pa lane eh binababa na kame. At kailangan eh lakarin ko simula dun hanggang sa opisina. Sa layo ng nilalakad ko eh pede na kong sumali sa "alay lakad". Kaya pagdating ko tuloy sa opisina, although guapo pa rin nman ako, pagod na ko. Bukod sa pagod eh late pa. Where are you?! (San ka pa?!)
Knina eh sinubukan kong magkunwari na matalino. Sumakay ako ng dyip na Washington. Kako, kung mali man itong masasakyan ko na ito at iba pala ang byahe, at least eh makakapunta ako sa US. Pero sa kagandahan eh iba pala yung hihintuan nya. Nde dumaan sa opisina at lalong nde dumaan sa US. Ang kinalabasan tuloy eh mas malayo pa nilakad ko.
Ganda di ba?
Moral Lesson: Imbes na maghanap ng paraan kung paano nde na maglalakad, maghanap ng makakausap habang naglalakad. Kausapin ang katabi sa van at imbitahin na samahan ka sa paglalakad. Kung ayaw, sabihan ng masasakit na salita.
No comments:
Post a Comment