Thursday, July 28, 2005

When you decide to end one thing, you actually end up starting another

Hindi ko alam kung anong kamalasan ba meron ang pagbabarong at laging umiiwas sa akin ang suwerte, tuwing magdidisente ako ng suot. Nakabarong ako ngayon at naglakad na naman simula sa walter mart hanggang dito sa opisina. Kaya pagdating ko dito eh para na kong ginahasa ng sampung arabo.

Syete! Bukas na ang huling araw ko dito sa opisina. Ang aking resignation kasi eh effective Aug. 1, 2005. Samakatuwid eh tom na ang huling araw ko ng pagtulog, este pagtrabaho dito sa kuwarto na ito.

Nagstart ako magwork dito ng Dec. 1. So, kung tama ang bilang ko eh 8 months din ako dito sa opisina. Hindi naman ganoon katagal kung tutuusin, pero sakto lang para magkaroon ng mga bagong kaibigan.

Kahit na panghampaslupang-anak-ng-hasyenderong-may-sakit lang ang sahod ko dito eh madami din akong natutunan. Tulad na lamang ng:

1. Nde pala dapat katakutan ang taxation. Nde nman puro math ang involved eh. Isang aspeto din siya ng batas na nde ginawa exclusively para lang sa mga marunong sa algebra.

2. Kaya ko palang magtanghalian ng nde kumakain ng kanin. Dito kasi, simula ng pumasok ako eh nde ako kumakain ng rice pag tanghalian. Ang kinakain ko lang eh ulam tulad ng taba ng porkchop at balat ng manok. Laking pagtataka ko nga kung bakit nde ako pumapayat. Pero ngayong aalis na ko eh muling aangat ang sektor ng agrikultura, at makakabili na ng audi ang mga nagsasaka ng palay.

3. Mahilig pala ako sa fita at sa sardinas na spanish style. Meron kasing fita sa may reception area dito eh. Para yun sa mga bisita pero, sa kadahilanang ako na lamang ang nakakaalam, unti-unti itong naubos. Kapag naman hapon at sa tantya ko eh madaming trabaho ang aking mga kasamahan, dahan dahan akong pumupunta sa kusina at nagbubukas ng sardinas na nakababad sa oil. Sarap nun in fairness lalo na at ihalo mo sa kanin. Napapadalas tuloy ang pag-replenish nila ng food stocks dito.

4. Kaya ko palang matulog ng nakaupo at may hawak na libro. Tapos pag may dumating eh parang naka-set na sa utak ko na gumising at magpanggap na nagbabasa ng malalim.
Anyway, kahit papano siguro eh mamimiss ko din itong opisina. Siyempre! Lahat naman ng bagay na iiwan natin, basta nde natin kinasusuklaman, eh mami-miss natin. At nde ko nman kinasusulaman ang opisinang ito, lalo na ang naging trabaho ko dito.

Simula sa Lunes ay wala na kong pasok. Pede na kong mag-artista habang hinihintay ang aking next adventure. Sakto! Kasi, ayon sa aking kaibigan sa channel 7, naghahanap daw ng ka-partner si angel locsin sa darna. Kahit simpleng papel lang muna actually eh kaya kong gampanin. Halimbawa eh pede akong gumanap bilang bra ni darna. Kahit walang sahod muna siguro eh pagtitiisan ko.

Tuesday, July 26, 2005

Tittttttt.............Tiiittttttttttttttt

Tiiitttttttttt.......... - yan ang tunog na gumising sa akin kaninang madaling araw. Mga 2:45 to be exact. Akala ko eh may mahuhulog na jumbo jet sa aking kuarto. Yun pala eh yung smoke detector eh nag-malfunction na at kahit wlang smoke ay tumunog.

By the way, nde ito joke. May smoke detector talaga ang kuwarto ko. Nilagay yan ng aking tiyuhin nung mga panahon na ako ay isa pang kadenang naninigarilyo (chain smoker). Kasi nga naman, masakit sa tenga yung tunog nun kaya mahihiya akong manigarilyo sa kuwarto ko. Pero sa tingin ko, it has served its purpose. Hindi na naman ako nagyoyosi eh.

Whoa! Parang kailan lang eh para kong isang adictus benedictus na nde mapakali pagkatapos kumain dahil sa kakahanap ng yosi. Noon eh parang pakiramdam ko na nde ko yata matitigil ang bisyo na yun. Pero sa awa ng Diyos, graduate na ko sa Smoker's Withdrawal Syndrome School.

Ngayon eh nde na ko naiinggit kapag ang mga kausap ko ay nagyoyosi. Ako ay malaya na. Kaya bilang selebrasyon ng aking kalayaan, ako ay uubos ng apat na kahang marlboro lights mamaya.
Para sa mga nagyoyosi, hayaan nyong ilista ko sa inyo ang tatlo sa pinakamagandang dahilan kung bakit dapat nyo nang itigil yan:

1. Mamamatay ka ng maaga.

2. Mamamatay ka ng maaga.

3. Mamamatay ka ng maaga.

Nandito nga pala ko sa PLM. May interview ako kasi may opening daw na mataas na posisyon. Bale bakante daw ang posisyon na janitor sa sixth floor. Wala na sigurong mas tataas pa dun.

Pero entry-level position lang naman yun. Pag maganda daw ang performance ko sa pag-gamit ng glade at ng toilet duck, baka maging professor ako dito.

Passion ko din nman ang pagtuturo eh. At madami ang nagsasabi sa akin na magiging effective daw akong maestro eh. Kasi nga daw, malakas daw ako kumain. Kung ano man ang koneksyon nun, malalaman ko din pagdating ng panahon.

Nagconduct nga ko ng survey, at lumabas dito na approximately 96.0927% ng mga respondents eh sang-ayon na magturo ko. Nagpapatunay lang ito na 97% of statistics ay pedeng gawa-gawa lang.

Sunday, July 24, 2005

Akio Takahashi

Ayon sa http://www.blogthings.com/japanesenamegenerator/ ang title ng blog na ito ang japanese name ko. Hindi ko alam kung totoo yan dahil nde naman ako marunong mag-hapon. Kung sino man ang marunong, pakiconfirm sa akin kung yan ba talaga ang japanese translation ng pangalan ko. Mamaya kasi eh ang ibig sabihin pala nyan eh "dugong na bakla", wala akong kamalay-malay.

Nandito ako ngayon sa SM at hinihintay ang pagdating ng aking mga ka-banda. Syete! Matapos ang halos isang libong taon eh may practice daw kami. At as usual eh ako pa lang ang nandito. Late na namn ang mga kumag. Kaya nde kme sumisikat eh. Pero iba ang feeling ko ngyon. Sobrang lakas ng kutob ko ngayon na ito na ang hinihintay na panahon ng aming banda upang sumikat kagaya ng pagsikat ng beatles. (Aminin ko na high school pa lang eh nandun na ang kutob na ito. At hanggang ngyon eh nanatiling kutob na lang) Anyway, kesa maghintay ng wlang kausap eh naisipan kong magblog na lang.

Kahapon eh galing ako ng manila zoo. Huli kong punta dun eh high school pa, kaya naisipan namin nina jaq, arlyn, at ana, na bisitahin ang mga hayup dun. Lingid sa kaalaman ng tatlo, at ng marami pang ibang tao, marunong ako ng animal language. Ito at isang gift na minana ko pa sa ninuno kong orangutan. Kaya tuwing nde nakatingin ang aking mga kasama, lihim kong kinausap ang mga hayup dun. At narito ang mga sinabi nila. Translated na ciempre ito sa language ng mga tao para maintindihn ng mga ordinaryong mamayan.

Conversation 1:

Ako: Nde ka ba nasisikipan diyan kaibigang buwaya?

Buwaya: Sinong buwaya? Gago! Lito ang pangalan ko.

Ako: Sori Lito. So, nde ka ba nasisikipan dyan?

Litong buwaya: Kinda! Masikip nga eh. Yung mga hayup na tao pa eh pinupukol ako ng piso. Akalain mong gawin ba naman akong wishing well.

Ako: Pagpasensyahan mo na yung mga yun. Ano nman ang kinakain mo dito?

Litong buwaya: The usual stuff - manok, baboy, at baka. Kakasawa na nga eh.

Ako: Ok nman pala yung mga pinapakain sayo eh. Bkit nagsasawa ka pa? Ano ba ang gusto mo?

Litong Buwaya: Eh, secret lang natin ito ha. Un nga sana eh, may request lng sana ko.

Ako: Ok. Basta kaya ko.

Litong Buwaya: Gusto ko sana eh yung bagong panganak na sanggol. Baka naman pede mo ko tulungan.

Ako: Sanggol na tao?

Litong Buwaya: Oo sana.

Ako: So bale ang gusto mo eh kumuha ko ng six months old na baby, tapos ihagis ko sayo para gawin mong hapunan?

Liong Buwaya: Nde pare. Gusto ko sana eh meryenda time mo siya ihagis.

Ako: Langya! Ano tingin mo sa akin? Satanista?!

Litong Buwaya: Masyado ka namang sensitive. Cge, kung ayaw mo ng sanggol eh kahit medyo may edad na.

Ako: Gago. (Sabay pukol ng piso)

Coversation 2:

Ako: Hi Orangutan!

Orangutan: Call me Jasmine, darling.

Ako: (Aba at malandi pala ito.) Ok Jasmine. You look sad.

Orangutan Jasmine: Wow! You're sensitive. I like that in a man.

Ako: Thank you. Funny coz I seldom hear that from girls of my own specie. Anyway, what's bothering you?

Orangutan Jasmine: Well, it's about my body.

Ako: What about it?

Orangutan Jasmine: This is embarassing but I'll say it anyway. Haven't you noticed that my breasts are sagging?

Ako: Well, honestly, i thought it was normal for them to touch the floor even when you are standing.

Orangutan Jasmine: No. You should have seen me when I was still young. Anyway, enough of that. Do you have somebody in your life right now? I mean, are you currently attached?

Ako: (Whoa! Kailangang kong maiwasan ito ng nde nman siya masasaktan.)Yes. I am engaged to an elephant actually.

Orangutan Jasmine: I see. So dinner is a no-no?

Ako: I'm afraid so. I dont want to complicate things.

Orangutan Jasmine: I understand. How about a banana break?

Ako: I'm sorry. I have to go.

Conversation 3:

Ako: Kaibigang ahas, kumusta ka?

Ahas: hissss....hisssss.....hissssss....

Ako: HOY!!!!

Ahas: hisss.....hisssss....hisssssss....

Ako: PSST!!!!

Ahas: hissss.....hissssss......hisssssss....

Ako: Ay oo nga pla. Nde pala ko nakakaitindi ng salitang ahas. Pasensya na ha.

Ahas: No problem

......to be continued. (Dumating na si ronel kasama ang kanyang iniirog.)

Thursday, July 21, 2005

Boredom raised to to the third power

Cidie, one of the top bachelors in town, is currently in need of a partner/girlfriend who will fill the position left empty by the previous one. He is currently in search of a dynamic, innovative, and half-crazy individual with the following minimum qualifications:
  • Female
  • Must no longer be a minor in accordance with existing laws. (However, minors who think they are qualified may apply. But they must bring with them a waiver of the provisions of the Anti-Child Abuse Law and a Letter of Authorization from their parents. Both documents must be duly notarized. )
  • Not less that three feet in height.
  • Must not weight more than 300 pounds.
  • Must not be obsessed with muscles and abs.
  • Willing to eat rice during midnightsnacks.
  • Must know how to read and write. (However this qualification may be dispensed with depending on applicant’s vital statistics.)
  • No experience necessary. In fact, “no experience” is preferred.
  • With pleasing multiple personalities.
  • Applicants should be willing (and able) to shoulder dinner expenses should the same be necessary.
  • Willing to work full time.

For the applicant who will qualify for this position, Cidie offers a very generous compensation package, to wit:

  • Load Allowance (*Negotiable whether weekly or monthly.)
  • Rice Allowance (Will be delivered “cooked” in the place preferred by the qualified applicant. Provided that the said place must be within Metro Manila only.)
  • Guaranteed Gifts on Birthdays and other occasions (Gift may range from cards to stuffed toys. However, gifts amounting to more than P2, 000.00 shall be directly deductible to the Load Allowance.)
  • Service to and from place of domicile.
    Chance to be with one of the most unrealistically good looking young man in town.

Applicants who are interested may submit their resume at the 20th Flr. Security Bank Centre Building Paseo de Roxas, Makati City. Online applications are also accepted. Please attach a copy of your NBI and Police Clearance. Also, bring with you a certification from the National Institute for Mental Health, to the effect that you have not been admitted thereto at least 6 months prior to your date of application.

Hurry! This offer is only good while my insanity lasts. Interviews are on-going from 8 am to 5 pm, Mon to Fri.

Boredom raised to to the second power

Sabi sa akin ni papa, kung gusto ko daw mas maging effective na typist, kelangan daw na sanayin ko ang sarili ko na nde tumitingin sa keyboard habang nag-tatayp. Mas mabilis daw kasi sa ganitong paraan. At dahil madali naman ako kausap, ang mga susunod na pangungusap ay itatayp ko ng hindi tinitingnan ang keyboard.

bkit ja njdud kdismf ikdnsa do djfnsl djksndfln dlisjklsajf nsksie akhsdfnak ,.kdsjnmas dlsmdf0m ds943nsfd,n a lsdnmfsd dmnfsad noia fdjnd fskljna nkkalisnd nfe marinf jsuesnas,hd vcajkie ba atrjasn ksofnd jdfnhsn deoie slasjd dsjisdnuinausdnal s alsdjlsa d./. asldjs,iow903n snsmdniagqoedmn ask ljs daslkdj sn blkaaskdsakdmn asjksdqsh qsi0 aslkjdsal09wq890u34ndfs nksand asksan sadsiouwerjklsalkm askhnioashd skahdksan OJ ASDLKJJDSA IOJOKSADJOI ljs dfas niojdoka sak sdoijkjasd nakbnaijimdf,nakm lkasndoiuash sajkshadahs aiojasd asmn siodjoisadsalk doiazjoiSDLK ASD.

TAMA NGA!!! MAS MABILIS NGA MAG-TYPE!!!!

Free Association is not an association of the free

Ang hirap gumising ngayon. Napakalamig kasi kaya nakakatamad bumangon. Well, actually, kahit naman tag-init eh tamad talaga ko bumangon. Pero mas lalo na kanina. Wala tlagang kasingsarap matulog lalo na kapag may kumot ka at nakatutok sayo ang eletric fan. Wala ring kasing bilis ang pagkasira ng tulog kapag narinig ko na ang sigaw ni mama.

Bukod sa mahirap na magising eh mahirap din ang maligo. Kung bakit naman kasi parang tinunaw na yelo ang tubig na pampaligo kanina. Sobrang lamig na nga eh ganun pa yun tubig. Feeling ko eh may conspiracy ang mundo para tuluyan akong maging sorbetes. Pero madali nmang nakapa-adjust ang katawan ko. Sandaling panahon lng eh automatic bumalik sa king alala na, kesa dito,eh mas malamig pala sa lugar na kinalakihan ko. Parang tanghali pa nga lang ito compared dun. Yup, mas malamig tlaga sa new york.

Nagulat di ako sa japorms ni papa kanina. Naka-cargo pants at naka-rubber na puti. Dala pa nya ang backpack ko sa fitness first. Medyo kinabahan nga ako dahil baka nagiging ulyanin na kako ang tatay ko at nag-iisip bata na. Pero nag-confirm si mama na nde nman pala. May lakad pala si padir. Pupunta sila ng pampangga ng kanyang mga ka-tropa pips. Naisip ko nga na pede pa palang gumimik ang mga ganitong edad. Kala ko kasi eh siya ay dapat naka-upo na lang sa kuyakoy at naghihintay ng pensyon. hehe.*

Maaga din ako nakarating sa opisina. Unlike kahapon eh maganda ang naging puwesto ko sa van. Sakto kaya masarap ang naging pag-idlip ko. Sa sobrang sarap eh nabuwisit yung katabi kong babae dahil napadantay ako sa kanya. Akala yata eh tsinatsansingan ko cia. Gusto ko ngang sabihin na - "Excuse me! Kung naging babae ako eh mas may itsura pa ko sayo!" Kaso mahirap na at baka may dala palang baril.

Mamayang mga 2 pm eh aalis na ko. Samakatuwid eh nde ko na tatapusin ang duty ko bilang security guard ng office. Meron pa kasi akong lalakarin na very important..as in very important.
May audition daw kasi mamaya para sa susunod na action star. Bale ako ang magiging side kick ni baldo marro. Bale ito raw ang movie na magbabalik sa kanya sa ningning ng pinilakang tabing. Sana nga matanggap ako. Pagkatapos, susubukan ko ding manood ng fantastic four. Tagal ko na kasi nde nanonood ng sine. Batman pa yung huli. Gusto kong ma-relax ulit.
*pag nabasa ito ni papa babarilin ako nun.

Wednesday, July 20, 2005

The Compartmentalization of the Mind

Nakabarong ako ngayon. Wala naman akong hearing pero feel ko lang mag-pakadisente. Maganda kasi ang nakaporma lagi para, kung may mangyari na nde inaasahan, nde na mahihirapan ang pamilya kung ano ang damit na ipasusuot sa akin. Kumbaga eh diretso casket na. Pero imposible naman mangyari yan kasi, lingid sa kaalaman ng nakararami...isa kong imortal.

Walong buwan na ko bumibiyahe galing sa cavite ng ppuntang makati pero kakaiba ang experience ko kanina. Kasi naman, dahil nga disente ako tingnan, expected ko na bibigyan man lang ako ng magandang upuan sa van. Medyo kilala na kasi ako ng barker dun eh. Sakto pa kako kasi mganda yung van na nakapila kaya mukhang mganda ang mgiging tulog ko sa byahe. Pero kagaya ng karamihan ng akala ko, akala lang pala.

Akalain mo ba namang isakay ako sa likod ng van. As in sa likod. Prang minodify nila yung compartment sa likod ng van at nilagyan ng dalawang upuan. Grabe talaga. Gusto ko sanang sabihin na "HOY! Ano ba tingin nyo sa akin? Bagahe?!"

Hindi sana ko sasakay eh. Kaso napansin ko na mahaba ang pila sa likod ko. Tsaka wala ng kasunod na van. So, imbes na maghintay ako, kinain ko na lang ang pride ko at nagpanggap na isa akong malaking samsonite.

Meron naman ako kasama dun sa compartment eh. Dalawa kami dun na, imbes na isakay sa sakayan ng tao, eh sinakay sa sakayan ng gamit. Ang nakakainins pa dun eh yung magjowa sa harap nmin. Lingon ng lingon tpos parang natatawa. Gusto ko nga sanang paluin sila ng yantok sa ulo eh. Buti na lang at wla akong makitang arnis. Yung kasama ko naman sa sa compartment eh nakapikit lang. Napansin ko na nagrorosaryo pla siya. Siguro eh pinagdadasal nya na sana eh matapos na ang byahe ng makaalis na siya sa awkward at nakakahiyang puwesto namin.
Napansin nya rin siguro na pinagtatawanan kami ng mga nsa kotse sa likod na nakakakita sa amin. Mukha kasi kaming alagang hayup sa puwesto namin eh.

MORAL LESSON: Wlang kaugnayan ang barong sa magiging puwesto sa van. Pera na lamang kung ikaw mismo ang driver.

Tuesday, July 19, 2005

....no, you can never lose what you do not have

Nagulat ako kanina pag-gising ko. Napakaganda kasi ng sikat ng araw kanina. Nde nakakapaso, at parang sakto lang. Nasabi ko tuloy sa sarili ko na, mukhang tama nga yung nasabi ko kagabi - today is a new day.

Tama naman di ba? Walang araw na luma.*
Kada millisecond, segundo, minuto, oras at araw na pagdadaanan natin eh bago lahat. Kapag naiisip ko yun eh sobrang napupuno ako ng pag-asa. Kung tutuusin kasi, napakalaki ng chance para sa pagbabago. Napakalaki ng oportunidad na binibigay sa atin ng panahon. Kaya wlang puwang ang pagiging stagnant.

Recently eh nagkaron ako ng isang magandang realization. Nalaman ko na karamihan pala ng mga desisyon na ayaw kong kuhanin, karamihan sa mga aksyon na nde ko magawa, eh dahil sa masyado akong natatakot sa maaring mangyari. Ngyon eh naisip ko na napakalaking fallacy pala nito. Sa tingin ko nde binigyan ng Diyos ang tao ng isip, pra gamitin ito ng sobra-sobra. Kya nga binigyan din tayo ng pakiramdam, dahil minsan, kailangn nting gawin kung ano yung nararamdaman ntin, at nde yung naiisip ntin, na tama. Walang dapat ikatakot. May mga paraan na nde ntin kailangnag paghandaan. May mga plano na nandyan na, bago ka pa man mag-isip.

Sa tingin ko nasabi ko na ang dapat kong sabihin, sa taong dapat kong pagsabihan. Nde na ko maiiwan na tinatanong ang sarili ko habang buhay kung, paano kya kung ganito? O, paano kaya kung ganyan? Although regret maybe an inevitable consequence of living, nde cguro sa parteng ito.

Kahit gaano kaganda ang librong harry potter, or any book for that matter, laging may the end. Pero nde yun dahilan para malungkot. Dahil kung nag-invest ka at bumili ka ng sarili mong kopya, lagi lang nandyan yung libro. Anytime eh pede mong ulit-ulitin. Sa tingin ko, to some extent, ganoon din ang buhay. Wlang alaala na pedeng mawala basta pinahalagahan mo. Anytime eh pede mo itong balik-balikan. Anytime eh nandyan lang yung mga alaalang yun pra pasayahin ka.

Hindi pa naman ako grabeng katandaan. Pero sa edad kong ito, established na sa kin ang katotohanan na nde lahat ng hinihangad ntin, nde lahat ng inaaasahan ntin eh mangyayari. Minsan may mga pangarap na pangarap na lang. May mga panaginip na panaginip na lang. Kung paanong established na sa paniniwala ko ang katotohanan na yan, established na rin sa akin na nde yun dahilan para malungkot. On the other hand, dahilan yun para maging masaya. Kasi nagpapatunay lang yun na may kakayahan kang mangarap; may kakayahan kang managinip. Ano ang silbi ng pagiging tao kung wala ang mga kakayahan na yun? Ano ang esensya ng paghinga, kung nde mo kayang gawin ang mga yun? Ang mga pangarap at panaginip ay isa sa mga maraming dahilan, kung bakit nde tyo pedeng makalimot magpasalamat sa Kanya.

Katulad ng lahat ng tao, nde ko alam kung saan ang eksaktong lugar na patutunguhan ko. Hindi ko nakikita o nababasa kung ano ang naka-abang sa akin bukas. Pero ngayon ay panibagong araw, at alam ko na walang dapat ikatakot. Ang kahapon ay kahapon na. Ang bukas ay bukas pa. Ika nga sa play - "Ngayon ang bukas kahapon." At ang ngayon ang pinakamahalaga.

Sabi ng tiyuhin kong si buddha, when you don't expect, you have everything. And right now, I have everything.

*Pera lang siguro yung kahapon.

Things are

Lead me to the place, where the sun reaches for me
Where the sky is illuminated, by the stars that I rarely see
Where time drifts, with a penchant for solace
Where dreams are more representative, of the realities that I face
I do not know just how certain, my heart is right now
But my soul seems to agree, that I’ll find my way somehow.

Monday, July 18, 2005

Ang Alamat ng Durian

Ang istoryang ito ay hango sa kuwento ni cindy, ang kapatid kong napulot lang namin at inaruga na parang tao. Ayon sa kanya, ito raw ay tinuro sa kanya nuong siya ay high school pa lamang. Dahil nga bihira siya pumasok noon, natandaan nya daw tlaga ang alamat na ito. Medyo binago ko lang ng konti pero basically eh ganun pa din.

ANG ALAMAT NG DURIAN (Bakit mabaho ang Durian?)

Noong unang panahon (as in sobrang una na eh wala ng nakaka-alala), sa isang malayong kaharian (as in sobrang layo walang nakakapunta), may isang prinsesa. Siya ay si Prinsesa Duriana.

Si Prinsesa Duriana ang pinakamagandang babae sa kanilang kaharian. Kahit kung tutuusin eh anim lang naman ang tao sa kanilang kaharian, mahigpit ang kanyang amang hari. Ang kanyang amang hari ay si haring Kong (sa ingles ay King Kong).

Masyadong mahigpit si haring Kong kay prinsesa Duriana. Wala siyang ginawa kundi itago si prinsesa Duriana sa kuwarto, at panoorin ng mga DVDng fake. Sa sobrang mahal ng nasabing hari si Prinsesa Duriana, ayaw nya itong lumabas at baka daw kapag na-expose ito sa harshness ng totoong mundo eh, maging adik.

Kaya't sa edad na 28 eh walang alam ang prinsesa sa nangyayari sa labas ng kanyang kuwarto. At sa edad din nyang iyon eh nanonood pa din siya ng sesame street, batibot, at higit sa lahat eh teletubees.

Isang araw, nasira ang DVD player ng nasabing prinsesa. Labis niya itong kinalungkot dahil nga nde nya natapos ang astroboy. Simula nuon, nagkaroon na ng aneroxia nervosia ang prinsesa. Sinubukan nilang ibalik ang nasabing DVD player sa kaharian ng quiapo subalit wala na pala duon ang tindero. Nahuli na daw kasi ng taga-VRB. Dahil dito ay lalong nanghina ang prinsesa. Labis itong kinabahala ni haring Kong.

Kaya't si haring Kong ay nag-anunsyo sa buong kaharian. At dahil nga anim lang ang tao dun, nde na siya nahirapan sa kanyang anunsyo.

Ang sabi nya - "Ang sinumang makagagawa ng DVD player ng aking anak eh mapapasakanya ang buong kaharian."

Nuong sinabi nya iyon sumigaw ang mga nakikikinig - "Letche! Wla png 200 square meters ang lupa natin eh kung makasigaw ka dyan! Kala mo kung gaano kalaki!"

Kayat' sinabi ng hari - "OK! OK! Kung sino man ang makagagawa ng DVD player ng anak ko eh mapapasakanya ang kamay ng prinsesa!"

Sabi naman ng mga nakikinig - "Bakit kamay lang?"

"Mga tanga! Figure of speech yun. Duh!" tugon ng hari.

Simula ng araw na yun eh maraming nagtangka na kumpunuhin ang DVD player. Walang makagawa nito, palibhasa eh galing kasi sa kaharian ng quiapo kaya tiyak na fake.

May isang prinsipe rin na nagdala ng ibong adarna at pinakanta ito sa harap ng DVD, hoping na ang mala-anghel na tinig nito eh makakakumpuni sa nasabing player. Subalit ng kantahin ng nasabing ibon ang "jumbo hotdog" ng masculados ay lalong nasira ang DVD. Kaya ang prinsipe ay pinugutan ng ulo na gamit ang isang napakapurol na nipper; samantalang ang ibong adarna ay ginawang handa sa piyesta.

Lumipas ang ilang taon at wala tlgang makagawa ng DVD. Ultimo ang mahal na haring Kong ay nawalan na ng pag-asa. Ang prinsesa, na ngayon ay kuwarenta'y dos anyos na, ay mahinang mahina na at nakaratay na lamang sa kama. At ang mas lalong nakasama sa kanya eh ng matuto siyang magyosi. Tatlong paketeng marlboro red ang nauubos nya sa isang linggo.

Hindi katulad ng ibang fairy tale, ang kuwentong ito ay realistic. Dahil isang araw ay natagpuan na lamang na wala ng hininga si Prinsesa Duriana. Namatay siya ng wlang prinsepeng dumating. Hnaggang sa huling hibla ng kanyang hininga ay hawak nya ang marloboro na nde na niya naubos.

Labis na lamang ang pagdadalamhati ng buong kaharian, na ngayon eh natitira na lamang sa dalawang tao dahil namatay na yung iba. Si mahal na haring Kong ay na-depress ng tuluyan at nilunod na lamang ang sarili sa red horse. Si Prinsesa Duriana ay nilibing sa isang bahagi ng kaharian kung saan unang lumilitaw ang araw sa bukang liwayway.

Matapos ang ilang taon, sa lugar na pinaglibingan ni prinsesa Duriana ay may tumubo na isang bulaklak. Maganda siyang bulaklak subalit napakabaho lamang. Naisip nila na ito siguro ay si Prinsesa Duriana na hindi pa rin natatahimik dahil sa kanyang nasirang DVD. Ang nde nila alam, lasing ang nagdesign ng libingan ni Prinsesa Duriana kaya sa malapit sa poso negro siya nalibing. At iyan ang dahilan kung bakit mabaho ang durian.

Tinawag nila ang nasabing halamn na Duriana. Ngunit sa pagtagal ng panahon, napagkasunduan nila na tawagin n lamang na durian dahil mas "cool" daw.

The End.

Epilogue:

Si Haring Kong ay tuluyang nabaliw at napatay ng pagbabarilin siya ng mga helicopter sa itaas ng empire state building, habang may hawak na maliit na babae.

Thursday, July 14, 2005

With trembling hands, I smashed

May kakaibang pangyayari kagabi. Ako ay naglaro ng badminton dun sa may sta. ana. Kakaiba ito dahil siya lang yata ang physical exercise, bukod sa judo, na nag-enjoy ako.

Masaya pala maglaro ng badminton. First time kung maglaro nun eh. Well, nag-babadminton din ako dati sa Tondo pero ang gamit ko lang na raketa eh yung bon-bon*. Ngayon eh toto ng raketa ang gamit. At sa totoong Badminton Court na rin. Nde katulad sa Tondo na ang laruan namin eh sa kalsada, kaya tuwing may dadaan na sasakyan eh nagkukumahog kaming makaiwas. Eniweyz, enjoy ako sa pagpalo sa lumilipad na bola na gawa sa balahibo ng ibon. Ang hindi ko lang alam eh kung normal lang ba sa larong badminton ang nagdidilim ang paningin sa hingal.

Nde ko pa gaano alam ang rules ng badminton. May alam na akong ibang rules pero ito ay nalilimitahan lamang sa mga sumnusunod:

1. Hindi mo pedeng hampasin ng raket sa mukha ang iyong kalaban kapag nilalampaso ka na sa laro. Ang pede lang yatang hampasin eh yung kakampi mo, kasi pede mo sabihin na hindi mo sinasadya.

2. Ang linya sa gitna ng badminton court ay nde para sa patotot. Inuulit ko, walang patotot sa badminton.

3. Kahit "in" sa court ang iyong smash na tira, nde ito counted kapag sa kabilang court "naka-in". Kahit doubles ang laro eh isa lang ang badminto court na ginagamit.

4. Nde maari na basta-basta lumipat sa kabilang team kapag napansin mong mas malakas na kakampi ang kabila. Nde katulad ng pulitika sa pilipinas, required ang delicadeza sa badminton.

Iyan pa lamang ang mga rules na natutunan ko sa badminton. Pero siyempre, beginner pa lang ako eh. Pasasaan din ba at magiging sikat din akong badminto player katulad na lamang nila paeng nepomuceno at akiko thompson.

Sa tingin ko kagabi eh madami akong na-burn na fats. Mas lalo na nung matapos ang laro. Kumain kasi ako sa pizza hut ng 2 slices ng pizza, isang spaghetti, at 1/4 na manok. Napagod ako ng todo sa pagnguya. Sobra din pawis ko sa hot sauce.
MORAL LESSON: Masarap ang magbadminton. Pero di hamak na mas masarap ang bulalo at fried rice.

Wednesday, July 13, 2005

Back to School Blues

Nandito ako ngayon sa plm upang dalawin at kumustahin ang mga gusali na walong taon kong nakasiping. At katulad ng mga dati kong pangungumusta, wala pa ring reaksyon ang nasabing gusali. Talaga yatang hindi nagsasalita ang bato.

Bago ang pintura ng plm. Nde ko alam kung bakit ginawang pink ang kulay ng gusaling "mazin garzi"*. Para tuloy siyang pangharang na fence sa edsa.

Dumaan din ako sa UTMT**. Naalala ko ang mga alaala ko sa nasabing lugar. Madaming tula, kanta, at essay ang nagawa ko sa ilalim ng inspirasyon ng mga punong mangga na walang bunga. Madami ding iyakan, asaran, at awayan ang nangyari sa lugar na yun nung college ako.

Nagulat din ako dahil na-realize ko na madami palang bata sa mundo. Sa mundo kasi na ginagalawan ko eh medyo naka-dextrose na, o dili naman kaya'y naghihintay na lang ng tawag ng liwanag, ang nakakasalamuha ko. Ngayon eh parang ako yata ang naging matanda. Napagtanto ko rin sa pamamagitan ng pagpunta dito sa plm na, kahit ano yatang disguise ang ilagay ko sa katawan ko, eh hindi na talaga ko mapagkakamalan na college. College instructor cguro pwede.

Pag nakikita ko yung mga estudyante dito, parang nakikita ko ang sarili ko noon. Grabe, ganito pala kako ang itsura ko nuon? Payatot na parang kayang liparin ng ihip ng utot na malakas. Madami ding tanong na nabuo sa aking isip kapag tumitingin ako sa mga plm students. Katulad ng - lassenggo din kaya itong mga ito kahit college pa lang? Ginagawa din kaya nilang silid tulugan ang library at ang lib? Naglalaro din kaya sila ng SOS habang nagtuturo ng trigo ang teacher? Pumapasok din kaya sila ng uwian na? Nagkakaroon din kaya sila ng mga imaginary project para makapangupit sa magulang? At higit sa lahat, ginagawa ba nilang casino ang kanilang room pag walang prof?

Masarap pumunta dito sa school na ito. Marami akong naaalala na nakakapagpasaya sa akin. Meron ding mga malungkot pero carry lang. Ang mahalage eh mabilis mag-post ngayon kasi dsl ang connection dito.

*Gusaling Lacson sa totoong buhay.
**Under the mango Tree - ang tambayan ng mga taga-plm na walang pampanood ng sine pag vacant.

Monday, July 11, 2005

Man is a dog's bestfriend

May aso na kami!!!

Medyo super-delayed reaction ito dahil nung linggo pa siya nasa amin. Siya ay isang pitbull na dating adik at walang ginawa kundi umiyak sa madaling araw. Malakas tlaga ang kutob ko na adik dati ang aso na yun. Kasi feeling nya yta tao siya na kailangang samahan sa pagtulog.

Anyway, nakakatuwa kasi pumayag sila papa na kunin namin yung aso* na yun. Matagal na rin kaming walang alagang aso. Actually eh nakakatatlo na kaming alagang aso. Yung una eh si shadow - ang asong naglayas. Pangalawa eh si benedicta - ang asong na-halina perez. Pangatlo eh is indiana - and asong na-depress kaya nag-suicide sa pamamagitan ng pagtalon sa creek. Nde ko alam kung anong sumpa meron ang pamilya namin at laging malagim ang kamatayan na inaabot ng mga aso na inaalagaan namin. Kung may fairy godmother ang mga aso, malamang eh matagal na kaming sinumpa at ginawang aso.

Pero this time eh iba na talaga. Kung anumang kamalasan ag meron kami eh pina-cast-out na namin. Tiyak na magtatagal itong aso naming bago dahil aalagaan namin ng todo. Pinapabili nga ako ni papa ng tali para daw pag umaga eh napapasyal nya ung aso. Naks naman! Ang sweet!
Maiba lang, sa feeling ko eh sabik na ito si papa magka-apo eh. Para meron siyang inaalagaan siguro. Gusto ko man siya bigyan eh wala akong maitutulong. Nde naman ako organism na asexual ang means of resproduction.

Ngayon, balik sa aso.

Pinag-iisipan ko kung ibibili ko ng dog food yung aso namin. Bka kasi masira ulo pag mismis ang pinakain. Bka magbigti eh. Kaso iniisip ko nman, kung sanayin yun sa dog food, baka ako namn ang magbigti sa gastos. Anyway, tingnan ko na lang mamaya.

*Wala pa pangalan eh. Binigyan ko na dati kaso babae pla siya kaya nde bagay.

Sunday, July 10, 2005

Fear 101-A

Sobrang kulang ako sa tulog ngayon. Pano ba naman, 3 am pa lang eh gising na ako kanina. Bakit? Dahil sa isang buwisit na ipis!

Ayos na sana yung tulog ko kagabi eh. Kaso nga, bandang madaling araw eh nagising ako dahil naramdaman ko na merong insekto na ginagawang luneta yung hita ko. At siyempre pa, ng mamulat ako eh na-confirm ko nga na isang ipis ang (day-off yata) at naisipang pasyalan ang hita ko. Ang reaksyon ko ay ang karaniwang reaksyon ng isang machong katulad ko, bigla akong napabalikwas sa pagkakahiga tapos eh napasigaw ng konti. Buti na lang at nde nagising sila papa, kung nagkataon eh na-boldyak pa ako.

Tinangka kong patayin yung ipis pero masyado siyang makapangyarihan para sa akin. Nung nakakuha na ko ng pamalo eh bigla siyang nawala. Parang gusto ko tuloy isipin na nakaimbento na ang mga ipis ng invisible suit para nde ko sila makita kapag may hawak akong tsinelas. Nde na tuloy ako nakatulog ulit. Pano ko makakatulog ulit eh lam ko na, sa ilalim ng kama ko, may isang ipis na anytim ehe pede na naman akong gapangan.

Hindi ko na ma-trace kung san nag-ugat ang takot ko sa ipis. Basta ayoko silang nakikita. Mas may composure pa siguro ako kung may naka-ambang na cobra sa akin, o isang pating ang papalapit sa kin at handa akong sakmalin, kesa may isang ipis na papalipad at parang desidido nang sa akin dumapo. Pag ganun ang nangyari eh parang nawawalan ako ng ulirat.

Ano ba talaga silbi ng ipis? Hindi naman sila nahihingahan ng problema. Hindi din sila ka-aya-aya sa panging. At lalo namng nde sila nakakain. (Pera na lang kung sasali ka sa fear factor.)
Minsan ang style ko pag may nakikita kong ipis sa bahay eh kinakausap ko siya. Literal! sasabihin ko - "ok. Nde kita gagalawin dyan. Bahala kang mag-ala-spiderman dyan sa kisame. Pero wag kang lilipad. At lalong wag kang dadapo sa kin." Maniwala kayo sa nde, 85% of the time eh tlagang nde nila ako liliparan. Kaya naniniwala ako na nakakaintindi din naman ang mga ipis. Yung other 15% na dumadapo sa kin, sa tingin ko eh sila yung mga ipis na walang pinag-aralan.

In fairness sa Cavite, bihira lang ako makakita ng ipis dito. Hindi katulad sa Tondo. Meron yatang frat ng mga ipis dun, at malapit sa dati naming bahay ang meeting place nila. Grabe dun. Tsaka ang mga ipis dun eh matitindi ang immune system. Isang beses eh nagising ako ng madaling araw, tapos pagbaba ko eh may nakita kong ipis na hinihithit yung baygon. Yun yata ang pinaka-drugs nila eh. Kaya ang mga ipis dun, kapag sinubukan mong apakan, nde mo madidiin yung apak mo. Napipigilan ka kasi nila sa sobrang lakas. *

Mamaya eh sa kabilang kuwarto ako matutulog. Feeling ko eh mas safe dun. Babalik lang ako sa kuwarto ko kapag naka-receive na ko ng memo galing dun sa ipis na pumasok sa kuarto ko kaninang umaga, na nagasasabing umalis na siya.

*Kasinungalingan na ito pero ano ngayon?

Friday, July 08, 2005

Since when did saturday become a weekday?

Sabado ngayon. Nakapagtataka man eh nandito ko sa office. Kaya siyempre, bago pa man unahin ang anumang trabaho, blog muna.

The recent turn of events in our country has prompted me to write something serious for a change. I believe that it is my inherent duty as a Filipino citizen to partipate in the call for national unity. Therefore, I beseech my fellowmen to please exercise some form of political sobriety, to prevent this country from further falling into an economic blackhole.

Sa wikang tagalog, nde pa ako nag-aalmusal.*

Kesa magsulat ako tungkol sa kaguluhan sa bansa, naisip ko na lang na magsulat tungkol sa kaguluhan sa aking pamilya. Ang isusulat ko na lang ay tungkol sa mga homo sapiens na nakatira sa bahay. Ito ay pinamagatang - "The Andeza Family - An attempt to take a closer look at something far."

PAPA (a.k.a. Diagoras) - Kapag nakikita ko si papa eh nakakaramdam ako ng takot. Nde dahil gugulpihin nya ko, kungdi dahil sa siya ang simbolo ng aking future self - la ng buhok pero nagsusuklay pa. Pero kakaiba ito si papa. Nagagalit siya kapg nag-rereduce kami at masyado daw kaming maarte. Kapag ang ulam ay baboy, ayaw nya ng nde kakainin ang taba dahil nde naman daw yun taba, yun daw ay liempo. Pero ngayon, nagsasabi na si papa na nagbabawas na siya kumain. Nakapagtataka lang na, minsan pag madaling araw eh nagigising ako, siya ay nakikita kong kumakain ng tahimik sa ibaba. Si papa din ay biglang nagkakaroon ng importanteng lakad kapag hinihiram ko ang sasakyan. Sa di malamang kadahilanan, at dulot ng hiwaga na hindi ko maarok, tyempo lagi na kapag gagamitin ko ang sasakyan ay meron siyang importanteng lakad. Nde naman siguro dahil ayaw nya lang pagamit sa kin.

MAMA (a.k.a. ELVIRA) - si mama ay dating gym-aficionado. Madalas siyang mag-aeorobics nung kami ay naninirahan pa noon sa tondo. Pero ang teorya ko, kaya nya yun ginagawa eh para lang magpagutom ng todo. Kasi pagkatapos ng kanyang aero-session eh todo naman ang kain nya sa bahay. Si mama din ang pinakamadalas bumili ng suklay. Ang hindi ko lang maintindihan eh kung bakit parang nde naman yta siya gumagmit nun. Lagi kasi magulo ang buhok. Madalas din si mama mag-imbento ng kung anon-anong luto. Yung iba ay ok naman. Yung iba nga lang eh parang wlang pinag-kaiba sa pinapakain sa mga tinotorture nung middle ages. Si mama rin ang accountant ng bahay, lagi mong makikita sa isang sulok, may hawak na notebook, at nagko-kompyut. Bilib ako dahil napagkakasya niya ang budget kahit na ang mga kumakain sa bahay ay mas malakas pang lumapa kesa sa mga tigre na patay gutom.

CYBILL (a.k.a PIQS) - siya ang english major na isa na ngayong opisyal na koreano. Nagtuturo ng english sa mga nde marunong mag-english. Siya rin ang supplement ko sa credit. card na kung gumastos eh ang akala yta immune kami sa demanda. Lagi nyang kasama si Piqs kahit san man siya magpunta. Kung merong hari ng sablay, eto naman ang reyna ng taray. Lalo na pag ang bf nya ng si piqs ang kausap. Laging nangangarap na magpa-rebond ng buhok dahil nagmana siya sa buhok ni mama.

CHRISTINE (a.k.a Sexy Daw) - maituturing na pinakamakapal na mukha na miyembro ng pamilya. Laging pinagkakalat na siya ay sexy samantalang mas mataba pa siya sa nanay na nagdadalang tao. Malakas kumain ng junk foods. At ginagawang source ng load ang aking cellphone. Magaling mamili ng kabiyak sa buhay. Ang mga tipo nya eh yung mga mukhang dating tao, o dili naman kaya eh yung security guard ng bangko. Kasalukuyang nag-aaral ng nursing at nagbabalak na pumunta ng amerika upang sundan si Tito Edwin.

CINDY (a.k.a. RAF) - siya ang bunso na kung umasta eh para siyang panganay. Malakas din kumain at mag-pasaload habang ako ay natutulog. Malakas ang loob makipag-usap sa cellphone palibhasa eh subscriber din ng sun cellular. Isa sa pinakamalakas uminom na babaeng nakita ko sa buong 25 years ng buhay ko. Nahuli dati ni papa na lasing pag-kagradweyt nung high school. Nursing din ito at ginagawang pampatulog ang pagbabasa ng libro. Quite recently eh na-heartbroken ang lola. Ngayon eh unti-unting bumabangon sa pamamagitan ng pagbabago ng kasarian - isa na ngyon siyang tomboy.

CID (a.k.a. AKO) - ang pinakaperpektong miyembro ng pamilya. Walang bahid o galos man lamang ng ksamaan.

*Nde talaga bagay na magseryoso ako.

Thursday, July 07, 2005

A night spent in introspection

Kagabi eh ginabi na ko ng uwi.* Kasama ko kasi sila ana at jaq. Napahaba ang kuwentuhan namin sa starbucks kaya medyo gabi na ko nakapunta ng pila sa van. Habang naglalakad papunta sa pila eh napatingin ako sa paligid ko. Ibang mundo pala ang makati kapag gabi na.
Ibang-iba talga.

Maganda siya kasi puro ilaw. Pag tinitingnan ko yung mga building eh parang nakakakita ako ng miniature version ng milky way. Ako kasi eh mahilig tumingin sa mga bituin. Kaya nakakatuwang isipin na, kung medyo tamang imagine** ka pala, pede mong isipin na napapaligiran ka ng mga malilit na bituin habang naglalakad sa kahabaan ng dela rosa.

Ironic.

Ironic kasi meron kayang nakakapuna sa makati sa ganitong aspeto? Kasi sentro eto ng pasukan ng trabaho dito sa Pilipinas. Kaya i'm sure, sa isa sa mga building na nakikita ko kagabi, merong isa o higit pa na empleyado na nagmamaktol dahil gabi na eh nagtratrabaho pa din sila. O kaya naman eh meron din isa dun na gabi na eh nde pa kumakain kasi may meeting sila. Naiisip kaya nila na habang ganun ang pinagdadaanan nila, merong isang tao sa ibaba (guapo yun ciempre) na ang iniisip eh nakatira sila sa bituin?

Isa pang aspeto ng makati na nakita ko kagabi eh - may pagka-melancholic din pala ito pag gabi na.

Kasi habang naglalakad nga ko kagabi eh wala akong nakikitang tao. Well, meron akong nakasabay na mukhang indian. (Gusto ko nga sanang utangan ng 5-6 kaso baka sumigaw ng holdaper.) Pero bukod sa kanya eh parang isa lang akong kaluluwa na naglalakad dun. Taliwas sa nakikita ko sa dela rosa sa umaga kasi napakaraming tao.

As usual, napa-isip ako.

Natitiyak ko na maraming naglalakad papunta sa sakayan pauwi sa kanila na kagaya ko...mag-isa lang. Sigurado ako na nag-iiisip din sila at madaming napapansin kasi nga walang kausap. kaya ako eh nililibang ko sarili ko sa mga ganung sitwasyon. Madalas eh kumakanta ako mag-isa. Pero siyempre, kalaunan eh nakakatamad din na lagi na lang kinakantahan ang sarili. Kaya, kagaya ng karamihan siguro dito sa makati, isa lang ang tanong ko nung kagabi - hanggang kailang kaya ako mag-isang maglalakad pauwi?

*Ciempre, alangan namang kahapon ng umaga eh ginabi na ko ng uwi. Labo.

*Cguro lalo na kung nakainom.

Wednesday, July 06, 2005

A typical day in the life of a superstar

5:30 am: Tutunog ang cellphone ko na nakaset sa ganitong oras.

5:35 am: Papatayin ko ang alarm clock at matutulog ulet.

6:00 am: Magigising sa sigaw ni mama na "gumising ka na".

6:05 am: Matutulog ulit.

6:30 am: Muling magigising sa sigaw ni mama na "Ano ka ba?! Wala ka bang balak pumasok!??! Anong oras na oh?!"

6:35 am: Matutulog ulit pag-alis ni mama.

7:00 am: Magigising at matataranta dahil alas-siyete na. Tpos eh tatanungin si mama kung bakit nde ako ginising.

7:01 am: Babatukan ni mama.

7:02 am: Maliligo.

7:03 am: Matatapos maligo.

7:04 am: Magbibihis at sisigaw ng "Mama! Nasan na yung sando ko?! Lady sando na naman ang nandito sa cabinet ko!"

7:06 am: Mahahanap ang sando at tuluyan ng makapagbibihis.

7:10 am: Kakain pagtapos ay magsisipilyo.

7:20 am: Aalis na upang pumasok.

7:30 am: Nasa pila na ng van papuntang makati.

7:35 am: Pag sinuwerte eh nakasakay na ko.

7:35 to 8:35 am: Matutulog sa byahe.

9:00 am: Darating sa opisina at sisihin ang trapik.

9:10 am: Check ng email at friendster.

10:00 am: Work.

10:15 am: Blog muna para relax.

11:00 am: Work ulit.

11:45 am: Punta sa kusina para maunahan ang mga boss sa pagpili ng ulam.

12 to 1:00 pm: Kain ng tanghalian with matching kuwetunhan.

1:10 pm: Magsisipilyo at magmumumog ng listerine.

1:12 pm: Masasaktan ang bibig dahil masyadong matapang pala ang nalagay na listerine.

1:15 pm: Iidlip

2:00 pm: Magigising dahil dumaan ang boss.

2:10 pm: Matutulog ulit pag sigurado ng nde dadaan ang boss.

3:15 pm: Gigising ng mainit ang gulo dahil masakit ang leeg.

3:20 pm: Work

4:40 pm: Meryenda

4:45 pm: Tingin sa bintana ng building.

4:50 pm: Work.

5:00 pm: Uwian na.

5:10 pm: Pila sa van pauwing cavite.

5:20 pm: Pag sinuwerte, nakasakay na ulit ako sa ganitong oras.

5:30 to 6:30 pm: Tulog sa loob ng van.

7:00 pm: Nasa bahay na.

7:00 pm: Kakain ng tirang ulam nung tanghali.

7:30 pm: Manonood sandali ng kahit ano sa TV.

8:30 - 10:00 pm: Mangangarap na merong GF na kausap sa phone.

10:30 pm: pipiliting matulog.

.......di ko na lam kung anong oras ako exactly nakatulog kasi nga tulog na ko nun. Bukas eh ganun ulit.

Tuesday, July 05, 2005

Time flies silently

Umuulan ngayon dito sa Makati. Akala ko nga eh walang pasok. Naghihintay ako ng announcement sa radyo ng may biglang pumasok sa isip ko - hindi na nga pala ako estudyante. Kaya wa epek din sa akin kung magdeklara man ang DECS.

Ang plano ko sana eh ipagpatuloy yung blog ko tungkol sa batman. Kaso, katulad ng plano na pinaplano, nde natuloy. Kaya kung may plano kayo na gusto nyong matuloy, ang tip ko eh wag nyo itong planuhin.

Maganda ang nabasa ko kanina sa email ko. At yun ang dahilan ng blog ko na ito. Ikakasal na pala sila John at Myth. Sila yung mga ka-batch ko nuon nung nag-internship ako sa Ateneo Human Rights. Lam ko eh naging sila after nung internship namin. Ibig sabihin eh 5 years na silang "sila". Sa Cebu ang kasalan at pupunta ko siyempre. Gusto ko kasi silang batiin personally.
May kumatok na naman sa utak ko. 5 years? Limang taon na pala ang nakakaraan mula nung nag-aral ako ng law. Parang ganun-ganun lang pala lumipas ang limang taon. Halos hindi ko namalayan na naglakad na pala yung panahon. Naisip ko yung mga masasayang panahon ko nung law school. At siyempre, malaking bahagi ng law school experience ko si angel. Bigla ko tuloy naalala na hindi naman pala ako single-since-birth.

Kung bakit kami nagkahiwalay ni angel eh pinagsama-samang dahilan. Aminado ako na malaki din ang kasalanan ko sa kanya. At siguro, sa loob ng puso nya eh alam nyang hindi biro rin ng sakit na naramdaman ko nuon. Pero natutuwa ako at dumaan siya sa buhay ko. marami akong natutunang bagay tungkol sa sarili ko dahil sa kanya. At masasabi kong nag-mature din ako kahit papano sa pag-handle ng relasyon dahil sa kanya. Higit sa lahat, natuto ako kung pano magmahal ng parang wala ng bukas na naghihintay. (And hindi ko lang alam eh kung may natutunan siya sa akin bukod sa pagkain kay aling taleng at ang panonood ng sine sa orchestra, kahit balcony lang ang binayaran.)

Naisip ko rin na matagal na pala kong single na single. Matagal na palang nde "in a relationship" ang status ko sa friendster. Kung panong may advantage eh may disadvantge din ang walang ka-duet. Pero, ang problema, pag matagal ka nang soloista, nde mo na gaano nakikita yung mga advantages. Medyo blurred na yun. Ang nakikita mo na lang eh yung kamay mo na nalulungkot kasi walang isa pang kamay na humahawak.

Siguro minsan talaga eh makikipaglaro sayo ang tadhana tapos, pag ikaw na ang taya, nde na siya sasali. Maiiwan ka tuloy na naglalarong mag-isa.

Monday, July 04, 2005

Begins ba ang surname ni Batman?

Medyo inaantok pa ko ngayon.

Birthday kahapon ni mami peyat kaya nasa Tondo kami lahat. Ang handa niya ay manok na may pinya atsaka nilagang saging. Actually, nilagang baboy daw yun pero wala na kasi akong nakitang baboy eh. Puro saging na lang natira dahil sa mga kapatid ko. Anyway, ang isa sa pinaka-abangan kong kainin dun eh yung chicharong bituka. Tagal ko na kasing nde nakakatikim ng healthy food na yun eh. Para sa isang katulad kong health buff, malaking bagay yun.

Matagal maluto ang bituka in fairness. Kaya naisipan muna naming manood ng sine sa SM. Sakto kasi gusto ko panoorin yung batman begins. So, kasama si cybill, piqs, leo, kelly, at alex eh nanood kame. At isa lang masasabi ko....

GANDA!

Maganda talaga ang batman begins. Although mas maganda ang Spiderman 2, ang batman ang isa sa mga nagustuhan kong palabas ngayon taon na ito. Ang hindi ko lang maintindihan eh kung bakit si renz verano ang nagdub ng boses ni batman. sobrang husky kasi eh.

Ngayon din eh opisyal ko nang idindeklara na umiibig ako kay katie holmes. At kung sakaling mag-krus ang landas namin eh aagawin ko tlaga siya kay Tom Cruise. Ganda nya kasi dun sa movie. Cute na lawyer. Bukod sa akin eh siya pa lang ang lawyer na nakikita kong cute.

Madami akong natutunang mga aral sa pelikula. Halimbawa na lang eh ang pagharap sa iyong takot. Si batman eh takot sa paniki kaya hinarap nya yun. Kya naisip ko eh mamaya mismo pag-uwi eh maghahanap ako ng ipis sa bahay tpos papaliparin ko ng paikot-ikot sa akin. Gagayahin ko talaga si batman na pinalipad paikot-ikot ang mga paniki sa sarili nya.

Natutunan ko din na magandang kulay pala ng custome ang itim. Nakakapayat kasi eh.

Inaantok pa din ako. Kagabi eh andami ko naiisip na isulat tungkol sa batman tpos ngayon eh nawala lahat. Bukas na lang. Mamayang gabi eh matutulog ako ng maaga.

Moral Lesson: Imbes na gumising ng maaga para wag ma-late sa trabaho, kumpletuhin n lang ang tulog para maganda ang magawang blog.