Ang istoryang ito ay hango sa kuwento ni cindy, ang kapatid kong napulot lang namin at inaruga na parang tao. Ayon sa kanya, ito raw ay tinuro sa kanya nuong siya ay high school pa lamang. Dahil nga bihira siya pumasok noon, natandaan nya daw tlaga ang alamat na ito. Medyo binago ko lang ng konti pero basically eh ganun pa din.
ANG ALAMAT NG DURIAN (Bakit mabaho ang Durian?)
Noong unang panahon (as in sobrang una na eh wala ng nakaka-alala), sa isang malayong kaharian (as in sobrang layo walang nakakapunta), may isang prinsesa. Siya ay si Prinsesa Duriana.
Si Prinsesa Duriana ang pinakamagandang babae sa kanilang kaharian. Kahit kung tutuusin eh anim lang naman ang tao sa kanilang kaharian, mahigpit ang kanyang amang hari. Ang kanyang amang hari ay si haring Kong (sa ingles ay King Kong).
Masyadong mahigpit si haring Kong kay prinsesa Duriana. Wala siyang ginawa kundi itago si prinsesa Duriana sa kuwarto, at panoorin ng mga DVDng fake. Sa sobrang mahal ng nasabing hari si Prinsesa Duriana, ayaw nya itong lumabas at baka daw kapag na-expose ito sa harshness ng totoong mundo eh, maging adik.
Kaya't sa edad na 28 eh walang alam ang prinsesa sa nangyayari sa labas ng kanyang kuwarto. At sa edad din nyang iyon eh nanonood pa din siya ng sesame street, batibot, at higit sa lahat eh teletubees.
Isang araw, nasira ang DVD player ng nasabing prinsesa. Labis niya itong kinalungkot dahil nga nde nya natapos ang astroboy. Simula nuon, nagkaroon na ng aneroxia nervosia ang prinsesa. Sinubukan nilang ibalik ang nasabing DVD player sa kaharian ng quiapo subalit wala na pala duon ang tindero. Nahuli na daw kasi ng taga-VRB. Dahil dito ay lalong nanghina ang prinsesa. Labis itong kinabahala ni haring Kong.
Kaya't si haring Kong ay nag-anunsyo sa buong kaharian. At dahil nga anim lang ang tao dun, nde na siya nahirapan sa kanyang anunsyo.
Ang sabi nya - "Ang sinumang makagagawa ng DVD player ng aking anak eh mapapasakanya ang buong kaharian."
Nuong sinabi nya iyon sumigaw ang mga nakikikinig - "Letche! Wla png 200 square meters ang lupa natin eh kung makasigaw ka dyan! Kala mo kung gaano kalaki!"
Kayat' sinabi ng hari - "OK! OK! Kung sino man ang makagagawa ng DVD player ng anak ko eh mapapasakanya ang kamay ng prinsesa!"
Sabi naman ng mga nakikinig - "Bakit kamay lang?"
"Mga tanga! Figure of speech yun. Duh!" tugon ng hari.
Simula ng araw na yun eh maraming nagtangka na kumpunuhin ang DVD player. Walang makagawa nito, palibhasa eh galing kasi sa kaharian ng quiapo kaya tiyak na fake.
May isang prinsipe rin na nagdala ng ibong adarna at pinakanta ito sa harap ng DVD, hoping na ang mala-anghel na tinig nito eh makakakumpuni sa nasabing player. Subalit ng kantahin ng nasabing ibon ang "jumbo hotdog" ng masculados ay lalong nasira ang DVD. Kaya ang prinsipe ay pinugutan ng ulo na gamit ang isang napakapurol na nipper; samantalang ang ibong adarna ay ginawang handa sa piyesta.
Lumipas ang ilang taon at wala tlgang makagawa ng DVD. Ultimo ang mahal na haring Kong ay nawalan na ng pag-asa. Ang prinsesa, na ngayon ay kuwarenta'y dos anyos na, ay mahinang mahina na at nakaratay na lamang sa kama. At ang mas lalong nakasama sa kanya eh ng matuto siyang magyosi. Tatlong paketeng marlboro red ang nauubos nya sa isang linggo.
Hindi katulad ng ibang fairy tale, ang kuwentong ito ay realistic. Dahil isang araw ay natagpuan na lamang na wala ng hininga si Prinsesa Duriana. Namatay siya ng wlang prinsepeng dumating. Hnaggang sa huling hibla ng kanyang hininga ay hawak nya ang marloboro na nde na niya naubos.
Labis na lamang ang pagdadalamhati ng buong kaharian, na ngayon eh natitira na lamang sa dalawang tao dahil namatay na yung iba. Si mahal na haring Kong ay na-depress ng tuluyan at nilunod na lamang ang sarili sa red horse. Si Prinsesa Duriana ay nilibing sa isang bahagi ng kaharian kung saan unang lumilitaw ang araw sa bukang liwayway.
Matapos ang ilang taon, sa lugar na pinaglibingan ni prinsesa Duriana ay may tumubo na isang bulaklak. Maganda siyang bulaklak subalit napakabaho lamang. Naisip nila na ito siguro ay si Prinsesa Duriana na hindi pa rin natatahimik dahil sa kanyang nasirang DVD. Ang nde nila alam, lasing ang nagdesign ng libingan ni Prinsesa Duriana kaya sa malapit sa poso negro siya nalibing. At iyan ang dahilan kung bakit mabaho ang durian.
Tinawag nila ang nasabing halamn na Duriana. Ngunit sa pagtagal ng panahon, napagkasunduan nila na tawagin n lamang na durian dahil mas "cool" daw.
The End.
Epilogue:
Si Haring Kong ay tuluyang nabaliw at napatay ng pagbabarilin siya ng mga helicopter sa itaas ng empire state building, habang may hawak na maliit na babae.
3 comments:
ayusin mo buhay mo ako rin knina na lol gago hehehhehehe
ayos ka dude!!!
You're so mean..... meaningful!!!
hahahaha...mas okay kapag prinsesa doris..diba kim?hahaha
Post a Comment