Yoyoy,
Papasok ako kanina sa trabaho eh. Nasa bandang Madrigal Avenue na ko sa may Alabang ng wlang ka-abog abog eh bigla kang pumasok sa isip ko. Ewan ko kung bakit ha. Basta parang merong parte ng puso ko na nag-paalala sa akin na meron pala kong isang tao na sobrang hinahanap. Mabuti na lang kamo eh napigilan ko ang sarili ko. Kung nagkataon eh naiyak pa ko ng wala sa oras.
Kumusta ka na ba? Malamig ba dyan? May bagyo din ba dyan sa langit? Umiinom ka pa rin ba? Lam mo minsan natatawa ako pag naiisip ko na siguro eh nilalasing mo ang mga anghel dyan kaya nagkakagulo dito sa lupa. Akalain mo, pano magiging mabuting guardian angel ang mga anghel dyan kung puro may mga hangover.
Hindi ko pa rin makalimutan kung paanong umalis ka dito ng hindi man lang nagpapaalam ng maayos. Lam mo gumuho talaga ang mundo ko nuon. Natatakot nga sila papa nuon eh. Kasi akala daw nila eh bibigay na ang utak ko. Ang hindi nila alam eh matagal ng bumigay ito; at wala na tlagang wla ng ibibigay pa.
Nagtataka ako nuon Yoy kung bakit umiikot pa rin ang mundo kahit sa tingin ko eh dapat ng huminto. Hinid ko matanggap na meron pa ding masasayang tao na ngumingiti kahit wala ka na. Kasi para sa akin nuon eh parang natuyo yung dagat. Ewan ko kung narinig mo yung sinabi ko sa eulogy ko para sayo ha, pero totoo yun...nung nawala ka eh nawala ang kalahati ng katawan ko. At nabubuhay ako na alam na kalahati na lang ako ngayon.
Pero lam mo kung san ako kumuha ng lakas? Bukod sa pamilya ko, sayo tlaga. Napakalaki kasi ng tiwala mo sa kin. Sobra-sobra na hindi ko na deserve. First year pa lang ako nuon sa law eh attorney na ang tawag mo sa akin. Hindi ko makakalimutan kung paano mo ko pinagmamalaki sa mga kakilala mo nuon. Hanggang ngayon siguro, walang magmamahal sa aking kung pano mo ko minahal. Nakita mo kung sino ako eh. At minahal mo yun. Lam mo, ang isa sa nakakasakit ng loob ko ngayon eh andami kong kasama sa buhay na hindi ako nakikilala ng kung paano mo ko nakilala.
Madalas kitang mapanaginipan. Tuwang-tuwa ako pag ganoon. Kahit malungkot ako pag-gising kasi alam kong wla ka na, sobrang sarap ng pakiramdam ko na nakasama kita sa panginip. Kasi totoo lang, nakakasawa na din minsang isipin na puro sa alaala na alng kita nakikita. At least sa panaginip parang totoo kitang nakakusap at nahahawakan.
Lam mo sa tooto lang Yoy, sa tingin ko, sa ating dalawa eh ikaw yung mas matalino. Kahit ano sabihin nila, para sa akin eh ikaw yung mas magaling. Hindi naman kasi nasusukat sa galing sa eskuwelahan yung pagiging matalino ng isang tao eh. Palagay ko eh nasusukat iyon sa kung paano ka humarap sa buhay at kung paano ka makisalamuha sa tao At pagdating sa bagay na yun eh hindi kita mahihigitan..kahit kailan.
Sayang tlaga Yoy. Anadami pa nating alaala na dapat gagawin eh. Di ba usapan natin nuon minsan na pag tayo na ang may anak eh babawi tayo sa anak natin? Sabi mo eh tayo naman ang iinom tapos ang mga anak natin ang uutusan natin na bumili ng red horse? Ngayon hindi na tlaga yun matutupad. Mukhang tatanda na tlaga ako na wala ka. At masakit man isipin yun eh mukahng yung na ang katotohanan na naka-abang sa akin.
Madalas kong iniisip - kung ako kaya ang nawala, ano kaya ang ginagawa mo? Sigurado na depress ka din malamang. Sa tingin ko, hanggang nyon eh umiinom ka pa. Pero sa bagay, kahit naman hindi ka depressed eh umiinom ka.
Meron akong theory eh. Hango dun sa theory ng multiple universe. Sabi nun eh madami daw ganitong mundo sa iba't ibang universe. Ibig sabihin eh merong mga mundo pala na nandun ka pa, na kumpleto pa. Ibig sabihin eh may mga mundo pa na nkakarinig ng tawa mo; na nakakatikim ng mga masasarap mong luto; na nakakakita kung gaano ka kalakas kumain. msayang masaya ang mundo na yun Yoy. higit na masaya kesa dito.
magkikita din tayo lam ko. Nde ko lam kung kelan pero lam kong isang parte ng oras eh magkikita din tayo. Pag nagyare yun, wala munang inuman dahil baka may jetlag pa ko.
phen
p.s. mas matanda na ako sayo ngayon kaya kailang eh tawagin mo akong kuya.
1 comment:
wag u magalala pre, kasama ko sya s panalngin ko. kahit sandali lang kami nagkakilala, pinakita nyo kung pano mging isang tunay n kaibigan. teka mas matanda n b tyo kesa s knaya ngayon?
Post a Comment