Friday, December 23, 2005

Blue Christmas

Maikli lang ang sasabihin ko sa post na ito. Maikli lang dahil hanggang ngayon ay masama pa ang loob ko.

Kagabi, naslash ang aking pantalon ng ako ay pauwi na. Nanakaw ang aking cellphone at ang inipon kong pera para sa pasko.

Kasalanan ko.

Isa kong malaking T-A-N-G-A.

Ganda ng dating ng pasko ko grabe!

Thursday, December 22, 2005

Maisip-isip

Ako lang ang nasa opisina ngayon. May lakad lahat sila at mamayang hapon pa ang balik. Last day na din namin ngayon sa work. Ayaw ko namang maging isang bayani kaya hindi na muna ko nagtratrabaho. Wala akong ginagawa ngayon kundi magpatugtog at maglaro ng NBA. Medyo nagsawa na ko sa kakalaro kaya gawa muna ko ng post ngayon. Tutal maaaring ito na ang huli kong post sa linggong ito. Hindi dahil may balak akong mamatay bukas, kundi dahil wala kaming internet connection sa bahay kaya sa lunes na ulit ako makakaranas ng internet.

Kagabi ay sa Tondo ako natulog. Maaga kasi ako dapat sa opisina ngayon. May mga ka-meeting kasi ako dapat na, sa kasamaang palad, eh hindi naman nagsidating. Anyway, dahil nga kagabi eh nasa Tondo ako, at wala akong makainuman, may mga naglaro sa utak ko. Naisip ko, pano kaya kung makita ko ang batang version ko? Yung parang sa pelikula ni Bruce Willis dati? Ano kaya ang sasabihin ko sa kanya at ano kaya ang sasabihin nya sa akin?

Alam kong walang katuturan ang naisip ko na yun. Pero ok lang kasi kadalasan naman eh wala talaga akong katuturan.

So, halimbawa ay meron akong time machine at nakabalik sa year 1994, pupuntahan ko ang sarili ko na noon ay edad kinse pa lang. Nag-aaral ako sa Torres High noon. Heto ang malamang na magiging usapan pag nagkataon:

CID (15) : Sino ka? Bakit parang may hawig ako sayo?


CID (26): Ako nga ikaw! Galing ako sa future at nandito ako para kausapin ka.



CID (15): HA?!? Parang hindi yata ako makapaniwala? Bakit ang taba ko?



CID (26): Gago! Yun ang isa sa bad news na sasabihin ko sayo. Mahihilig ka sa pagkain at magiging ganito ang katawan mo. Pero wag kang mag-alala, madami kang kakilala ngayon na tataba din.



CID (15): Kahit na! Bakit ganun? Wala talagang hustisya dito sa mundo! Teka lang, kung tlagang taga-future ka, eh di alam mo na ang kahihinatnan ng buhay ko?



CID (26): Oo naman. Kaya kung may mga tanong ka na tungkol sa hinaharap mo, itanong mo na. Bilisan mo at mauubusan ng gas ang time machine ko. Wala akong dalang pera.



CID (15) Ayos ito. Una kong tanong - sisikat ba ang banda namin? Makikilala ba ako bilang isa sa pinakasikat na bokalista dito sa Pilipinas?



CID (26): Ano ang gusto mong sagot? Yung totoo o yung kasinungalingan?



CID (15): Para namang hindi mo ko kilala nyan! Siyempre yung kasinungalingan!



CID (26): OO! Sisikat tayo at pag-aagawan ng mga kababaihan!



CID (15): Ayos! Eh yung girlfriend ko ngayon, magtatagal ba kami? Siya na ba ang makakatuluyan ko?



CID (26): Naku hindi! Iiwan ka nyan ngayong pasko. Ang masama pa dun, sasabihin nya sayo na break na kayo, sa pamamagitan ng xmas card.



CID (15): Aba eh gaga pala ito!



CID (26): Sinabi mo pa.



CID (15): Teka lang, magkaka-asawa ba ako?



CID (26): Yan ang hindi ko pa alam. Kasi 26 pa lang ako. Siguro sa sa edad na 80 eh babalik ulit ako sayo para masagot yang tanong mo.



CID (15): Ah ok. Pero at least may girlfriend akong maganda sa edad na yan di ba?



CID (26): Ah eh...wala pa din sa ngayon.



CID (15): HA!!! Ano ba naman klaseng buhay magkakaroon ako? Ano ba ginawa mo sa buhay ko??? Ang taba mo kasi eh!



CID (26): Letche! Wag mo kong sisihin! Batukan kita dyan eh.



CID (15): Ibang tanong na nga lang. Ano ba magiging trabaho ko?



CID (26): Yan ang good news. Magiging abogado ka!



CID (15): Sus! Ano ang good news dun? Abogado nga ako eh ang taba ko naman! Dapat ata mag-adik na lang ako ngayon eh.



CID (26): May pagkatarantado ka talaga eh no?



CID (15): Pareho lang tayo. Hmmm....ano pa ba pede kong itanong? Alam ko na - magiging mayaman ba ko?



CID (26): Hindi ko pa rin masasagot yan. Pag naging 80 na lang ulit ako babalik ako sayo para sagutin yan.



CID (15): O sige eto na lang - tataas ba ang baon ko?



CID (26): Sa college mo pa. 25 pesos pa din ang baon mo hanggang grumadweyt ng high school. Sa college mo, 50 pesos na hangggang makatapos ka.



CID (15): Alam mo sa totoo lang, wala kang dinalang good news sa akin. Dapat ata eh hindi ka na lang bumalik dito eh!



CID (26): Aba at ikaw pa nagalit! Wala kang kuwenta kausap. Aalis na talaga ko!



CID (15): Buti pa!!!!


ENDING: Nagsuntukan kami....

Wednesday, December 21, 2005

Tips for the Holiday Season

Ngayong Pasko, tiyak na marami ang namumrublema dahil sa gastos. Kung ordinaryong empleyado ka kasi, malamang eh tantyado mo na na kulang na kulang ang Xmas Bonus mo at iba pang matatanggap ngayong pasko, para sagutin ang lahat ng mga gastos na paparating na. Kung umiikot na ang ulo mo kakaisip kung saan kukuha ng panggastos ngayong Pasko, wag mangamba! Narito ako upang bigyan kayo ng mga suggestions kung pano makakaraos (nde yung bastos) ngayong pasko.

1. Kailangan mong magkaroon ng extra income ngayon. Wag kang umasa lang sa sarili mong sahod o sa bonus na tatanggapin mo dahil kukulangin talaga yun para sa isanlibo mong inaanak. Kaya kailangan mong magsideline. Eto ang mga pede mong gawin:

a.) Pag papasok ka na sa umaga, imbes na nakatambay ka lang habang nakahinto ang sinasakyan mong dyip, mangaroling ka sa mga stoplights. Wag mong intindihin kahit na nakaporma ka pa. Kainin mo na ang pride mo at kumanta ng jingle bells sa mga nakahintong sasakyan. Ang mga barya na maiipon mo sa gawaing ito ay makakatulong sa financial needs mo.

b.) Uso ngayon ang pagbili ng mga second hand na bagay. Pwes! Makisali ka sa uso! Ibenta mo ang mga pinadala sayong Christmas cards dati. Wag mo lang kalimutan na burahin ang pangalan mo sa pamamagitan ng Liquid Paper. Gawin mong parang snow lang ang pagkakabura para artistic.

2. Magkunyari na may malalang sakit. Kapag ipinagkalat mo sa mga kakilala mo na ikaw ay may malubhang sakit na nakakahawa, walang magpupunta sayo sa pasko. Kahit ang mga inaanak mo ay siguradong iiwas sayo. Samakatuwid, wala ka din kailangang bigyan ng regalo. Laking tipid pag nagkataon.

3. Magtipid sa pagbibigay ng regalo. Kung hindi epektib ang number 2, tipirin mo lang ang pagbibigay ng regalo. Tandaan na wala sa mahal o mura ng regalo mapapakita ang iyong pagmamahal. Eto ang ilan sa mga halimbawa ng mga pede mong i-regalo na murang-mura lang:

a.) nailcutter
b.) yellow pad
c.) coke sakto
d.) tatlong boy bawang
e.) second hand na medyas
f.) panda ballpen
g.) mineral water

4. Pansamantalang magbago ng relihiyon. Maraming relihiyon ang hindi naniniwala sa pasko. Pede ka munang sumapi sa kanila pansamantala para makaiwas ka sa gastos. Bumalik ka lang sa dati mong relihiyon pagtapos ng pasko. Wag lang kalimutang magdasal at humingi ng tawad.

Tuesday, December 20, 2005

Gulantang

Pasko na sa Linggo!

Wala na sigurong tao na mas gulat pa sa akin kagabi ng i-confirm sa akin ng aking nanay na pasko na raw sa Linggo. Sa totoo lang, hindi ko kasi masyadong napapansin ang pagdaan ng araw eh. Ang akala ko nga kahapon eh Grade 2 pa lang ako. Tapos, bigla-bigla, pasko na daw sa Linggo.

Bagay wala naman akong gaanong senyales na nakikita kasi. Unang-una, hindi pa naman umuulan ng snow. Pangalawa, dalawa pa lang ang natatanggap kong regalo. Pangatlo, hindi pa din binubuksan ang christmas lights sa bahay.

Speaking of christmas lights, nagtataka ako sa bahay at naglakas loob pa silang maglagay ng ganun tapos ayaw naman nilang buksan. Sayang daw kasi sa kuryente. Ang labo di ba? Sana nilagay na lang nila sa plastic para nde na-alikabukan. Kesa naman ngayon na nalalaman lang ng mga kapitbahay namin na may Chritmas lights kami pag nakikita nila yun sa umaga. Sa gabni kasi eh para lang kasi siyang art paper na nakadikit sa pader namin.

Masyadong talagang naging biglaan ang pagdating ng pasko ngayon kaya hindi ako gaanong nakapaghanda. Hindi ko pa naplaplano kung saan akong lupalop magtatago para makaiwas sa mga inaanak. Wala pa akong kongkretong escape route kumbaga.

Pansamantala, ang regalo ko sa sarili ko sa darating na kapaskuhan eh panonoorin ko na talaga yung Harry Potter. Yun ay kung meron pang nagpapalabas nun dito. Ako na lang kasi yata ang tao dito sa Pilipinas, bukod siyempre sa ibang mga katutubo, na hindi pa nakakapanood ng pelikulang yun. Baka matanda na nga si Harry sa pelikula pag pinanood ko siya ngayon.

Seriously speaking, ano ba talaga ang tunay na diwa ng pasko? Ito ba ay makikita sa lamig ng panahon? Hindi. Ito ba ay makikita sa pagsasama-sama ng pamilya at ng mga magkakaibigan? Hindi. Ito ba ay mararamdaman sa sari-saring gastos na ating gagawin ngayong season na ito? Hindi. Para sa akin, ang tunay na diwa ng pasko, ay mararamdaman at makikita sa dami ng regalong matatanggap ko mula sa ibang tao. Mas maraming regalo, mas buo ang diwa ng pasko.

Maraming salamat at MERRY CHRISTMAS!


Friday, December 16, 2005

Blog para bukas

Noong isang araw, sa klase ko, nag-usap kami ng isa sa mga estudyante ko. Marami kaming napag-usapan habang hinihintay namin ang iba pa nyang kaklase.

Napunta ang usapan namin tungkol sa edad. Hindi ko na maalala kung pano nakarating dun yung topic pero basta namalayan ko na lang na nakikipag-usap ako ukol sa isang bagay na ayaw ko na sanang pag-usapan.

Anyway, nagulat ako sa kanya dahil, ng sabihin nya ang kanyang edad, 23 na ata siya o 24. Basta wala sa mukha niya dahil mukha lang siyang 19 or 20. Ng tanungin ko kung ano ang sikreto niya, sabi nya eh nasa pananamit lang daw yun kaya siya nagmumukhang bata.

Syete! Ibig bang sabihin, sa pamamagitan lang ng pagdadamit eh magmumukha din akong college lang? Babata akong muli ng ganun-ganun lang? Ito na ba ang lihim na tinatago ng fountain of youth? Palagay ko ay ito na nga. Kaya minabuti kong maglista ng mga ihahanda kong damit para sa weekend na ito. Susubukan ko kung effective nga ang style na ganun.

Para sa sabado, ang balak kong isout ay:

1. Walang t-shirt
2. Lampin or Diapers

Para naman sa aking accessories:

1. Dede
2. Extrang Tsupon

Pasa sa Linggo. ang balak ko namang isuot ay:

1. T-Shirt na Pocahontas
2. Shorts na Barney

Para naman sa mga accessories:

1. Imbes na dalhin ko ang REVO, dadalhin ko ang Stroller ng aking pinsan.

King Kong

Nitong mga nakaraang araw eh natambakan ako ng trabaho sa opisina. Kaya hindi nakapagtatakang ang huli kong post eh lagpas isang linggo na ang nakakaraan. Ilang beses ko na sinubukan na magsulat ulit, pero puro umpisa lang ang nagagawa ko. Hindi ko lagi matapos dahil...well...dahil hindi ko nga matapos.

Kahapon eh hindi ako nakapasok sa opisina. Nasagasaan kasi ako at ng 18 wheeler truck. Bale naputulan ako ng dalawang kamay. Kaya ang pinangsusulat ko ng post na ito ay ang natitira kong dalawang paa. Joke lang! Baka magkatotoo, syete! Ok lang magkatotoo sa iba wag lang sa akin. Selfish ako eh.

Ang totoong dahilan kung bakit hindi ako nakapasok kahapon ay isang malupit na sikreto. Masyadong mabigat at malalim ang dahilan. Masyadong personal kaya hindi ko maaring isulat sa blog na ito at baka maraming madamay at manganib ang buhay. Hindi totoo ang kumakalat na balita na kaya ako hindi nakapasok ay dahil sa nanoood ako ng King Kong. Sus! Hindi totoo yun!

Speaking of King Kong, pakiramdam ko ata eh nasayang ang pera ko sa pelikulang yun. Dragging ang takbo ng istorya. Para sa akin eh masyadong OA din sa haba ang pelikula. Kaya nga hindi ko tinapos. Baka kasi kung tinapos ko eh hanggang ngayon eh nasa sinehan pa ako. Anyway, alam ko naman na ang ending eh mamamatay si King Kong eh. Kamatayan ko nga eh hindi ko inaabangan, yung kay King Kong pa!

Napansin ko na maraming nanonood ng pelikula na yun kagabi. Karamihan sa kanila ay mga bata na kasama ang kanilang mga magulang. Dapat sa mga magulang na iyon eh ikulong! Masyadong bastos ang pelikula para sa mga bata. Dapat dun eh R-18 dahil sa dami ng breast exposures. Halos kalahati ng pelikula eh nakalabas lagi ang boobs ni King Kong. Nagtataka nga ako kung bakit hindi pinutol yun ng MTRCB.

Sa mga nagbabalak na manood ng King Kong, ang payo ko ay wag nyo ng ituloy. Imbes na ipanood nyo ng sine, ibigay nyo na lang sa akin ang pera nyo at matutuwa pa sa inyo ang tadhana.

Sa gumawa naman ng King Kong, heto ang mga mumunting suggestions para mapaganda nyo ang pelikula nyo, at maging angkop sa panlasang pinoy:

1. Pede nyo lagyan si King Kong ng pakpak. Tapos i-connect nyo ang pelikulang yan sa teleseryeng Mulawin. Tiyak na tatangkilikin iyan dito sa Pilipinas.

2. Hindi exciting ang pelikula kung walang love story. Suggestion ko eh lagyan nyo ng ka-love team si King Kong. Wag si Winnie the Pooh dahil masyado siyang maliit. Pede na siguro si Juday para halos magkasinglaki lang sila ng mukha. Tawagin nyo ciang Queen Kong.*

3. Isali nyo ako sa pelikula. Bale ako ang papatay kay King Kong sa pamamagitan ng aspile. Pagtapos nun eh may kissing kami ni Cindy Kurleto sa ibabaw ng bangkay ni King Kong.

*Para sa mga Juday fans - biro lang.


Wednesday, December 07, 2005

Senescence

Dati, ang tingin ko talaga eh hindi ako tumatanda. Kung tumatanda man ako, feeling ko eh hindi yata nakakasabay ang utak ko sa katawan ko. Kasi, noong 22 yrs. old pa lang ako, nagdesisyon na ako na hindi na lalagpas pa dun ang edad ko. Sabi ko noon, hanggang 22 na lang talaga ako. Pag lumagpas pa dun, hindi ko na aaminin.

Hindi naman ako takot tumanda. Kaso, ayoko lang tlaga nung mga rules na nilalagay ng kultura kapag hindi ka na bata. Ayokong bigyan ng limitasyon ang sarili ko. Pakiramdam ko kasi, pag tumanda ka, nadadagdagan ka lang ng responsibilidad. Pero hindi naman ibig sabihin eh madami ka ng hindi pedeng gawin.

"Nahihirapan akong ipaliwanag kung ano ang gusto kong palabasin sa post na ito."

Anyway, nitong mga huling araw eh medyo unti-unti ko na yatang natatanggap na tumatanda na ako. Ewan ko lang pero may mga senyales akong naobserbahan eh. At ito ang ilang halimbawa ng mga senyales na yun:

1. Kahit anong pilit ko sa sarili ko, hindi talaga ako nag-eenjoy na panoorin ang Barney.

2. Sa department store, hindi ko nararamdaman ang matinding pangangailangan na magpunta sa toy store.

3. Hindi na ko naniniwala sa wrestling.

4. Hindi na ko sinasabihan ni Papa na "Bawal kang lumabas!!!"

5. Naging ugali ko na ang paliligo at pagsisipilyo na dati kong kinamumuhian.

6. Walang epekto sa araw ko kung hindi man ako nakapanood ng cartoons.

7. Hindi na ko takot sa bumbay at sa pulis.

9. Natuklasan ko na bihasa na ko sa pagsisintas ng sapatos.

The way things are going, mukhang hindi ko yata mapapanindigan na hanggang 22 lang ako. Well, kung magsuicide ako ngayon, hanggang 26 na lang ako. Hmmmm.....parang magandang ideya ah!?!

Kaso ayoko.

Monday, December 05, 2005

Seryoso?

Kahapon, kasama ang mga kapatid at pinsan ko, nanood ako ng sine sa SM Molino. Pinanood namin yung "The Myth". Bilang isang progresibong kritiko na fair sa kanyang mga analysis, isa lang ang masasabi ko tungkol sa pelikulang yun - panget. Ang recommendation ko sa mga nagbabalak na manood nun, ibili nyo na lang ng lugaw ang ibibili nyo ng tiket, tiyak na mas makukuntento pa kayo. Sorry na lang Jacky Chan pero yun ang aking opinyon. Ang maganda lang sa pelikulang yun eh yung indian na babae na sexy. Bukod dun, wala na kong maalala.

Pero dahil sa panonood ko, meron akong nakitang trailer ng isang paparating na pelikula dito. "Little Manhattan" ang pamagat. Hindi ko palalagpasin yun dahil, kung trailer ang pagbabatayan, mukhang maganda siya. Abangan....

Kaninang umaga eh may pandinig ako sa labor. Tuwing nagpupunta ko doon, lagi kong nao-obserbahan yung mga tao dun, lalo na yung mga empleyado na nagrereklamo. Meron dung mga hindi sinasahuran, tinanggal ng basta-basta, o kaya eh kinakaltasan ng kung ano-ano, pero hindi naman nireremit sa mga tamang ahensya ng gobyerno.

Merong isang babae na nakatawag ng pansin ko. Iyak kasi kiya ng iyak habang nagkukuwewnto sa katabi nya. Dahil nga meron akong "tengang-tsismoso", may mga nakuha ko sa mga sinasabi nya. Ilang buwan na daw siyang hindi pinasasahod, tapos ngayon ata eh siya pa ang pinalalabas na mali, siya pa daw ang kinakasuhan. Umiiyak siya dahil natatakot daw sya at wala siyang abogado.

Lalapitan ko na sana siya. Miski sabihin pa nilang lumalabas na solicitation ang ginagawa ko, gusto ko mag-offer ng tulong, Hindi ko naman siya sisingilin. Naawa lang talaga ko sa kanya kasi nakikita ko naman na nagsasabi siya ng totoo. Kaso tinawag na yung kaso ko, tapos paglabas ko, wala na siya.

Parang na-imagine ko na yung sitwasyon nya. Malamang eh nagfile siya ng kaso sa labor dahil hindi siya sinasahuran. Pagtapos, dahil wala siyang abogado, binabaligtad siya ngayon ng kalaban. Talamak ang mga nangyayari na ganyan. Yung hawak ko lang ngayon, kinasuhan siya ng qualified theft pagtapos nyang magfile ng kaso sa Labor. Halatang kumukuha lang ng leverage.

Kaya tuloy minsan hindi ko masisi yung iba na masama ang tingin sa propesyon ko. Hindi ako nagmamalinis, pero hindi ko lubos maisip kung bakit kaya ng iba na mag-imbento ng kung ano-ano para lang manalo. Hindi lang nila binabaluktot and katotohanan, binabali na talaga nila. At ang mas malala, nakakaapak sila ng malilit na tao sa proseso na yun.

Bago pa nga lang talaga ko sa propesyon na ito. Marami pa kong dapat matutunan na hindi tinuturo sa loob ng eskuwelahan. Maaring naive ang maging tingin sa akin ng iba, pero sana kahit gaano pa ko katagal sa practice, wag kong makalimutan yung sinumpa ko sa harap ng Diyos na:

"I, __________, do solemnly swear that I will maintain allegiance to the Republic of the Philippines; I will support its Constitution and obey the laws as well as the legal orders of the duly constituted authorities therein; I will do no falsehood, nor consent to the doing of any in court; I will not wittingly or willingly promote or sue any groundless, false or unlawful suit, nor give aid nor consent to the same; I will delay no man for money or malice, and will conduct myself as a lawyer according to the best of my knowledge and discretion with all good fidelity as well to the courts as to my clients; and I impose upon myself this voluntary obligation without any mental reservation or purpose of evasion. So help me God."

Wednesday, November 30, 2005

Ghost in here

Disclaimer: Wala itong kaugnayan sa blog ko na "Ghost in you".

Ayon sa computer, 9:14 na ng gabi. Nandito pa din ako sa office dahil meron akong kailangang tapusin. Kung tutuusin, hindi naman kasama sa mga dapat kong tapusin ang blog na ito. Pero ganunpaman, sawa na ko sa kakasulat ng inggles, at medyo natutuyo na ang utak ko sa kakaisip. Kaya relax muna ko.

Ako na lang mag-isa sa office. Kanina paglabas ko, napansin ko din na ako na lang pala ang tao dito sa buong floor ng building. Wala akong balak mabigyan ng "Gintong Empleyado Award", meron lang trabaho na biglang sumulpot na nagkataong bukas na ang deadline.

Ano ang dahilan ng blog na ito?

Simple lang...gusto ko lang ipaalam sa kinauukulan na, kahit nag-iisa na lang ako sa buong floor ng buiding na ito, HINDI AKO NATATAKOT!

Tama iyan! Hindi ako natatakot o kinakabahan man lang. Hindi ko naiisip na biglang may magpapakita sa akin dito loob ng opisina. Lalo namang hindi pumapasok sa isip ko na may makikita kong lumulutang na anupaman sa kabilang kuwarto na sobrang dilim. Sus! Ako pa eh sobrang tapang ko!

Maaaring totoo na puro religious songs ang pinatutugtog ko ngayon, pero hindi yun dahil sa ako ay natatakot at walng tigil na pumapasok sa isip ko ang pelikulang sixth sense. Nagkataon lang na sobrang religious ko talaga.

Bakit naman ako mag-iisip ng ganun aber?! Bakit naman ako kikilabutan tuwing may naririnig akong parang ingay sa labas? Ang tanda ko na para maniwala sa ganyang mga bagay!!! Maaring totoo si Sta. Claus, pero walang katotohanan yang mga multo na yan! Imahinasyon lang yan ng mga tao. Ako ay nandito para MAGTRABAHO! Wala na akong dapat na iniisip pang iba!

Ako ang lalaking walang takot! Bilang katunayan, uuwi na ko. Nde dahil nagsisimula na akong matakot, kundi dahil gusto ko lang. Papasok na lang ako ng sobrang aga bukas...promise. Nde na ito kaya ng powers ko.

Tuesday, November 29, 2005

Pre-Christmas Letter

Santa Claus
North Pole

Dear Santa Claus,

Matagal ko ng plano na sulatan ka. Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon dahil tyempo na ako lang ang tao dito sa opisina. Hindi na ako magpapaligoy-ligo pa sayo, gusto kong magreklamo!

Ilang taon na kong nagpapakabait. Ilang taon na kong nde nangungupit kay mama. Matagal na din akong nde nakikipag-away. Pero bakit ganoon? Bakit ilang pasko na ang dumaraan eh wala pa din akong natatanggap na regalo galing sayo.

Nag-iiwan naman ako ng medyas sa aking kuwarto. Maiintindihan ko kung bakit dati eh nde mo nilalagyan yun ng regalo. Pero ngayon naman eh nilalabhan ko na ang medyas na sinasabit ko. Ganoon pa din! Wala ka pa ding iniiwang kahit anong abubot!

Masama talaga ang loob ko sayo. Mga dalawang pasko na ang nakakaraan, hiniling ko sayo si Kristine Hermosa. Sobrang nagpakabait kaya ako noon. Pero wala pa din akong natanggap! Walng Kristine Hermosa na gumulantang sa akin galing sa medyas ko. Wag mong idahilan sa akin na maliit ang medyas ko! Wag mo kong lokohin dahil meron ka namang magic ah! Ang masama pa don, may problema yata ang system mo dyan dahil, imbes na sa akin mo pinadala si Kristine Hermosa, pinadala mo siya kay Diether!

Kahit na ginanon mo ko, umasa pa din ako sa'yo.

Last Chritmas naman eh ginawa kong sobrang simple na lang ng hiling ko. Ayoko kasing napagbibintangan na masyadong magarbo kung humiling. Kaya ang hiling ko lang sayo noon eh sana pumayat ako. Nag-expect tlaga ako na paggising ko eh sobrang macho ko na (parang yung sa spiderman), o kaya eh puno ng Xenical ang medyas na sinabit ko. Pero WALANG NANGYARI!!! Ngayon eh para atang mag-kasinglaki na tayo.

Ano ba namang klaseng trabaho ang ginagawa mo?! Holiday ka din ba pag pasko?!!!?

Itong buong taon eh nagpakabait ulit ako kaya tama lang na may matanggap ako sayo. Ngayon pa lang eh ginawa ko na ang sulat na ito para nde mo masasabi sa kin na late mo na natanggap. Ang hiling ko ngayon eh isang 60 gig na IPod. Kung kulang ka sa budget, cge, kahit 40 gig na lang.

Subukan mo lang na wag akong padalhan nyan! Subukan mo lang talaga at kukumbinsihin ko ang mga workers mong duwende na magtayo ng unyon. Tingnan ko lang kung di sumakit ulo mo. Isusumbong ko din ang "cruelty" mo sa iyong mga reindeer na pinapalipad mo kahit dis-oras na ng gabi, at sobrang lamig pa! Tiyak na dudumugin ka ng mga animal rights activists pag nalaman nila iyon.

Sana ay maliwanag pa sa sikat ng araw dyan sa north pole ang ibig kong iparating sa sulat na ito!

Nagmamaktol,

Cidie


Thursday, November 24, 2005

Accomplishments

Following are the list of the things which I have accomplished for the day:

1.

2.

3.

4.

5.

6.

.....and the list goes on and on.....

Wednesday, November 23, 2005

Things not to do

Sa opisina, meron kadalasang makikitang post-it na nakasulat ang mga "things to do". I'm sure na lahat halos ng opisina eh meron nun. At sa aking opinyon, yung mga list na yun ang isa sa pangunahing dahilan kung bakit stressful ang environment sa opisina. Siyempre, pag nakita mo yung listahan na yun, tamang pressured ka kasi mare2alize mo na napakarami mo pa palang bagay na hindi nagagawa, o dapt pang gawin.

Kaya meron akong suggestion...

Kung meron kang listahan ng mga "things to do" para sa isang linggo, dapat meron ka ding listahan ng mga "things not to do" sa opisina. Sa ganitong paraan, meron kang ikukumpara sa mga bagay na dapat mong gawin, pero hindi mo nagawa. Sigurado ako na maraming bagay din naman kasi na hindi mo dapat gawin, ang hindi mo naman talaga ginawa. Kaya dapat eh meron ka ding listahan ng mga yun.

Ganito ang technique ko sa opisina para hindi ako gaano ma-stress. Pag nakikita ko na, kahit marami pa akong dapat i-accomplish sa mga "things to do" ko, pag nakita ko naman na marami na pala akong na-acconmplish sa mga "things no to do" ko, gumagaan ang aking kalooban. In effect, mas nababawasan ang stress na maaaring makapagpabilis pa lalo sa pagtaas ng aking hairline.

Anyway, eto ang isang tipikal na halimbawa ng listahan na sinasabi ko. Suggestion ko eh magkaron din kayo ng ganito....

THINGS NOT TO DO (for the week)

1. Die

2. Grow a second head

3. Become a zombie

4. Enroll at Hogwarts

5. Learn how to fly

6. Turn into a duck

7. Commit a crime

8. Bear Cindy Kurleto a child

9. Become pregnant

10. Go to Mars




Tuesday, November 22, 2005

of miracles and ipods

Merong milagro na nangyari kanina. Sayang nga at walang gaanong tao na nakakita. Kung nagkataon eh marami sanang nagbagong buhay dahil sa milagrong yun. Ang naging saksi lang kasi eh ako at saka si papa.

Ginising ako ni papa ng maaga. Tapos, eto ang milagro, sabi ba naman sa akin eh dalhin ko na lang daw yung sasakyan dahil hindi naman daw niya gagamitin. O di b?! Isang malaking milagro yun! Anong panama ng mga aparisyon dyan ng mga nagsasayaw na araw o anupaman?! Si papa pinadala sa akin yung sasakyan ng walang pag-aatubuli??? Syete! Malapit na yata magunaw ang mundo.

Kaninang agahan eh sabay din kami kumain ni padir. Maling, daing at adobo (ung kagabi pa) ang ulam namin, tapos meron pang sinangag. Kaya naman ang kinain ko eh pede na namang bumuhay ng isang pamilya. Gusto ko sanang ipangako na hindi na ulit ko kakain mamayang tanghalian kaso masisira ko lang ang pangako na yun. Kaya hindi na lang.

Anyway, iba ang tema ng usapan namin kanina ni padir. Akalain mo ba naman na interesado daw siyang bumili ng Ipod? Pinag-iipunan nya raw yun para sa pasko.

Naiintindihan ko na si papa eh sobrang hilig sa music. Parang ako, andami nya ding koleksyon ng mga kanta. Nde ako sure kung ako ang nagmana sa kanya o siya ang nagmana sa akin, pero pareho kaming masaya na basta maganda ang sounds na pinakikinggan. Pero ngayon ko lang nalaman na si papa eh may pagka-teki din pala. Gusto nya din palang magka-Ipod.

Ako eh matagal ng nangangarap na magkaron nun. Tuwing may makikita ko sa Greenbelt na naglalakad at may dalang Ipod, parang gusto kong maging holdaper o snatcher pansamantala. Tapos kung magkakaso eh palalabasin ko na lang na siraulo ako. Medyo madaling patunayan yun sa totoo lang.

Sayang yung dati kong mp3 player na nawala. Haaayyy....yoko ng elaborate at nadidismaya lang ako.

Itong darating na pasko, miski hindi na bagay sa edad ko, maglalagay ako ng medyas sa dingding ng kuwarto ko. Aba! Malay natin at totoo pala si Sta. Claus. Magpapakabait ako at baka sakaling bawasan nya muna sahod ni rudolph, o ng mga workers nyang duwende, para mabili ako ng ipod.

Tuesday, November 15, 2005

Ghost in you

Meron kung anong multo ang pumasok sa isip ko kanina. Walang dahilan pero naisipan kong hanapin ka. Sinubukan ko na lahat pero hindi kita makita. Sinubukan ko sa google, nagbakasakali ako sa friendster, at tiningnan ko rin ang names database.

Pero wala ka.

Matagal na kitang hindi nakita. Kung lima o anim na taon siguro eh meron na. Natatawa nga ako at nahihiya sa sarili ko dahil, kahit alam kong napakalayo na ng "ikaw" ngayon sa "ikaw" na nakilala ko dito, parang merong pa ring parte ng sarili ko na gustong magkaron ng ideya kung sino ka na ngayon.

Kung tutuusin, halos wala ka pang apat na buwan na naging bahagi ng buhay ko. Halos tuldok lang yun kung ikukumpara sa naging agos ng buhay ko. Pero kahit pa sabihing tuldok lang yun. naging masaya ako noon sa paraang paulit-ulit na naaalala ko.

Kolehiyo pa lang ako noon. Masyado pang bata para maging makakalimutin. At yun siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon, paglipas ng nde birong taon, kabisado ko pa lahat ng bagay tungkol sayo.

Huli kong balita sayo ay may asawa ka na. May anak ka na din daw. Sana ay wala kang kasingsaya. Sana ay bihira ka na lang samahan ngayon ng pag-iisa.

Mahal pa ba kita? Malakas ang loob kong sasabihin na hindi na. Matagal ng lumipas ang mga bagay na dapat lang na lumipas. Matagal ko ng natalo ang kalungkutan na dala ng iyong paglayo.

Hindi kita hinahanap dahil mahal kita. Hinahanap kita dahil mahal ko ang masasayang alaala na sabay nating binuo. Mahal ko ang alaala ng parte na yun ng buhay ko na masasabi kong nagmahal ako ng higit pa sa kakayahan ko. Kapag nakita kita ulit, kapag naging mabait ang tadhana at pinayagan akong makasalamuha ka ulit, mangingiti ako. At sana ay makita mo na ang mga ngiti na yun ay walang halong kahit katiting na pait.

Ang title ng blog na ito ang pinakapaborito mong kanta. Hindi ko alam kung hanggang ngayon eh yun pa din. Alam kong maraming pagbabago na dinala ang mga lumipas na taon. At sana, isa sa mga pagbabagong yun, ay ang saya na hindi na hihiwalay sa buhay mo at ng iyong pamilya.

Hanggang sa susunod na alaala....

Bigo

Sa buhay natin, maraming mga bagay na tatangkain nating maabot. Maraming pangarap na pipilitin nating abutin. At, kung paanong maraming beses nating hahanapin ang kasagutan sa lahat ng mga pangarap natin, ganun din naman na maraming beses natin matatagpuan ang sarili natin na bigo. Kasabay sa paghinga natin bilang taong nakaranas ng tagumpay, ang paghihingalo bilang isang taong nakaranas ng pagkatalo.

Kagabi...muli akong naging bigo.

Hindi lang isang beses dumating sa buhay ko ang frustration. Katulad ng lahat ng tao, madaming beses ko na siya naranasan. At sa totoo lang, hanggang ngayon ay hindi pa din ako nasanay. Hanggang ngayon eh nasasaktan pa din ako ng sobra sa tuwing hindi ko makukuha ang bagay na inaasam ko.

Marami akong trabahong ginagawa sa opisina. Masasabi ko na iilan na lamang ang oras na nailalaan ko para sa aking sarili. Pero sa kabila nun, meron akong mga sandali na ginugugol mag-isa. Sa mga kaunting sandaling na yun eh nararanasan ko kung paano maging maligaya.

Kagabi ay sinubukan kong hanapin ulit ang sandali na yun. Pero sa kasamaang palad, bigo ako.

Pagkagaling ko sa opisina, pinuntahan ko ang tapat ng parking lot kung saan ako sumasakay pauwi. Iyon ang aking gawain bago umuwi - ang dumaan sa tapat ng ayala at tingnan kung nandun siya. Siya kasi ang tinutukoy kong sandali, na labis kong ikinaliligaya. Nagalak ako ng makita ko na nandun siya. Pero ang kagalakang iyon ay mabilis na naglaho na para bang isang bula na hinipan ng malakas na hangin. Ang kaligayahan ko ay naglaho.

Marahan ko siyang nilapitan at kinausap. Nakangiti siya dahil kilala nya na ko at alam kong alam nya ang pakay ko. Pero, bago pa man makapagsalita ang puso kong pagal, tahimik siyang umiling. Umiling siya at naintindihan ko na ang ibig nyang sabihin....wala ng balut.

Malas ko dahil gigil na gigil ako sa balut kagabi. Pero hindi ako nakakain kaya nagtyaga na lang ako sa mais.

Friday, November 11, 2005

What women want

Ang sulat na ito ay isinusulat ko para sa kapakanan ng mga kalalakihan. Dito ko ilalahad ang mga "signs and symbols" kung pano mo malalaman na wala kang pag-asa sa niligawan o nagugustuhan mo.

Mahirap man kasing aminin, marami sa mga kalalakihan ang mahina maka-getz. Meron silang erotic paranoia kay ande nila aga nakukuha ang message ng opposite sex pagdating sa panliligaw. Minsan eh naiisip nila na may pag-asa sila kahit na wala naman.

Dito kami talo ng kababaihan. Hindi ko din alam kung bakit pero mas malakas ang intuition ng babae. Mas magaling silang makabasa ng utak ng lalake.

Pero mga kalalakihan, wag mangamba pagka't nandito na ang mga sikreto nila. Gamitin nyo ito para malaman kung negative ba kayo sa inyong mga iniirog o iirugin pa lang. Ito ay mula sa daan-daang pagkakabasted...este....research pala.

8 NEGATIVE SIGNS

1. Pag ikaw ay nagte-text o nag-fo2rward ng mga messages, isa lang kadalasan ang uri ng reply na matatanggap mo sa kanya, to wit:________________________________________________.

2. Himalang natyetyempo na meron siyang sakit palagi kapag tumatawag ka.

3. Kung tawagin niya ang pangalan mo ay kasama ang salitang "kuya". Kapag "kuya, wag po!", mas malala.

4. Tuwing nakikita mo siya kasama ang kanyang mga kaibigan, napapansin mong laging humahalakhak ang kanyang mga friends habang nakatingin sa iyo.

5. Ayaw ka niyang dalhin sa bahay nila kahit dun ka nakikitira.

6. Kahit sa aso niya ay ayaw kang ipakilala.

7. Pag hiningi mo ang schedule nya, para sunduin siya, magtataka ka kung bakit ala-una ng madaling araw ang sasabihin nyang oras ng uwi nya.

8. Pag yayayain mo siyang magsimba, babaguhin nya ang kanyang relihiyon.


....dito muna at tawag na ako.

Ano ang mangyayari kapag nagbakasyon kayo ng walang dalang kamera?

Noong nakaraang bakasyon eh nag-road trip ako at ang iba kong kasama dito sa opisina. Nagpunta kami sa ibang probinsya sa Northern Luzon. Grabe! Ang saya tlaga kasi ang dami ko pa palang dapat mapuntahan na lugar dito sa Pilipinas. Akala ko kasi eh tatlong lungsod lang ang Pilipinas - makati, tondo, tsaka cavite. Nagkamali ako dahil meron pa palang ibang lugar dito.

Nagpunta kami sa "son of a beach" ng Bolinao. Tapos eh sa may hundred islands din. Yung iba pang lugar na pinuntahan namin eh hindi ko na maalala. Madami kasi eh. Yung dalawang lugar lang na nabanggit ko ang tumatak sa isip ko.

Sa Bolinao "son of a beach" eh tamang ligo ako. Malakas nga lang yung alon kaya hindi ako gaanong nakalayo. Ewan ko kung ano meron ang dagat pero nare-relax talaga ako doon. Siguro noong past life ko eh isa akong jelly fish o kaya naman ay syokoy.

Sa Hundred Islands naman eh medyo hindi ko nagustuhan kasi may number na na involved. Sinusubukan kong bilangin kung one hundred talaga yung isla dun pero hindi kinaya ng powers ko. Mahina kasi ako sa math. Ang kaya ko lang bilangin eh hanggang twenty. Pag lumagpas na dun eh kelangan ko na ng calculator.

Bukod sa marami akong nakitang magagandang tanawin sa bakasyon namin na yun, natuklasan ko din na madami din palang mababait na Pilipino. Akala ko kasi eh ako na lang ang natitira.* Marami kasi akong naka-chika sa mga pinuntahan naming lugar. Sa totoo lang, nakikipag-usap na ko sa ibang lahi, pero mas masarap pa din tlagang kausap ang sarili mong lahi.

Sa bakasyon naming iyon eh bumilib sa akin ang mga kasama ko sa opisina. Ako lang daw ang lalaking kilala nila na kayang dumaldal ng 6 t 7 hours straight. Partida na at hindi pa ko lasing noon. Ewan ko ha. Pero parang isa sa pinakagusto kong gawin, pangalawa siguro sa pagkain, eh iyong makipagkuwentuhan. Madami tayong kuwento pare-pareho. At natutuwa akong ikuwento ang kuwento ko, at pakinggan ang kuwento ng iba.

Anyway, eto ang mga larawan namin sa bakasyon na yun. Gamit namin ang camera na hindi nadala.

Eto kami sa may Bolinao white sand beach...










Eto naman ang solo picture ko sa beach hut...









Eto ang hundred islands...









Eto ang picture namin sa bangka...










Lastly, eto ako at ang aking walong pumuputok na abs...










*Walang kokontra.

Tuesday, November 08, 2005

"Review" reviewed

Naglilinis ako kanina ng mga files ko sa PC. May nakita kong files na ang title eh friendsters. Noong binuksan ko, natuklasan ko na ang mga nakasulat pala dun eh yung mga answers ko sa mga surveys noon sa friendster.

Noon kasing nagre2view ako for the bar hopping exam, naging adik ako sa friendster. Tuwing umaga, bago pumasok sa review, siguro eh mga dalawang oras muna kong tumatambay sa library para lang mag-internet. Aktibo ako noon sa friendster. Yung mga survey duon eh araw-araw kong sinasagutan. Sayang nga lang talaga at walng tanong na patungkol sa friendster, sa bar hopping exam. Kung nagkataon eh tiyak na perfect ako don.

Anyway, nariton ang ilan sa halimbawa ng mga kagaguhan ko...

June 26, 2004 11:08 PM
Subject: AKO RIN MAY REACTION
Message: Message: Wats ur Ist reaction when:

1.) smbody suddnly woke u up
> beeh! kunyari lng akong tulog. ganda kya ng
nkuha ko.

2.) Ur mum scolded u early morning
> nde kita ina kya wag mo kong ganyanin! (joke
lng)

3.) U saw ur crush
> tameme... wlang masabi kungdi kumusta ka.

4.) A cute girl accidentally bump u
> excuse me, why r u bumping me? may friendster
ka ba?

5.) Ur crush texted u but don’t have load
> reply ako sbihin ko wla akong load.

6.) Teacher asked u 2 say somethn but u
don’t know d answer
> may i go out?

7.) Dad saw u kissing wit ur bf/gf
> ok lng yun. basta nde bf ang nkita nya.

8.) Saw ur bf/gf wit his/her ex
> hi! hello! musta kayo! (pero sa loob2 ko,
magkaketong sana kayo sampu ng inyong mga anak.)

9.) Ur X sent a message telling u he/she
still luvs u
> ganda ng nakuha nung drugs!

10.) Accdentally deleted all d files u just
saved
> macocomatose.

11.) Can’t open ur friendster account
> alis na sa computer room. attend na lng ng
lecture sa review.

12.) U lost ur fone
> magnanakaw! snatcher!

13.) Saw ur enemy
> buhay ka pa pla? i guess nde effective lason.

14.) A person u dnt like sings ur fave song
> pag di mo tinigil yan, paghinga mo ang titigil!

15.) Som1 u luv sings the song u hate most
> pag sum1 i love, mgagandahan na rin ako.


16.) Ur bf/gf didn’t make any testimonial to
> wla akong bf. lalo na gf.

17.) A friend deleted the testimonial he/she
made 4 u
> delete ko cia sa account ko.

18.) Ur having a bad stomach wyl on a date
wit ur crush
> can u excuse me for a while? tatae lang ako.
tuloy mo lng kain mo. dont mind me.

19.) Saw ur friend wit ur crush
> sisigaw ako na adik yan!!!

20.) Nobody wud answer dis
> ha?!!!

June 23, 2004 9:58 PM
Subject: sentimyento sa buhay
Message: wla akong maisip na i-post ngayon dito sa
friendster. nde gumagana ang utak ko ngyon dhil
may clot ako sa ilong. kya naisipin ko na lng na
para bang free association ang gawin ko. ung
unang pumasok sa isip ko eh isusulat ko n lng.
bka for the first time eh wlang sense ang lumabas
dito. eto na cia....

1. nde ko maintindihan kung bkit kelangan pa ng
bar exams pra mging abogado. ganun din nman ang
kalalbasan ko. magnonotaryo lang ako sa ilalim ng
puno ng mangga sa city hall tpos kelngan ko pang
mag-exam!

2. na-snatch ang cellphone ko nung 2nd year ako
sa law. nahuli ko naman siya at kinasuhan pa sa
korte. pero na-dismiss ang kaso dhil sabi ng
judge, nde daw ako credible na witness. syete!
anong kinabukasan ang naghihintay sa akin kung
mas credible pa sa akin ang agaw-cellphone?!!

3. kelangan kong mag-asawa bgo ko sumapit ng
trenta. by that time eh wala na akong buhok at
mahirap nang maghanap ng partner. ngyon pa lang
eh mas mabilis pa sa pagtaas ng araw ang pagtaas
ng hairline ko.

4. kung makikilala kaya ako bilang ako ni
kristine hermosa, magugustuhan kya nya ako?

5. bakit ba kelangan kong mag-aral?!!! anytime eh
pedeng magunaw ang mundo. eh kung bukas eh
magunaw bigla? sayang lang ang pinag-aralan ko!
lalo na at ang propesyon na pinili ko eh
kalimitang npu2nta sa impyerno. eh kung kinain ko
na lang yung mga taon na inaral ko! kung bigla
mang magunaw bukas mundo, matutunaw akong masaya.

6. wlang kumukuha sa akin na ninong sa anak nila!
iilan pa lang ang inaanak ko. luge daw kasi sila.
yung pakimkim na binigay ko kukulangin pa kung
ikukumpara sa kinain ko.

7. pitong taon na ko nung pinanganak. wag nyong
itnong kung bkit. di ko rin alam. maganda lang
sabihin.

8. ang pinakamasagwang bagay na nakain ko eh
paste. as in yung pandikit. hnggang ngayon eh
nalalasahan ko pa.

8. nung nag-IQ test ako one time. may tnong na
pipiliin mo sa mga pictures kung ano yung edible.
nde ko lam meaning nun dati kya ang pinili ko ay
ink. kung alam ko na yun dati pa eh di sana
pinili ko ang gitara.

9. nung nde nakapasok bestfriend ko dhil sa naka-
apak siya ng pako. tinulungan ko ciang gumawa ng
excuse letter. nakalagy dun...Pls excuse me for
being absent yesterday. I was absent because I
was nailed.

10. submission ng title ng research paper nmin
nuong high school. ang topic ko ay iba't-ibang
uri ng sakit. title ko eh - My Favorite Diseases.
nde inaprobahan!

yun lng,
cidie



Thursday, November 03, 2005

Tatay Siso

Hindi ko alam kung bakit tatay siso ang tawag namin sa kanya. Kung tutuusin, Lolo Siso dapat kasi nga eh tatay siya ni mama. Pero nakagisnan na naming magpipinsan na tawagin siyang Tatay Siso. Noong October 30 eh pumunta kami sa kanya. Anniversary kasi ng kanyang paglisan dito sa piling naming mga nagmamahal sa kanya. Kaya ako, kasama ng mga iba pang kamag-anak, eh nagtipon sa maliit na sulok na yun ng sementeryo.

Kung isusulat ko lahat ng alaala ko tungkol kay tatay siso, masyadong magiging mahaba ito. Kasi, mula nung magka-isip ako, siya ang isa sa mga unang naging bahagi ng mundo ko. Bata pa ako noon eh sa kanya na ako lumalapit para humingi ng pera pambili ng mga mumurahing laruan at chichirya. Kapag ayaw akong bigyan ng pera noon ni mama o ni papa, kay tatay ako pupunta at sigurado na may matatanggap ako kahit papano.

Hindi mayaman ang pamilya namin. Yun ang dahilan kung bakit kahit kailan eh hindi ko nakita na nagbuhay marangya si tatay. Matipid siyang tao kaya ultimo bente singko ay hindi niya binabalewala. Kaya nga ayaw nila minsan na si tatay ang bibili sa palengke kasi nga daw, kahit medyo bulok na yung binibili nyang paninda, basta mura, eh ok lang. Matipid siya, pero kahit kailan eh hindi ko siya nakita na nagdamot.

Ilang pasko ng buhay ko ang dumaan ng kasama si tatay. Ilang bagong taon din na nahingan ko siya ng lusis at watusi. Aaminin ko na nung mga panahon yun, mabilis na tumatakbo ang oras ng hindi ko napapansin na napakasuwerte ko pala kay tatay. Hanggang sa huling hangin na tatanggapin ng kaluluwa ko, wala akong magagawa na magiging sapat na dahilan para pagkalooban ako ng isang napakabait na lolo.

Noong isang taon, noong nabigyan na ng taning ang buhay ni tatay, may parte ng puso ko na ayaw pumayag. Merong sumisigaw at nagpupumiglas sa loob ko...nagpupumilit na kailangan eh wag mawala si tatay. Pero noong huling beses naming nag-usap, hinding-hindi ko makakalimutan yung sinabi nya sa akin - "Lumipas na ang panahon ko. Kayo naman ngayon.". Kahit parang hirap akong tanggapin yung sinabi nyang yun, kalaunan eh naunawaan ko din kahit papano. Sinabi ko noon sa kanya na hintayin nya ang pagpasa ko at magkakaroon na siya ng apong abogado. Pero buong tapang niyang sinabi sa akin na hindi na daw nya maabutan yun. Pero sabi nya, kahit wala na daw siya, makikita pa rin naman daw nya ang pagpasa ko.

Matapos ang pag-uusap naming yun...kinabukasan eh nawala na siya.

"Tatay, hindi ko alam kung meron kang internet access dyan sa langit. Sana meron para mabasa mo itong blog ko.

Tay, abogado na ko. Pasensiya ka na kung hindi ko na natupad yung pangako ko na ako na ang sasagot sa mga gamot na kailangan mo ha. Pero tutulong pa din ako sa pamilya natin Tay. Pangako yan.

Ginagawa ko lahat ng magagawa ko para maging mabuting tao Tay. Sana nakikita mo yan. Sana kahit papano, miski sobrang kulit ko dati, maging proud ka sa akin.

Salamat sa lahat ng alaala. Pero higit sa lahat...salamat sa pagmamahal."

Wednesday, October 26, 2005

Ang Sagot

Dear Cid,

Kakabasa ko lang ng sulat mo sa akin. Pasensya ka na at ngayon lang ako nakasagot. Sa totoo, napakarami ko kasing natatanggap na ganung sulat galing sa iba't ibang tao. Napakaraming katulad mo lalo na dito sa Pilipinas. Kaya sana ay maintindihan mo kung bakit ngayon lang ako nakasagot.

Una sa lahat, bakit kung ano-ano ang pinagsasasabi mo sa sulat na yun? Siguro naman ay nalalaman mo na karamihan sa mga sinabi mo doon ay hindi totoo?! Pasensya ka na kung sabihin ko sa iyo ito pero isa kang sinungaling!

Ilang buwan na ang nakakaraan simula ng sinulat mo yun. Pero isa lang ang tanong ko, at ang gusto ko sana at sagutin mo ito ng nakatingin sa aking mga mata* - ano ang nangyari? May ginawa ka ba na bago? O tinupad mo ba yung mga sinabi mo sa sulat na yun? HINDI!!!

Sa halip, aba eh mas naging mahilig ka pa sa akin, lalo na nitong mga nakaraang araw?! Tapos ang lakas ng loob mo kung magsalita ka na iwasan mo na ko. Aba eh kagabi lang, alas-onse na nang gabi - por dyos por santos - pero hinanap mo pa rin ako! Iba ka!

Ang sa aking lang eh itigil mo na ang pagpapanggap na kesyo ikaw eh nagdyedyeta o umiiwas na sa akin. Kasi umaasa lang ako eh. Naniwala ako sayo nung una pero bigla na lang akong nagulantang ng, isang madaling araw eh bigla mo kong ginambala habang tahimik akong umiidlip sa loob ng rice cooker! Hindi tama yun! Labag yun sa karapatan kong pangbigas! At ilang beses mo pa ko inabuso Cid. Hindi ko na babanggitin lahat dahil hindi ako ganong uri ng nilalang. Hindi katulad mo!

Masama ang loob ko sa'yo. Siguro naman eh napapansin mo dahil sa tono ng aking pagsusulat. Kasi, kung yung iba eh giniganahan lang kumain kapag nandun ang paborito nilang ulam, o di naman kaya eh ginaganahan sila pag may sabaw sila at sawsawan, IKAW EH GINAGANAHANG KUMAIN BASTA MAY PAGKAIN!!! At kung ubusin mo ko eh feeling mo meron kang sariling palayan!

Ititigil ko na ang sulat na ito. Masyado na kong nagiging emotional. Masama pa naman daw sa akin yun sabi ng duktor ko. Hanggang dito na lamang at sana ay magpakatotoo ka na.

Nagmamahal,

Kanin

*Teka lang, nakalimutan ko na wala nga pala akong mata. Kaya sagutin mo na lang yung tanong habang nakatitig ka sa aking mga butil.

Monday, October 24, 2005

Goodbye Blog

They say that “one” is the loneliest number. If “one” is the loneliest number, I think “goodbye” is the loneliest word.

I never really learned how to properly say the word goodbye. Considering that it is only a two syllable word, and although I can pronounce it correctly, I never learned how to mean it.

When you say goodbye, it means you have to leave. You have to let go of so many things. But in my case, there are a lot of things that I hold on to. And that is where my problem lies. Well, at least that’s what I think.

Much of the sadness that I’m feeling right now can be attributed to my inability to give-up on certain things in my life. Although “not giving up” may sometimes be considered as a good characteristic, it is not so when it comes to dealing with things that are irrefragably out of reach. Though I am possessed with the ability to discern between those which I can do, and those things which I can’t, I still have to work on the skill of accepting the things that I have done, but have nevertheless lost. It’s a skill that we all have to learn because losing something is an unavoidable fact of life.

I keep remembering things and thoughts that I have so desperately tried to forget. But the more I try to forget, the more I remember. It’s futile. Really, it is. It’s like trying to breathe underwater. You inhale thinking that doing so would relax you. But as soon as you do, you realize that holding your breathe is far better than trying to breathe-in water. I don’t know if that makes any sense at all. But at least to me it does.

Everybody has to say goodbye. That may not be an acceptable proposition for others but that is the truth. No matter how much we love someone, no matter how much we care for somebody, there will come a time when we have to bear the burden of separation; we will have to suffer the hurt caused by letting go.

I have come to realize that paths will not always cross the way we want them to. The road you choose will not always lead you to your destination. And that circumstances will not always occur the way we want it to.

I think I know why I’m finding hard it hard to say goodbye. I think it is because when you say goodbye to a person, what actually happens, what you actually do, is you bid farewell to the individual – that’s all. You don’t bid farewell to the memories. You don’t bid farewell to those feelings that you have come to associate with him or her. Bidding farewell to those things is, to put it bluntly, almost next to impossible. To that precise extent, I agree that there really are no goodbyes, only see you later ons.

“Di ko na kayang mabuhay sa kahapon
Kaya mula ngayon…
Mula ngayon….
Magpapaalam na sa’yo ang aking kuwarto”
Kuwarto by sugarfree

Thursday, October 20, 2005

Programmer

Ang bagong kinababaliwan ko ngayon eh yung programming. Kapag walang ginagawa, na ngayon eh bihirang mangyari, sinusubukan kong magbasa ng mga programming guides chuva. Hindi ko alam kung bakit pero naaaliw ako sa mga pede mong gawin as website mo, o kahit dito lang sa blog, kung marunong ka lang ng html, java, atbp.

Ang dami ko kasing naiisip na mga design at iba pang kaek-ekan eh. Kaso mahirap yata talaga lalo na sa isang katulad ko na wordstar lang ang at lotus 123 ang kabisado. Kaya nga binabalak kong mag-aral sa MAPUA ng kahit basic programming . Nde para kumita kundi para may mapagtripan lang. O kaya ay may offer ako....

Kung sino man diyan ang willing na turuan ako ng programming, tuturuan ko naman siya nga batas. O ha! San k pa?!

Speaking of programming, ang mga babae ba ay pedeng i-program? Syete! Kung meron lang programming language na kakayanin ang powers ng mga babae, matagal ko nang pinag-aralan. Pakiramdam ko kasi, merong akong nde maintindihan sa current set-up ng program nila. Halimbawa....

1. Bakit ba napakatagal nila sa CR? Nde ko maintindihan kung ano ang ginagawa nila sa loob ng banyo at kailangan eh isang oras mahigit sila nandun. Pag natyempo ka pa na may kasama siyang kaibigan sa loob ng CR, kahit manood ka muna ng sine eh pede. Ano bang orasyon ang ginagawa nila sa loob?

2. Ano ang meron sa sapatos at na-oobsess sila dun. Pantakip lang nman yun sa paa at pangsuporta sa paglakad. Yun lang naman ang purpose ng sapatos eh. Pero bakit sa babae eh parang nagiging isang uri ng "anito" ang mga sapatos. At pag may sale...nakupo!

3. Bakit lahat ng kakilala kong babae, kahit gaano na kapayat oh ka-sexy, eh nagsasabi na she's on a diet? Pero pag kumain naman eh hindi mo mahahalata na umiiwas sila sa pagkain.

Ilan lang yan sa mga katanungan na gumugulantang sa aking isip ngayon. Marami pang iba pero tsaka na..


Justify Full

Wednesday, October 19, 2005

How to pass an interview (Tip No. 2)

Sa di malamang kadahilanan eh hindi ako nakakareceive ng mga text messages ngayong araw na ito. Tumawag nga ako sa smart at galit na pinagsisigawan ang customer service representative na nakausap ko. Nabuwisit kasi ako sa sagot nya na wala naman daw problema ang network nila. At akalain mo ba namang sabihan ako na kapag low batt daw ang cell eh hindi talaga ako makakatanggap ng mga messages. Para bang sa tono ng pananalita nya eh ako ang mali! Porke ba naka-off ang cell ko dahil drained na ang baterya eh nde na ko dapat maka-receive ng text?! Nagbabayad naman ako ah?! Parang ang lumalabas eh mali ako samantalang perpekto nga ako!

Anyway...

Balik ulit ako sa topic ko na nasa title ng blog na ito. Last time eh na-discuss ko na ang tamang pananamit kapag may interview ang isang applicant. Ngayon naman eh magbibigay ako ng tips kung paano sumagot sa pinaka-interview na. Napakahalaga ng parteng ito dahil ito ang mag-dedetermine kung ikaw ba ay matalino o nde. Ang mga sagot mo ang siyang magiging daan para makumbinsi mo ang prospective employer na kuhanin ka.

Ang mga tips dito ay nahahati sa dalawang bahagi. Ang specific tips. At ang general tips.

GENERAL TIPS:

1. Kapag nde mo alam ang sagot, magpanggap kang kinukumbulsyon. In this way, pede ma-resked ang interview sau. Meron kang time pa para makapaghanda pag nagkatao.

2. Lagi mong sasabihin na graduate ka ng Harvard kaso nga lang eh nawala ang diploma mo. I doubt kung i-confirm pa nila yun.

3. Wag mong papahalat sa nag-iinterview na bobo siya. Hngga't maari eh mag-act ka na kulang-kulang para nde mo maapakan ang ego ng interviewer.

SPECIFIC TIPS:

*Sample questions with corresponding intelligent answers.

1. Q. Why did you choose this company?

A. I did not choose your company. You chose me. You set the date for this interview remember?

2. Q. Why should we hire you?

A. Because I am the best. Everybody else are morons-in-suits. Also, if you hire me, you will automatically become more intelligent. You just have to stick your head near mine and you'll increase your IQ through the process called osmosis.

3. Q. Tell me something about yourself.

A. I dont want to. You cant force me.

4. Q. Use one word to desribe yourself.

A. Let me make that three - Better than you. But if you insist - Humble

5. Q. How much do you expect to earn here?

A. I am expecting a reasonable compensation. By that I mean that the pay should correspond to my worth as an employee. I think 1 million a day would not be bad.


OOPPppsss....time to work....

Tuesday, October 18, 2005

Entry

Nakikinig ako ng alanis morissette ngayon. Walang espesyal na dahilan kung bakit sinabi ko yun. Sinabi ko lang kasi yun naman talaga yung totoo. Kung sinabi ko na nakikinig ako ng Aegis, kasinungalingan na yun. Eh ako pa naman eh nde nagsisinungaling. Kaya nga hindi na tumangos ang ilong ko eh. Bigla ko tuloy naisip, kung buhay kaya si pinocchio ngayon, maayos kaya ni Dra. Belo ilong nya?

OK...tama na ang walang saysay na salaysay ko.

Kaninang umaga eh meron akong pandinig (hearing) sa Manila. Meron na naman akong na-realized - mali talaga na problemahin ang isang problema na hindi naman siguradong mangyayari. Sayang lang ang sobrang isip ko kagabi. Kung alam ko lang na chuva lang pala yung mangyayari eh di sana nagdisco na lang ako sa Mars o kaya eh sa Ozone. Kung alin man sa kanila ang bukas pa.

Meron kasi akong nakalimutan na i-submit. Nde yung application ko sa Starstruck Forgotten Generation ang tinutukoy ko. Basta meron akong nde nagawa. Kaya buong gabi eh namumrublema ako kung ano ang gagawin ko para makakalusot. Ako ay napatanga dahil na-realize ko na ang isang perpekto at imortal na kagaya ko ay nagkakamali din pala. Kaninang umaga eh naghahanda na kong masigawan ng judge (nde yung bubble gum). Isa lang ang masasabi ko - nadaan ko sa dasal.

Naayos naman.

Pagtapos ng pandinig ko eh dumaan kami sa SM MLA. Syete! NAtuklasan ko na naman kung gaano ko katanga pagdating sa tamang pagpili ng damit. Buti na lang at ang mga kasama ko eh may fashion sense. Tinuturuan nila ko ng mga tamang bibilhin para isuot.

Ako kasi eh WALANG FASHION SENSE AS IN!!! Common Sense meron konti pero yun lang. Kung bakit naman kasi nauso pa yang damit na yan! Bakit nde na lang tayo magsama-sama ng walang malisya sa katawan?

Sila Adan may kasalanan nito eh. Kung nde nila kinain yung mansanas eh di sana hindi na kinailangan pang matuto ng tamang pagpapares ng kung ano-anong damit...

Freeze muna....

Thursday, October 13, 2005

Pinocchio

8:51 pm na.

Sa maniwala kayo sa hindi eh nandito pa rin ako sa opisina. Meron akong kailangang tapusin na nde ko matapos-tapos. Hindi ko naman ito pedeng iwan dahil baka ang buhay ko naman ang matapos.

Anyway, pahinga muna.

Kanina eh nagpunta ko sa makati square. May hinahanap kasi kame na software para sa opisina. At dahil labis-labis ang pag-galang namin sa intellectual property code, naisipan naming dun na lang bumili sa mga muslim dun. Ang sabi kasi sa amin eh original daw ang mga softwares dun.

Nung nakabili na kami ng original na cd na worth P90.oo, bumaba kami para naman tumingin ng mga DVD. Balak kasi ng kasama ko na bumili ng isang buong set ng Boston Legal (original din ciempre). At habang nagtitingin-tingin ako dun, di ko naiwasan na mapansin yugn isang mama na lumilibot din.

Una nyang hinanap eh yung "Lawrence of Arabia" daw. Sabi nung tindera meron daw sila. Tapos sunod naman eh "Under Siege Part I" daw. At meron pa din daw sabi ng tindera. Tapos..sabi nya, and i quote, "eh Triple X meron kayo?" Nung sinabi ng tindera na meron, saka niya tiningnan lahat.

Natatawa ko sa kanya kasi ang dami nya pang intro. Ang dami nya pang hinahanap eh lam na naman pala nya bibilhin nya!

Anyway, ako kasi eh buong buhay ko hindi pa ko nakakapanood ng mga ganyang kalaswaan...

Hindi talaga! Mamatay na!!!

AARRGGHHHH........

Short Story

Ito ang kauna-unahang short story na ginawa ko. Matagal ko na itong ginawa. Hindi na ito nasundan dahil, sa kasamaang palad, nde naging supportive ang mga kakilala ko. Lahat halos ng pamilya ko, pati mga kaibigan na din, matapos basahin ang istoryang ito, palagi na lang sinasabi na bitin daw. Kulang daw ang istorya. Kesyo nde raw sapat ang plot. Masakit yun para sa isang aspiring writer na kagaya ko. Lalo pa at pinaghirapan ko ito ng sobra. Todo ang effort ko ditto kaya masakit marinig na bitin daw itong istoryang ito. Sana dito sa blog eh merong maka-appreciate……

Palingon-lingon ako sa labas ng bintana ng opisina. Hindi ko alam kung bakit, pero parang nararanmdaman ko na ilang saglit na lang ay babagsak na ang ulan. Pero kahit anong paghihintay ang gawin ko, hindi kakausapin ng patak ng ulan ang lupa ngayon. Masyadong mataas ang araw. Kulang sa tubig ang mga ulap.

Kanina pa ko nakatitig sa sulat na iyon. Sa sulat na dinala daw sa harap ng aking opisina kanin pang umaga. Pero dahil hindi na ko nakabalik kagabi pagktapos ng hearing ko sa laguna, ngayon ko lang nabuksan at nabasa ang sulat. Maingay sa plaigid ko ngayon, pero wala akong naririninig. Bihira lang dumating ang ganitong pagkakataon. Bihira lang na wala akong nakikita. Hindi ako nakapikit, pero madilim.

“Joel!”

Kung hindi ko pa narinig ang tawag na yun ni Mang Lando, mananatili siguro akong nakatunganga sa harap ng sulat na yun. Siguro ay walang kimi akong mapapaluha sa harap ng opisina.

“Joel, yan ba yung sa kaso natin sa Laguna?”

Kung ordinaryong araw ito, baka nainis ako kay Mang Lando. Ayoko kasi tlagang pinapakikialaman o inuusisa ako. Sa linya kasi ng trabaho ko, mas makabubuti kong mag-isa lang.

Pero hindi ordinaryong araw ngayon. At lalong hindi ordinaryong sulat ang natanggap ko. Kaya naging tagagising ko ang boses ni Mang Lando. Ito ang nagbalik sa totoong mundo. Tinantanong nya ko kung bakit ako tulala. Tinatanong nya ko kung gusto maayos lang daw ba ako.

Gusto kong sabihing hindi. Gusto kong sabihin sa kanya lahat ng nararamdaman ko. Napakarami kong salita na maaaring gamitin para sagutin ang mga tanong nya. Pero walang lumabas sa bibig ko. Tumango na lang ako at ngumiti. Kung kilalang-kilala siguro ako ni Mang Lando, nakita nya siguro yung pait ng ngiti ko na yun.

Kailangan ko munang umalis, sabi ko sa sarili ko. Kailangan kong magpahinga at hagilapin ang hangin sa labas ng aking opisina. Nagpaalam ako ng maayos sa boss ko. Nagtaka siya dahil, ilang taon ng aking pagtratrabaho, bihira lang ako kung magpaalam na hindi tatapusin ang oras ko sa opisina.

THE END

Monday, October 10, 2005

Blog na konti lang ang salita

Si Joseph at ako....

The Family Tree...



Nadagdag si aris, malou, at piqs...


Ryan and Dowa ulit...


Parang matino siya kung titingnan...


Friday, October 07, 2005

How to pass an interview (Tip No. 1)

Marami sa ating mga kabataan ngayon*, ang nahihirapang maghanap ng trabaho dahil sa hirap ng ekonomiya. Ang problema pa, marami sa mga young graduates ang hindi alam kung paano ang tamang paraan ng pagsagot sa mga job interviews. Marami tuloy sa kanila ang hindi natatanggap. Kaya sa halip na sa isang corporation sila napupunta, kadalasan eh sa rehabilitation centers ang kinababagsakan nila.

Naisipan ko tuloy na tumulong. Alam nyo kasi, pinanganak akong may maputing budhi. Kaya hanggat maaari eh gusto kong tumulong sa abot ng aking makakaya.

Maraming nagkalat na mga tips na nagututuro kung paano pumasa sa mga job interviews. Meron pang mga speakers na ini-invite minsan ang mga schools para dito.Pero chuva lang lahat ang mga tips na yun. Humility aside, ako ang pinakamagaling sa lahat ng tao sa buong mundo. Kaya ang mga tips ko lang ang tama.

TIP NO. 1 - TAMANG PANANAMIT

Isa sa pinakamalaking kamalian ng mga pumupunta sa mga job interviews, eh yung pagdadamit nila ng maayos. Yung iba eh bumibili pa ng mga bagong "formal" na damit. Isa itong malaking turn-off sa mga employers. Bakit? Simple lang.

Bakit ka ba naghahanap ng work? Kasi nga wala kang pera. At yun ang nasa isip ng mga employers - kailangan mo ng pera. Ang kadalasng tinatanggap nila eh yung mga nakikita nilang tlagang kainlangng-kailangan ng magkatrabaho; yun bang mga tipo na halos kaawaan nila. Eh kung mas maganda pa ang porma mo kesa sa nag-iinterview sayo, pano ka tatanggapin? Siyempre ang iisipin nun eh - "Eh mukhang mas may pera pa sa akin ito! Bakit ko ito bibigyan ng trabaho? Dapat nga ako bigyan nya ng pera."

Samantalang kung pangit ang suot mo, ang sasabihin nya sa sarili nya eh - "Kawawa naman ito. Bigyan kong nga ito ng work. Alam ko na, gagawin ko siyang manager!"**

Kitams! Di ang ganda! Kaya ang tamang damit na dapat isuot eh yung pinakapangit na masusuot mo. Plus pogi/ganda points din kung medyo mabaho ka at nangangalumata.

Sa mga susunod na blogs eh dadagdagan ko pa ang mga tips na ito. Ang mga tips na ito ay 100% effective. Tiyak na makatutulong ito sa inyong lahat. Tatapusin ko na nga sana ngayon ito, kaso maghahanap muna ko ng work.

*OO. Kasama pa ko sa kabataan.

**Malamang eh umiiyak pa siya habang sinasabi nya yan.

Thursday, October 06, 2005

Ako at Siya

Noong un eh nawawalan na ako ng pag-asa. Ang akala ko talaga eh nde na talaga ako magkakaroon ng girlfriend. Akala ko eh tuluyan na kong maglalaho sa mundo ng nag-iisa.

Pero nagkamali ako.

Nakilala ko siya sa isang drugstore. Isa yata siya sa mga nagbebenta dun ng gamot. Nagulat ako kasi nakatingin siya sa akin at nakangiti. Bihira lang mangyari ang ganoon eh. Kaya nakipagtitigan ako sa kanya. At dun nagsimula ang aming pagmamahalan. Aakalain mo bang sa gitna pala ng mga titig na iyon eh may pag-ibig na?

Ngayon eh masayang masaya na kami. Hindi ko alam kung ano ang meron ako. Dahil sa tuwing nakikita nya ako eh lagi siyang nkangiti sa akin. Lagi siyang nakatitig sa akin na para bang sinasabihan ako na masaya siya kapag nakikita niya ako. Napakasuwerte ko talaga.

Aaminin ko na hindi siya perpekto. Pero sino ba ang taong walang kulang? Ako nga eh kulang-kulang kung i-describe ng aking mga kaibigan eh.

Ang ayoko siya sa kanya eh may pagka-insensitive siya. Kasi hindi siya nagsasalita talaga tuwing kinakausap ko siya. Lagi lang siyang nakangiti. Kahit nga minsan ay nagagalit na ako sa kanya, nakangiti pa rin siya. Sa tingin ko ay dahil nga iyon sa sobrang saya nya sa piling ko.

Hayaan nyong i-share ko sa inyo ang aming larawan....






Sa larawan pa lang na iyan eh makikita na ang saya niya sa piling ko.

Wednesday, October 05, 2005

Dubai

Hindi ko maintindihan kung bakit ang nauuso naman ngayon na title ng mga pinoy movies eh pangalan ng mga lugar. Kailan lang eh pinalabas yung Milan, ngayon eh Dubai naman. Ano kaya ng susunod? Saudi? London? Blumentritt? O baka naman Santolan? Pede din na MRT para marami ng sakop!

Nanonood din naman ako ng mga pinoy movies in fairness. Pero ewan ko kung bakit pakiramdam ko eh wala akong bagong istorya na mapapanood sa Dubai. Kaya hindi din ako excited na panoorin siya.*

Anyway, since ang nauuso naman ngayon eh yung mga pelikula na kinuha ang title sa mga lugar, may mga naisip akong title ng movies na pedeng gamitin ng mga scriptwriters natin. Nilagyan ko na din ng konting buod ng istorya para hindi na sila mahirapang mag-isip.

ESPANYA

Ang istorya nito ay tungkol sa dalawang magsing-irog na nag-aaral sa UST. Naisip nilang mag-meet sa Espana kahit na signal No. 4 ang bagyo dahil namimiss na nila ang isa't-isa. Dahil nga malakas ang ulan, binaha sila at na-stranded. Ang ending na naiisip ko eh pareho silang nalunod.

MORAL LESSON: Hindi kayo bubuhayin ng baha sa Espana kahit gano pa kalalim ang pagtitinginan nyo sa isa't-isa.

TONDO

Love story din ito, pero with a twist. Ang lalake ay isang talamak na holdaper, at ang babae naman eh isang sikat na mandurukot sa recto. Gusto na sana nilang magpakasal pero, dahil pareho silang mahirap, wala silang pera. Dito nila naisipang magtayo ng sindikato at magbenta ng rugby sa mga batang kalye. Ang ending naman na naiisip ko eh na-adik ang anak nila sa rugby at isang gabi, habang tulog ang mag-asawa, ay nag-trip. Pag-gising ng mag-asawa eh pareho na silang nakadikit.

MORAL LESSON: Hindi magandang maging adik sa rugby.

AFRICA
Adventure naman ito. Pero may love story pa din kasi tungkol sa mag-jowa ulit. This time, naisipan nilang mag-honeymoon sa africa, kahit hindi pa sila kasal. Eh dun pala sa pinuntahan nilang tribo sa africa eh bawal yung ganun. Kaya ang ending eh kinain sila pareho.

MORAL LESSON: Hindi mabuting kaibigan ang mga cannibal.

Dami ko naiisip pero yan na lang muna. Mukhang nhahalata na ko sito sa office eh.

*Pero malamang eh mapanood ko rin.

Monday, October 03, 2005

When God closes a door, I think He opens everything else in the house

May trabaho na ako!!!

Opisyal ko ng masasabi na kabilang na ulit ako sa pagkompyut ng GNP, at hindi na din ako ini-enterbyu ng NSO kapag kinukuha nila ang statistics ng unemployment rate dito sa bansa. At higit sa lahat, kaninang umaga ay tinawag ulit akong "anak" ni mama.

Ano ba talaga ang trabaho ko? Tutal ay wala namang naniniwala, sige aaminin ko na na hindi ako artista. Well, dati akong sikat na child star. Pero kailan lamang ay natuklasan ko na, kahit ano pala ang gawin ko, hindi na pedeng tawaging child ang 26 years old.

Maganda ang takbo ng trabaho ko dito sa opisina. Ito naman tlaga ang gusto ko eh, yung general practice. Dun kasi sa huli kong trabaho, puro na lang tax...puro na lang tax. Eh para sa isang katulad ko na ubod ng husay sa math, medyo mahirap yun. Kahit na hindi naman talaga puro math ang tax practice, siyempre hindi mo naman maiiwasan na minsan ay tatanungin ka kung ano ang ratio nito, o ano ang percentage nito? Tuwing may tanong na kasi na ganun, ang ginagawa ko na lang ay nagkukunwari akong may epilepsy na biglang inatake. Noong una eh lumulusot naman ako. Pero nung katagalan eh sa tingin ko nahalata na nila ko.

Ngayon eh masaya ako sa work ko. Although madaming deadlines na kailangang ma-meet, ok lang. In fairness kasi eh ok naman ang working environment dito. Dalawa lang naman kasi ang partners nitong firm na pinapasukan ko - isang lalake at isang babae. Sobrang bait ng mga boss ko. At napakapogi pa nung isang partner ng firm. Siyempre ang tinutukoy ko eh yung lalake.

OO! Aaminin ko na medyo nababading ako sa kanya kasi nga napakapogi nya. As in ano sinabi ng mg artista dyan! Bukod sa wala n ciang kasing-pogi, ang partner ng firm na pinagtratrabahuhan ko ay walang kasing galing. Grabe talaga and all. Gusto ko ciang halikan tuwing makikita ko siya.

Eto nga pala ang picture ng pangalan ng firm kung saan ako connected ngayon....

Kung mapapansin nyo sa picture na yan ay may parang aparisyon na makikita sa baba. Yun bang parang kulay puti na nde ko maintindihan kung ano. Gusto ko ngang ipadala sa "Nginig" o di naman kaya ay sa isang sikat na esperitista. Gusto ko kasing malaman kung meron bang isang ligaw na kaluluwa dito sa opisina na hindi matahimik. Sabi ng mga kasamahan ko eh Glade Air Freshener lang namn daw yan kaya walang dapat ikatakot. Pero miski na....kinikilabutan pa din ako.

LIBANGAN

Samahan mo akong mangarap
Na mahaplos ang abot-tanaw na bituin
At mayapos ng mahigpit na mahigpit
Ang nagdadaan at nagtatagong hangin
Ikaw ang libangan ng hapo kong isip

Tumakbo tayo ng walang pangamba
Sabay nating putulin ang tali ng pag-iisa
Kung kinakailangan, tayo ay gumapang
Upang muling makabalik sa paraiso ng saya
Ikaw ang libangan ng nakapikit kong kaluluwa

Lumayo tayo sa ideya ng pangungulila
Lalo pa’t kakambal niya ang pagkabalisa
Sa halip lakbayin natin ang landas na tiyak
Patibukin nating sabay, ang puso ng payapa
Ikaw ang libangan ng nangungusap kong puso

Ikaw ang libangan ko
Ikaw lang…

Saturday, September 24, 2005

The Happy Blog

The title of this blog is in sharp contrast to what I am feeling right now. Truth be told, I am feeling a little sad. In fact, I think that to describe myself as merely “quite sad” is an understatement.

As far as I can remember, I have lived my life in constant dread of sadness. Not because there is nothing to learn about it, but because I never really learned to adjust to its presence in my life. But once again, I am being reminded that it is something that I cannot escape.

It creeps in an almost clandestine manner. The next thing you know, it is in your life.

The funny thing about my current situation is that I am feeling both happy and sad at the same time. I don’t know if you can call this as a natural aberration, but I am almost certain that I am being pinned by two opposing and entirely different dichotomies. Funny thing indeed. But how come I am not laughing?

I am happy because I think I got what I prayed for. I think somebody I know is as happy as that person deserves to be. I got what I have been always praying for.

On the other hand, I am sad because…I lost a dream. A dream that, although not really within my reach, was enough to keep me chasing hope; enough to make my mind obstinately anticipate the coming of the night. Now, I am afraid that my dreams will lack color. And they will be as dark as that which I see when I close my eyes.

I wish I could reason my way out of this. I wish that I can nonchalantly pretend that everything will turn out well. But I am old enough to know that we will go through life without experiencing the fulfillment of all our wishes. After all, we were not born with genies on our side.

But I will walk. I will stand. I will breathe.

The sadness brought by solitude may bring me down, but it will never cripple me. It may prevent me from seeking hope in its specific sense, but it will not kill it altogether. There is still much to look forward to. There is still much to see. And more importantly, there is still much to love.

I wish you well. Goodbye for now....

“Silence is the unbearable repartee.”




Ang Sayaw

Sa ngayon gusto kong huminto muna sandali ang mundo
At wala muna akong makita kahit na nakadilat ako
Kung kaya kong pigilan ang pagtakbo ng oras
Sana ay noon ko pa ginawa, upang kahit papano ay nakaiwas

Ss isang lihim at malayong silid ko itinago
Ang damdaming maraming ulit ng naging ugat ng pagkabigo
Ngunit mababaw ang rason, kulang ang timyas ng salita
Kaya’t sa dakong likod ng silid na yun, muli akong nadapa

Mailap ang panaginip, hindi naging mabait ang pagkakataon
Pagka’t sa isang walang kasing-bagal na iglap, nagdilim ang panahon
At naranasan ko na namang muli kung pano pagsarahan ng tadhana
Nakita ko naming nakabinbin ang inaantabayanang pag-asa

Wala ng mas didilim at mas liliwanag pa ng sabay ngayon
Dahil lahat na yata ng inipon kong pagsinta dapat ng ikahon
Bago pa man magdapithapon, nagpaalam na ang araw
Haharapin ko pansamantala ang gabi, ng walang bituing matatanaw.

Saan ka nakakita ng bilanggo, na gumawa ng sarili nyang rehas?
O isang taong itinali ang sarili, matapos ay nagpupumiglas?
Madaling sabihin na sige, kahit alam mong ayaw
Ang sayaw…bow.

Saturday, September 17, 2005

Past Blogs Revisited

Dahil nde ko alam kung kailan na naman ako mkakapagblog ulit, naisip kong i-link ang mga nkaraan kong kagaguhan dito. Narito ang siyam na napili kong blog na sinulat ng isang napakapogi at napakamachong tao...ehem...sino pa kundi ako.


  • Being Late

  • Math and Me

  • Work Ethics

  • IQ Test

  • Cid and Larry King Dead

  • Gloria's Admission Speech

  • Ang Alamat ng Durian

  • Boredom Raised to the Second Power

  • Boredom Raised to the Third Power


  • (Malamang eh iyan muna ang aking mga blog habang nde pa ko yumayaman. At least tatagal yan sa loob ng siyam na araw.)

    I'm Alive

    Matagal-tagal na naman akong walang sinulat na blog ah. Busy kasi ako sa dami ng trabaho eh. Wala akong panahon para magsulat ng mga bagong nasa isip ko. Pero sa totoo lang, ang dahilan na kababanggit ko lang eh isang napakalaking kasinungalingan. Ang totoong dahilan kaya nde ako makapagblog eh dahil wala akong internet connection sa bahay (na naman). Kapag nasa labas naman ako ng bahay, nde rin ako makapag-PC sa comp shop dahil nanghihinayang ako sa pera.

    Syete! Isang buwan na kong wlang trabaho!

    Kung susumahin pala eh isang buwan na kong naghihikaos. Malayo ako sa New Jersey, pero parang tinamaan ako ni Hurricane Katrina. Sa ngayon, ang kinabubuhay ko lang eh ang pagbebenta ng used inks sa ayala, at pagtitinda ng fishball sa tapat ng PBcom. Medyo mahirap ang kita lalo na pag may huli.

    Kapag nakakramdam ako ng extreme poverty, nakakaisip ako ng nde maganda, Sa totoo lang, mraming beses ko na naisip na magbenta ng katawan sa Chikos. Naisip ko kasi na kung per kilo ang bentahan ng katawan dun, aba eh marami-rami akong mabebenta. Isang hita ko lang ang mabenta eh makakabili na siguro ko ng kahit second hand na Mazda 3. Nung isang gabi nga eh nagpunta ko duon. Nagsubmit pa ko ng resume pero hindi nila ko tinaggap. Ewan ko din kung bakit.

    Nagtataka naman ako na sa kabila ng kakapusan ko sa buhay ngayon, hindi ako pumapayat. Pagdating kasi sa pagkain, para bang nde ako kinakapos. Pag ako lang mag-isa dito sa bahay, nde ako nawawalan ng de-latang mabubuksan, butong pakwan na mapag-tritripan, saka dalanghita na mapapapak. Simple lang naman kasi akong tao. Simple lang ang mga pagkain na nakakapagpasaya sa akin. Simple lang…pero kailangan marami.

    Ito final na talaga – October 1, 2005 ang start ng bago kong adventure sa buhay. Dapat sana eh Sept. 15 start na kami, kaso may mga chuvanescence na nangyaro kaya na-delay kami. Miss ko na din ang pumasok sa opisina, at magblog ng umagang-umaga. Konting tiis na lang at matatapos na ang paghihikaos ko…I think.


    Friday, September 09, 2005

    Viper Armed

    Weirdo nitong kapitbahay namin. Bago yata ang kotse nya kaya paulit-ulit nyang pinapatunog yung alarm nya na "viper armed...viper disarmed". Nakakabuwisit na nga eh. Gusto ko ngang sigawan na - "Oo na! Alam na namin! Viperin ko mukha mo eh!". Pero nde naman kasi ako violent na tao. Kaya ang balak ko, pag nde pa cia tumigil, buhusan ko na lang ng asidong bagong kulo yung kotse nya.

    Bukas eh maraming nakaambang na trabaho. Maaga ko gigising dahil pupunta ko ng Muntinlupa. Pagtapos nun, kailangan kong umatend ng meeting. Kung pagtapos ng blog na ito eh nde na ko magblog, ibig sabihin lang nun eh na-assasinate na ko. Yung meeting kasi eh pangungunahn ng mga kalaban ko sa isang kaso. Wish ko lang eh may magpunta na nasa panig ko. Otherwise, masusubukan ang galing ko sa martial arts, na mas kilala sa tawag na marathon.

    Kung tutuusin eh meron naman akong kapangyarihan. Isang titig ko lang eh matutunaw na silang lahat. Kaso hindi ko magagamit bukas dahil hindi ko na-charge. Hindi ko din macharge ngayon dahil naiwan ko sa opisina yung charger. So good luck na lang sa akin.

    By the way, I really enjoyed the conversation I had with my students today. I will write a blog about them one of these days. That is assuming of course that I survive tomorrow's carnage.

    Wednesday, September 07, 2005

    Epilogue to the Birthday Blog

    Just finished watching "The Great Raid". Medyo disappointed ako kasi ang akala ko, ang pelikulang iyon ay tungkol sa pinakamagaling at pinakamabisa na pamatay ng ipis at iba't ibang uri ng insekto. Raid kasi eh. Pero iba pala. Tungkol pala siya sa gyera. Maganda sana ang istorya, kung napanood ko lang sana ng buo. Halos kalahati kasi ng pelikula eh ginugol ko sa paghilik. Anyway, pinapahinga ko ang mata ko ngayon. Maya-maya ay manonoood naman ako ng "Brothers Grimm". Medyo kulang pa kasi ako sa tulog eh.

    Binibilang ko kanina ang mga bumati sa akin sa araw na ito. Sa totoo lang eh medyo nagulat ako. Sa huling bilang ko kasi, simula kagabi eh 67 na tao (and counting) na ang bumati sa akin ng happy birthday. Nde ko alam sa iba, pero parang madami yatang naka-alala sa napakahalagang araw na ito. Does this mean that I am really such a nice person, who is treasured by many? O talagang marami lang tlaga akong utang?

    In any case, it seems that my plan for today is actually working. I'm really enjoying this. Free ako ngayon sa kakaikot dito sa SM. Nde ko gaano pinoproblema ang budget dahil ako lang naman mag-isa. Namumrublema lang ako kung saan ako mag-didinner mamaya. Balak ko kasi eh sa man hann. Kaso kinapos ang budget ko dahil sa buwisit na popcorn na yan. Ang mahal kasi. Sa presyo nung popcorn eh pede ng isama yung tindera! Malamang tuloy eh mag-jollibee na lang ulit ako.

    I am breathing well.

    Hindi ko alam kung bakit, pero nakakaramdam talaga akong ng unknown na kasiyahan ngyon. I really am looking forward to what lies beneath..este...ahead pala. I wish everybody could feel what I am feeling right now. Pero dahil nga ako lang ang may birthday, at dahil na rin sa pinanganak akong selfish, akin na lang muna ito. Bwahaha!

    I am happy.

    I can be happier, I know. But that is beside the point. The secret to true happiness can be summed-up to two words - lowered expectations.

    I wish everyone reading this blog (specially those who will greet me) all the happiness that this world has to offer. Sa lahat ng hindi masaya, may you conquer you loneliness. The latter is not that unconquerable....believe you me.*

    *Straight from the handsome horse's mouth.

    21, 22, 23, 24, 25, 26 (isa dyan ay ang tama kong edad)

    Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa lahat ng nakaalala sa aking birthday. Nagpapasalamat din ako sa mga hindi nakaalala na hindi nagrequest ng treat. Ako eh nandito ngyon sa SM Manila at dito ko balak mag-celebrate ng birthday. Nagtatago ako sa king mga barkada dahil sa ako ay naghihikaos ngayon. Mahirap ng makulit na magpa-inom o magpakain at baka mapilitan pa akong magbenta ng kidney.

    Merong kakaibang nangyari sa birthday ko ngayon. Kami ni papa eh nagbonding at kumain sa isang mamahaling restaurant na itago na lamang natin sa pangalang jollibee. Tapos hinatid nya pa ko dito sa SM. San ka pa?! Parang unti-unti ko ng nakakalimutan na ampon lang ako at ang tunay kong tatay eh ang hari ng ingglatera.

    Maraming nagtatanong sa akin kung ano ang balak kong gawin ngayon sa birthdy ko. Sa totoo lang, wala naman tlaga. Pero ngayon ko lang naisip na, dahil nga wala akong png-treat sa iba, treat ko na lang sarili ko. Ang gagawin ko na lng ngayon eh manonood ng sine. Tapos kakain ako sa tokyo-tokyo. Plano kong ubusin ang araw na ito ng ako lang mag-isa. Wala lang. minsan kasi eh kailangang i-date ang sarili para hindi ito magtampo. Mahirap pa naman pag ang sarili mo eh nagtampo sayo.

    Kanina eh inimbitahan ako sa isang malaking pagtitipon ng mga ekonomista. Naatasan ako na magdeliver ng speech tungkol sa birthday ko. Heto ang kopya.....

    Magandang umaga sa inyong lahat. Ako ay nandito ngayon sa harap ninyo upang purihin ang aking sarili. Dahil nga birthday ko ngayon, wala munang kokontra.

    26 na taon na kong nabubuhay. Kung merong 365 days sa isang taon, suma tutal eh 9490 days na kong kumakain, mga 400 days na kong naliligo, at 30 days na kong wlang trabaho.

    Sa tuwing sumasapit ang aking kaarawan, lagi kong iniisip kung ano ang mga nagbago sa akin cmula noong isang taon. Sa una eh parang wla akong maisip. Kasi kung tutuusin, katulad nung isang taon eh bobo pa din ko sa math, malakas pa din ako kumain, at hindi ko pa din ginagawang bisyo ang paliligo kapag nasa bahay lang ako at walang lakad.

    Umiikot ang oras mga minamahal kong tagahanga, pero walang rule na nagsasabing kailangan mong umikot kasabay nito. At hindi porke't umiinog ang mundo eh iinog ka din. Pag ginawa mo yun, natitiyak ko sa iyong mahihilo ka lang.

    May mga nagsasabi na kapag sumapit ka sa edad na ganito o ganyan eh meron ka ng mga bagay na hindi pedeng gawin. Kalokohan yun. Basta responsable ka sa lahat ng gaagwin mo sa buhay mo. Yun lang ang tatandaan mo. Kaya lahat eh kaya, at pede mong gawin (wag lang ilegal). Tulad ko. Hanggang ngayon eh natutuwa pa din akong magpadulas sa slide. Kahit pa ang sabihin ng ibang tao, magpapadulas ako. Pake kung pagsabihan nila kong immature. Yoon ba ang sukatan ng maturity? Kung yun ang sukatan nila, pwes mag-swing na lang ako.

    Tandaan nyo na ang susi sa isang maligayang buhay, ay hindi hawak ng ibang tao - ito ay hawak mo. Wag na wag mong ipapahiram ang susing iyon sa isang taong hindi marunong magbalik. Kundi eh mahihirapan ka. Kung papahiram mo man ito, wag mong kalimutang magtago ng extra copy para hindi ka magsisi kapag nawala nung nanghiram sayo.
    Hindi kailanman naging kasalanan ang pagiging masaya.

    Alam nyo, sa totoo lang eh inaantok na naman ako dahil ang aga ako ginising ni papa. Hindi ko na muna tatapusin ng speech n ito dahil wala naman itong bayad. Salamat nga pala kaibigang Goerge Bush Jr., sa pag-imbita mo sa akin dito. Happy birthday na lang sa kin.

    (thundering applause; people screaming; girls fainting; at iba pang kasinungalingan)