Wednesday, August 31, 2005

My Sassy Girl

Kakatapos ko lang panoorin ang my sassy girl. At eto na naman ako, umaandar na naman ang utak ko na tamang isip. Matagal ko ng kinumbinsi ang utak ko na tumigil na sa pagiging tamang isip palage. Pero mukhang ngayon eh hindi siya nakikinig sa akin.

Hangga't maari sana eh ayoko ng maging masyadong senti. Parang mas maganda kasi yung takbo ng ikot ng mundo pag nde ka masyadong senti sa buhay. Noong college kasi ako eh ganun ako. Maraming bagay sa buhay ko noon, lalo na pag patungkol sa pag-ibig, ang masyado kong sineseryoso. Kaya tuloy sa tingin ko eh marami akong oras na sinayang noon. Maraming oras na, imbis na ginamit ko na lang sa pagtawa, eh naubos na lang sa kakadrama. Pinangako ko sa sarili ko noon na hindi na maulit yun. Hindi na kako mangyayari na masyado kong seryosohin yang pag-ibig na yan. Fad lang kako yan na hindi ko kailangang sundin.

Pero pagtungtong ko sa law school, ganun pa din ang nangyari. Nakita ko na lang ang sarili ko sa sitwasyon na iniiwasan ko na. Maraming beses ko na namang natagpuan ang sarili ko na kinakausap ang panyo.

Paano mo ba maiiwasan ang ganun? May nabibili bang gamot para maging manhid ka na lang? Wala yata eh. Minsan aabutan ka talaga ng lungkot...minsan aabutan ka ng pag-iisa. Aabutan ka kahit gaano ka pa kabilis tumakbo.

Dont get me wrong.

Masaya ako sa buhay ko ngayon. May mga problemang dumadating, pero kahit minsan eh hindi ko naisipan na mag-quit. Dala na rin siguro ng mga naranasan ko dati, natutunan ko na lahat ng bagay eh may hangganan. Kailangan lang talaga eh maging matiyaga ka. Hindi mo kontrolada ang ibibigay sa iyo ng bukas, pero napakalaki ng kontrol mo sa kung ano ang haharapin mo ngayon. At ang ngyon ang maigiging tuntungan papunta bukas. Kaya napakahalaga na maging masaya ngayon.

Still....

May mga sandali na nag-iisip ako kung kailan ba darating yung hinihintay ko. May mga oras, katulad ngayon, na naiisip ko na parang mas masarap maging masaya kung may kasama kang tumatawa. Marami akong nararamdaman na naka-reserve lang, marami akong idea na naghihintay ng mapagsasabihan, at lalong marami akong parating na magdamag, na naghihintay ng magiging kakuwentuhan.

Madami akong kaibigan na nagsasabi na hindi na nga raw uso yung mga kagaya ko. Hindi kasi ako yung "smooth talker" na uso na daw ngayon. Hindi na daw pede ngayon yung tula ang binibigay, sa halip na mamahaling damit; kanta, imbes na neclace. Hindi na daw ako para sa panahon na ito.

Pero ayokong makiuso. Kung hindi man ako para sa panahong ito, natitiyak ko na meron pa ding kagaya ko. Meron pa din nman sigurong sasakto sa ang konsepto ko sa pagmamahal. Kung sino man siya, eto lang ang mensahe ko sa kanya...

Hindi ko alam kung sino ka. Hindi ko alam kung ano ang itsura mo. Pero natitiyak ko na sa paningin ko eh wala ng mas gaganda pa. Hindi iikot ang mundo ko sa iyo, dahil ikaw ang magiging mundo ko. Sa mga mata mo ako kukuha ng lakas tuwing pinanghihinaan ako. Sa mga paliwanag mo ako kukuha ng sagot tuwing nalilito ako. At ang tinig mo ang magpapahimbing sa kin, kahit gaano pa kagulo ang mundo sa labas. Handa akong kayanin ang hindi ko kaya, gawin ang mga bagay na hindi ko dati ginagawa, para sa iyo.

Hindi ko sigurado kung kailan, pero nandito lang naman ako...matiyagang sabay na naghahanap at naghihintay sayo.

Samantala, habang wala ka pa. Bababa muna ko. Kakain muna ko kasi may lomi daw sabi ni mama.

Five Positive + Five Negative

Katulad ng nasabi ko nga kagabi, dito lang ako sa bahay buong araw. Wala akong ibang balak gawin kundi kulitin si mama na bigyan ako ng pampanood ng sine, o kaya naman eh manood ng aquarium channel. Pede din na magchat sa MIRC at magpanggap na 18 years old pa lang ako. Kasi pag sinabi ko ang edad ko eh paniguradong wla ng mag-rereply sa akin eh.

May kahirapan din talaga ang isang tambay. Mukhang nde yata bagay sa kin ang buhay ng unemployed. Pero dont worry my mommy, sa Sept 15 eh balik na naman ako sa pagiging pulis pangkalawakan. Halos labinglimang araw na lang ang natitira at magiging misyon ko na naman ang pagtugis sa may pinakamalaking mukha na nilalang....si judy ann...este...si puma ley-ar pala.

Pansamantla, ako muna ay mag-eenjoy sa aking pagka-bum.

Dahil nga presidente ako ng asosasyon ng mga wlang trabaho dito sa Pilipinas, ako ay napag-atasan na gumawa ng list ng Five Positive and Negative Things ng pagiging unemployed. At matapos ang masusing pag-aaral, narito ang resulta....

Five Positive Things.

1. Hindi ka binibigyan ng deadline iyong boss. Ang deadline lang na hinahabol mo eh ang alas-otso 'y medya ng gabi. Kailangan na nasa bahay ka na by that time dahil simula na ng darna.

2. Pede kang magsurf, magblog, or magchat hanggang sa magdugo ang ilong mo.

3. Hindi mo kailangang gumising ng umaga. Dahil dun, nde mo na kailangang matulog ng maaga.

4. Pede mong panoorin ang lahat ng palabas sa sine hanggang sa tuluyan ka ng mabulag.

5. Mapupuntahan mo na ang lahat ng mga kaibigan mo ng nde mo na napupuntahan. Macoconfirm mo kung buhay pa sila o totoo yung balita na nabagsakan sila ng satellite.

Five Negative Things.

1. Bibigyan ka ng deadline ng nanay mo. Ibibigay nya ito sa ganitong paraan - "Kapag sa susunod na buwan eh nde ka pa nakapasok sa trabaho eh maghanap ka na ng ibang matutuluyan!" Pero naka-smile cia nyan.

2. Nde ka makapag-internet kasi wla kang pera pambili ng internet card.

3. Natutulog ka ng maaga dahil ayaw mong masermonan pagdating ng iyong ama. At gumigising ka naman ng maaga dahil binubulyawan ka na isa ka raw batugan.

4. Nde ka makapanood ng sine dahil wala ka ngang pera. Nakukuntento ka na lang sa pagtingin sa mga poster sa gilid ng sinehan na nagpapakita kung ano ang next attraction.

5. Nde mo mapuntahan ang mga kaibigan mo dahil wala kang pamasahe. Ang napupuntahan mo lang eh yung tindahan sa harap ng bahay nyo na nabibilhan mo ng cherry ball.

Tuesday, August 30, 2005

To hell with tea

Meron daw nagkakalat na ako ay mahilig sa tsaa. Isa daw akong addict sa tea. Pwes, narito ako para pasinungalingan yun. Wala akong kahilig-hilig sa tsaa!!!

Sa katunayan.....




Kung sino man ang nagkakalat ng maling impormasyon, isa lang ang masasabi ko - LIERS GO TO HELL. So I guess...kita-kitz?

Walk for No Cause

Kanina eh para akong high school ulit na sumama sa alay lakad dahil mandatory. Alay lakad talaga ang inabot ko sa haba ng binaybay ng mga paa ko. Pakiramdam ko nga eh para kong si Frodo na naglalakad sa papunta sa Mt. Doom. Ang kaibahan ko lang eh wala akong hawak na ring, at lalong wala akong kasama na Sam ang pangalan.

Eto ang tinahak kong landas...

1. Bienevidez to MRT Ayala.
2. MRT GMA to PDEA Bldg.

After two hours.....

3. PDEA Bldg. to MRT GMA.
4. MRT Ayala to Bienevidez.

After 15 minutes....

5. Bienevidez to Seattles Best, Greenbelt. (May naganap na katangahan dito eh. Natapon ko yugn iniinom kong kape kahit na halos dalawang higop pa lang ang nahihigop ko. Gusto ko nga sanang himurin yung natapon ko semento kaso baka sabihin ng mga tao cheap ako. Kaya pina-take-out ko na lang.)
6. Seattles Best, Greenbelt to Bienevidez.

At around 6:30.....

7. Bienevidez to Greenbelt Mcdo.
8. Greenbelt Mcdo to Greenbelt garden
9. Greenbelt garden to Jaca (o Jaka?) Bldg.

So nakauwi ako ngayon sa bahay ng mga 9:30 pm. Sa totoo lang eh pagod na pagod ako. Sa sobrang pagod ko eh tinamad na akong kumain. Halos nakatatlong pinggan lang ako ng kanin. Kasi nga eh ultimo pagnguya eh kinatamaran ko na.

Paghubad ko nman ng sapatos ko eh nagulat ako. Minura kasi ako ng paa ko. (Hindi ko masasabi kung ano yung mga sinabi nya kasi baka mabasa ito ng MTRCB. Baka macensor pa ako.) Basta sabi nya eh masyado ko raw siyang inabuso ngayong araw na ito. Kaya bukas daw eh hindi siya kikilos.

Ang sa akin naman eh no problem dahil wala akong lakad tom kaya nde ko kailangan ng paa. Baka buon araw na lang ako dito sa harap ng PC at magcha2t o di naman kaya eh gagawa ng blog.

Monday, August 29, 2005

When everything else fails, there's always delusion...O' Brien

Dear Cid,

Hindi ko alam kong ano ang gagawin mo pagtapos mong basahin ang sulat ko na ito. Pero nilakasan ko na lang ang loob ko. Alam ko naman kasi na hindi ka mababaw na tao. Alam kong maiintindihan mo rin ito dahil nga bukod sa magandang lalake ka na, napakatalino mo pa. Bago ko sabihin ang gusto kong sabihin, nais ko munang pasalamatan ka.

Salamat Cid sa pagturo mo sa akin sa subject ko na Calculus. Kahit na busy ka sa iyong pag-aartista, nagawa mo pa din na tulungan ako. Salamat at napasimple mo ang pagpapaliwanag sa subject na iyon. Tunay nga na isa kang henyo sa Math. Hindi ko rin makakalimutan nuong nakaraang araw na inabot mo yung payong ko na nasa itaas ng cabinet. Kung hindi siguro 6'3 ang height mo eh malamang hindi ko nadala yung payong na yun. Lastly, salamat sa pagtuturo mo sa akin ng iba't-ibang uri ng exercises. Malaking bagay sa akin na turuan ng isang katulad mong Physical Fitness Instructor ng mga Physical Fitness Instructors sa Slimmers World.

Kanina ko pa tinitingnan ang picture mo sa friendster. Tinititigan ko ang kulay asul mo na mga mata, at ang iyong hairline na parang hindi nagbabago dahil hindi tumataas. Maaaring isipin mo na obsessed na ako sa iyo. Mahirap mang aminin pero talaga yatang ganoon na..nasisira na ang ulo ko sa iyo.

Mahal na kita Cid. Alam kong pagtatawanan ako ng mga tao dahil sa sulat na ito. Sino ba naman ako kumpara sa iyo? Ikaw na isang sikat na singer, kilalang bodybuilder, at bagong miyembro ng the hunks. At napakayaman at napaka-generous mo pa. Tsaka meron ka pang laptop na bago! Eh ako?

Wala akong maipagmamalaki sa iyo dahil nga nasa iyo na ang lahat. Wala akong maipagmamalaki na kahit ano sa iyo pera na lamang sa pag-ibig ko. Wala na sigurong magmamahal sa iyo kung paano kita minamahal ngayon.

Ayoko ng pahabain pa ang sulat na ito Cid. Basta ang sa akin eh nasabi ko ang bagay na dapat kong sabihin. Sana ay wag mo kong iwasan pagkabasa mo nito. Sana ay walang magbago sa atin. Hayaan mo nga palang iwan ko sa iyo ang larawan ko na kalakip na sulat na ito...


Naaalala mo pa ba yan? Ikaw ang kumuha ng picture na yan eh. Kaya kung mapapansin mo eh kakaiba ang ngiti ko.

Nagmamahal sa iyo,

Song Hye Kyo

P.S. Marunong na nga pala kong magtagalog. Baka kasi hindi mo pa alam.

The Ordeal

Sa totoo lang, ako ang tipo ng tao na walang kahangin-hangin sa katawan. Hindi ako mapagmalaki dahil minulat ako ng aking mga magulang sa ugaling mapagkumbaba. Kung meron man akong katangian na maipagmamayabang, iyon ay ang aking humility. Sa katunayan, hindi ko pinagkakalat o pinagmamayabang na MERON NA KONG LAPTOP.

Oo, meron na kong laptop. Sa katunayan nga eh ginagawa ko ang blog na ito gamit ang AKING BAGONG-BAGONG LAPTOP. Pero hindi ko iyon pinagsasabi. Dahil nga ayokong isipin ng mga tao na porke't MERON NA KONG BAGO AT MAGANDANG LAPTOP eh nagbago na ko. Aaminin ko na hindi na ko sanay magtype sa isang desktop PC dahil nga MERON NA KONG LAPTOP, pero my lips are sealed. Hinding-hindi ko iyon ipagsasabi o ipagkakalat. Dahil kung tutuusin, hindi naman ganoon kalaking isyu ang pagkakaroon ko ng ISANG BAGO, SUPER HIGHTECH, AT WALANG KASING-GANDANG LAPTOP. Hindi ko kasi talaga naging ugali ang ganoon.

Anyway, hindi ako nakauwi sa bahay kagabi. kaya tuloy para kong isang preso ngayon dito sa bahay na hindi makalabas. Ewan ko ba. Maganda naman yung dinahilan ko kila papa kung bakit hindi ako nakauwi pero parang hindi sila naniniwala. Nakakainis nga kasi parang pinapalabas nila na sinungaling ako.

Totoo naman na kagabi eh uuwi naman talaga ko. Kaso nga, habang naglalakad ako papunta sa sakayan ng FX, may biglang malakas na ilaw na tumutok sa akin. Tapos naramdaman ko na lang na unti-unti na akong lumulutang. Nawalan ako ng malay bigla. Nung magising ako eh napapalibutan na ko ng mga maliliit na tao na may malaking mata. Kulay silver ang kanilang balat. Tinangka kong manlanban pero parang nakokontrol nila ang utak ko. At yun ang dahilan kaya hindi ako nakapagtext. Kasi nga kinokontrol nila pati ang aking mga kamay.

Sinubukan ko din naman na pakiusapan sila dahil nga kailangan ko ng umuwi. Kaso nga eh hindi ko maintindihan yung salita nila...cebuano ata yun. Nawalan ulit ako ng malay at nagising na lang sa bahay ng barkada ko, na masakit ang aking ulo.

Yan ang totoong nangyari sa akin kagabi. Ewan ko ba kung bakit ayaw paniwalaan nila papa at mama. Matapos ang ordeal ko na yun, pag-uwi ko pa dito sa bahay eh papagalitan ko. Napakasakalap talaga. Pakiramdam ko nga eh maaaring kinontrol na rin sila papa at mama ng mga alien. Kaya siguro galit na galit.

Hindi totoo na kaya ako hindi nakauwi kagabi eh dahil napadami kami ng ininom at nakatulog ako sa bahay ng barkada ko. Sus! Hindi totoo yun! Maaring pakana lang yun ng mga alien na kumidnap sa akin kagabi.

By the way, nasabi ko na ba na meron na kong bagong laptop?

Saturday, August 27, 2005

My First Blog

BWAHAHAHA!!!.....

Censya na at nde ko mapigilan ang pagtawa na para bang miyembro ng isang kulto at meron kaming bata na bagong alay. Hindi ko mapigilan ang kasiyahan na nararamdaman ko ngayon dahil nga nagawa ko na ang PC ko. Yup! Gumagana na siya at sa katunayan, kaya ko pinamagatan ito na "my first blog" ay dahil ito ang una kong blog gamit ang PC ko. Wala ng pede sumita sa akin na nasasayang ang oras ko sa trabaho dahil sa blog. Ultimo ang aking nanay ay hindi na pedeng sabihin sa akin yun. Kaya isa pang...

BWAHAHA!!!!

Dahil buo na ang aking PC, marami na ulit akong magagawang mga importanteng bagay na tiyak na makatutulog hindi lamang sa akin, kundi pati na rin sa aking pamilya, tulad na lamang ng mga sumusunod....

1. Makakapagblog na ulit ako.

2. Makakapagfriendster. (Speaking of friendster, nadedepress ako tuwing binubuksan ko yun. Wala na kasing nag-memessage sa kin..nde tulad nung kasikatan ko pa sa pinilakang tabing.

3. Makakapagbasketbol na ulit ako. (Hindi alam ng karamihan pero magaling ako sa basketball. Walang tumatalo sa akin...sa PC nga lang.)

4. Makakalimot na naman akong kumain dahil sa kakalaro.

5. Wala na akong maisip.

"Oo na! Bababa na ko." Ooppss...Sagot ko yan dahil nanggigigil na si mama. Kakausapin na daw ako sa baba kaya kailangn ko muna itong tapusin. "Eto na!!" Ooppss ulit. Hindi ito ang huli. Kaya isa pang.....

BWAHAHAHA!!!

Wednesday, August 24, 2005

Self-interview

Cid: Musta ka na?
Ako: Ok lang. Eto, pogi pa din. Nakakasawa na nga eh.
Cid: Bakit ang tagal mo yatang nde nag-blog? Sampung araw na ah!
Ako: Oo nga eh. Na-miss mo ba ko? Wala na kasi akong trabaho eh. Kaye nde na ko makapag-blog.
Cid: Ha!?! Baligtad yata. Kung kelan ka walang work eh tsaka ka naman nde makapag-blog.
Ako: Ano ka ba?! Kaya nga ako nakakapagblog eh dahil sa trabaho ko. May PC kasi ako sa opisina. Eh samantalang sa bahay, yung PC ko eh warak. Nde tuloy ako makapag-internet.
Cid: Bakit ayaw mo magblog sa computer shop?
Ako: Wala akong pera eh. Nag-iipon ako para sa nalalapit kong kasal sa February, 2058.
Cid: Ah ok. Anong ginagawa mo ngyon since wala ka ng work?
Ako: Naghihintay ng pagkalinga. Bukod dun eh nakahiga sa bahay at naghihintay na maluto na ang kanin.
Cid: Nasan ka ba ngayon?
Ako: Dito sa tapat ng SM Manila. Galing ako sa client eh. Since maaga natapos yung hearing, naisipan kong magblog muna. Mamaya naman eh parang trip kong manood ng sine. Treat ko lang sarili ko.
Cid: Uy...malapit na birthday mo ah! Ano balak?!
Ako: Tanga! Birthday natin! Wala pa kong malinaw na plano eh. Pero malamng eh ibahin ko nman. Sawa na din kasi ako sa kakapunta sa paris at sa iba pang lugar sa europa eh. Kaya baka magpunta na lang ako ng bulacan.
Cid: Maiba tayo, may girlfriend ka na ba?
Ako: Ano gusto mong sagot? Kasinungalingan o totoo?
Cid: Yung kasinungalingan siyempre.
Ako: Meron ciempre. Walo nga sila.
Cid: Naniniwala ka ba sa love at first sight?
Ako: Oo nman.
Cid: Paano mangyayari yun eh akala ko ba love is blind?
Ako: Letche.
Cid: Hindi ka ba mukhang tanga na tanong mo sagot mo?
Ako: Kesa naman magdrugs?!
Cid: Tama ka dyan. Kelan ka ulit magblog?
Ako: Hindi ko sigurado eh. Pero pag nagawa ko yung PC ko mamaya, araw-araw na ulit ako magsusulat. Meron pa nga akong draft dito eh. Pag sinipag ako tapusin ko ngyon.
Cid: Last question, kelan ka ba magstart sa bago mong trabaho?
Ako: Sa September 15. Ako daw ang papalit kay Dingdong Dantes sa Engkantada eh.
Cid: Nde ba kay Imaw?
Ako: Gago.

Monday, August 15, 2005

4th year

Ito ang una kong sulat kay yoyoy.


Ngayon sana eh balak kong sumulat ulit sa kanya. Kasi ito ang ika-apat na taon simula nuong naisipan nyang mamasyal ng pangmatagalan.

Kaso parang nde kasi ako makasulat ng maayos ngayon. Wala ako sa sarili kong opisina. Nakiki-type lang ako kaya anytime eh pede akong paalisin. Anyway, kung sino man ang makakabasa na maikling blog na ito, meron sana akong maikling kahilingan - sana bago kayo matulog ngayon, baka pedeng isama nyo sa panalangin nyo ang pinsan ko. Sana matagpuan nya ang katahimikan at kaligayahan na nde nya gaanong naramdaman dito. Alam kong hindi nyo sya kakilala. Naisip ko lang na mas malakas siguro ang dasal kapag mas marami ang humihiling. Salamat.

Friday, August 12, 2005

The Photographer

Minsan sa buhay nating ay may makikita tayong tao na puno ng talento. Pwedeng mapansin natin na ang isang bata ay magaling mag-drawing, o di naman kaya ay mahusay sa pag-arte. Anuman ang makita nating talento ng isang tao, kailngan natin itong ipaalam sa kanila. Kailangan nating i-hone ito kumbaga.

Kagabi ay may nakita kong kakaibang talento sa aking kasamahn na si arlyn. At iyon ang magiging topic ng blog na ito.

Kagabi kasi ay magkakasama kami na kumain sa jollibee at sa KFC. Tama ang basa nyo, sa Jollibee muna, at pagkatapos ay sa KFC naman. Ang pagitan ng pagkain namin na yun ay humigit kumulang tatlong minuto lamang. Dahil sa matakaw sila (at tinakot nila ko na papatayikapag nde ako kumain ulit), napilitan akong kumain ulit.

At sa KFC nga ay napag-alaman ko na meron palang natatagong talento si Arlyn. Ito ay sa larangan ng photography. Palibhasa kasi at bagong salta kami sa Maynila, at first time namin makakita ng KFC, nagkuhanan kami ng picture duon.

Nuong ako pa ang kumukuha ng pic eh wala namang kakaibang naganap. Pero ng pakiusapan ko si Arlyn na kunan ako ng solo pic, isang obra maestra ng isang bihasang photographer ang lumabas......




Ang tanong - nakita nyo ang husay ng isang expert? Napansin nyo ang focus nya sa kanyang subject? Hindi ba't merong talento siya na hindi basta-basta matatawaran ng salapi.

KUDOS TO YOU ARLYN, ANG MICHAELANGELO NG PHOTOGRAPHY.

Thursday, August 11, 2005

Tuliling

Kailangan ko ng tulong nyo!!! Help me please!!! Mahahalata nyo na na pasigaw ito dahil ang dulo ng pangungusap na ito ay may tatlong exclamation point!!!

Simula kaninang umaga, hanggang ngayon na malapit na mag-uwian eh walang ibang tugtog dito sa opisina kundi mga kanta ni frank sinatra. Isang CD ang kanina pa paulit-ulit na umiikot sa cd player ng secretary namin. Imagine nyo na lang kung ilang beses ko na narinig ang kantang my way! Ayan na naman.... OO na!!! OO na!!! You did it your way na! I get the idea!

Tip of the day: Kung may balak magpakamatay na ang gagastusin lamang eh limang piso, pumunta sa isang videoke na marami ng lasing, at pagtapos ay kantahin ang "my way" ng tatlong sunod-sunod na ulit. Ito ang modern version ng Pilipino Harakiri.

Wala akong masamang tinapay kay Frank Sinatra. In fact nakikinig ako ng mga kanta nya. Pero por dios por santos recoletos! Anumang kanta na naririnig mo ng lalagpas na sa walong oras ay nakakarindi...to the extent na nakakabaliw na.

In fact ngayon eh unti-unti na kong nag-hahallucinate...

Ayan na...kinakausap na naman ako ng tissue paper. Kailangan kong kumbinsihin ang utak ko na hindi nagsasalita ang tissue!!! Teka lang...bakit kumakanta ang diskette ko ng new york, new york?

At si Frank Sinatra! Hindi siya patay! Nandito siya sa kuwarto ko at kasama pa si Elvis. Tinatawag nila ko! Kunin ko daw ang baril ni papa at magsimulang mamaril.

HINDE! Hinde ako papatalo sayo voltage regulator, kahit pa may hawak kang samurai! Magtulong na kayo ni Frank!

ARRRGGGHHH.........

The REAL reason behind the reason

Pag may meeting sa kliyente, hindi mo maiiwasan ang tsumika muna lalo pa at naghihintay. Medyo kinatatakutan ko na ang mga ganoong tsikahan kasi alam ko na kalalabasan nun. Ganito kadalasan ang kinalalabasan ng mga usapang yun eh:

Client: May asawa na po ba kayo?
Ako: Naku wala pa po. (Nakangiti pa ko nito)
Client:Girlfriend cgurado marami ano?
Ako: Haha! Sa ngayon po eh wala din. (Titingin sa malayo at luluha)
Client: Naku eh bakit naman po ganoon?
Ako: Hindi ko din alam eh. (Ngingiti na may pagka-bitter)
Client: Hindi nga po? Totoo ba na wala?
Ako: Totoo po. (Medyo nawawala na ang ngiti ko)
Client: Siguro po eh masyado kayo pihikan.
Ako: Nde naman. (Maikli na yung sagot para pahalata ko na ayaw ko na ng topic)
Client: Eh bakit nga po wala, nde naman siguro kayo bakla? Haha! Joke lang po ha.
Ako: HAHA! Nde namn po. Maiba po ako, sa totoo lang, makukulong ka habangbuhay sa kaso mo na ito! HAHA! Joke lang.
Client: (Tatahimik)

Ok. Aaminin ko na hindi na usually umaabot sa last part yung usapan namin. Pero parang ang sarap lang sabihin.

Hmm...... kung ako ang masusunod, ganito ang magiging usapan namin -

Client: May asawa na po ba kayo?
Ako: Oo nman. Mas marami pa kesa sa asawa ni Solomon.
Client: Nde nga?
Ako: Totoo!
Client: Niloloko nyo naman ako eh. Di ba bawal sa batas natin yung ganung kadami?
Ako: Aba! Sino ba ang abogado sa atin? Pag sinabi kong pede, pede!

.....o kaya.....

Client: May gf po ba kayo?
Ako: Wala eh.
Client: Naku eh bakit naman po ganoon?
Ako: Kasi po meron akong kapangyarihan. At kapag nag-girlfriend ako, hihina ang kapangyarihan ko na yun.
Client: Nde nga?
Ako: Totoo yan. Kaya ako po ay nagsasakripisyo ngayon para lang masagip ang mga naapi?
Client: So para ka palang si darna?
Ako: Ganun na nga. Pero lalake po ako kaya tawagin nyo kong DARNO. (Sabay lunok ng bato at lipad)

...pede ding....

Client: Bakit po wala kayong girlfriend? Boyfriend siguro meron. HAHA!
Ako: Your Honor my Client pleads guilty.
Client: (Mabibigla) HA?!!
Judge: You are hereby sentenced to Reclusion Perpetua.
Client: Atty ano un?
Ako: Pag-aaralin ka daw ng libre sa perpetual, pumayag ka na.
Client: Yes your honor.
Ako: Ok yan. Padalhan mo na lang ako ng t-shirt.

In any case, can you please get off my case?
Kakasawa ng magpaliwanag kung bakit wala akong gf pa. Basta wala eh. (May sisigaw na umiiyak - akala mo lang wala! Pero meron! meron! meron!) Sa mga nagtataka kung bakit sa kabila ng ganda ng lalake at ganda ng katawan ko na ito eh ganuon ang sitwasyon.....your guess is as good as mine.

Wednesday, August 10, 2005

Women

Isa lang ang sigurado ko tungkol sa mga babae - wala akong kaalam-alam tungkol sa kanila. Kung merong subject tungkol sa babae* na requisite para makatapos ng pag-aaral, malamang eh mas pinili ko na lang ang mag-rugby sa kalsada kesa makagradweyt. Kasi sureball din naman na nde ako makakapasa duon eh. So, instead of wasting my time trying to pass a subject that is totally beyond me, mag-rugby na lang ako.

By the way, ang rugby ay isang magandang libangan. Sa kakarampot na pera eh makakatipid ka sa pagkain dahil hindi ka na gugutumin. At, ayon sa research na ginawa ng isang grupo ng Harvard Med Students, and dire-diretsong pagsinghot ng rugby ay nakakapagpaganda ng ipin. Although may chance na masira ang utak mo, at least maganda ipin mo.**

Balik na naman sa mga babae. Hindi ko maintindihan kung ako ba ang magulo o sila. Pero andami nilang mga senyales chuva na kailangang intindihin. Minsan sasabihin nila oo, pero ang ibig sabihin nila eh hindi. Minsan namn eh sasabihin na okay lang, yun pala eh hindi okay. Halimbawa:

BF: Hon, ok lang ba kung hindi muna ko makakapunta diyan sa inyo ngayon?
GF: Okay lang hon. Nainitindihan ko, malakas ang ulan eh.

Kung babasahin mo yan as is, parang malinaw naman di ba? Dyan kayo nagkakamali. Dahil pag ginamit mo na ang code ng mga babae, eto ang translation ng sinabi ng babae -

GF: Nde ok walanghiya ka! Pumunta ka dito kahit pa umulan ng bolang apoy kung talagang mahal mo ako!!! Kung hindi eh bukas na bukas din may iba na kong bf! Tamad ka leche!!!

Narito pa ang ilang mga halimbawa ng mga sinasabi ng babae, at ang actual translation nuon:

BF: Hon, nde muna kita masusundo ha. Medyo masama pakiramdam ko eh.
GF: Ok lang hon. Pahinga ka ha.
(Translation: Hindi mo ko susunduin? Hayup ka! Hindi ka naman comatose ah?! Batugan ka kasi! SUNDUIN MO KO NGAYON DIN!)

BF: Hon, wag na lang yang pelikula ni piolo panooorin natin, Star Wars na lang.
GF: Ok lang sa akin. Basta gusto mo.
(Translation: Subukan mo lang na bumili ng tiket dyan sa Star Wars at lalayasan kita! Magsama kayo ni Yoda! Magsasama kami ni Piolo!!!)

BF: Hon, ano gusto mong regalo sa anniversary natin?
GF: Kahit ano lang hon. Ang mahalaga magkasama tayo.
(Translation: Subukan mong wag magregalo at ipapalit ko sayo ung manliligaw kong may pera! Ibigay mo sa akin lahat ng ginto at dyamante sa mundo!!! BWAHAHAHA!)

Kitams? Di ba nakakalito?

Anyway, kapag may gusto akong babae eh nde ako makapagsalita as in. May nagsasabi na be yourself chuva pero imposible talagang mangyari yun sa akin eh. Kasi, kapag nagiging totoo ako duon sa babae na gusto ko, hindi nila ako nagugustuhan. WHOA! Nakakagimbal talaga!

Ganito ang kadalasang nagiging usapan kapag kaharap ko ang babae na gusto ko:

Situation 1:

Babaeng gusto ko: Hi Cid!
Ako: (Tatakbo)

Situation 2:

Babaeng gusto ko: Hi Cid!
Ako: Ahhh.. Bale..... Ummmm.... Hi
Babaeng gusto ko: Musta na?
Ako: Ahhh.. Bale.... Ummm. Ok lang. Ikaw? (Garalgal yan)
Babaeng gusto ko: Ok lang din. Para saan itong mga bulaklak?
Ako: Ahh... Bale.... Ummm Wala lang. (Sabay takbo!)

Situation 3:

Babaeng gusto ko: Hi Cid
Ako: (Mawawalan ng malay)

Ang ganda di ba? Pero kung may naiintidihan sana ako sa babae, nde sana ganyan ang kalalabasan. Siguor eh naging smooth talker ako. Kaya sana talga eh totoo yung pelikula na hitch. Malamang eh binenta ko ang lahat ng mabebenta ko para lang ma-hire siya.

So kung sinuman sa inyo ang makakapagpaliwang kung paano ba magsalita sa harap ng babae ng madali kang maintindihan, bigyan ako ng payo at ibibigay ko sa inyo ang lahat ng mamanahin ko.***

*Pede nating tawaging Women 101wh

**Nde ito totoo, alam ko. Pero ganda isulat eh.

***Kung susumahin, ang mana na ito ay humigit kumulang, minus the liabilities, three hundred pesos.

Isang bukas na liham

Dear Kanin,

Ito ang sulat na matagal ko na dapat ginawa, pero wala lang akong lakas ng loob na simulan. Hindi dahil duwag ako, kundi dahil ayokong masaktan ka. Kung meron akong huling bagay na gagawin, yun ay ang saktan ka. Napakahalaga mo para sa akin kanin. Pero talagang may mga pagkakataon lang na ang mga bagay na mahalaga sa atin ay kailangan nating bitawan. At sa tingin ko, ang pagkakataon na iyon ay dumating na.

Hindi ko alam kung kailan kita unang nakilala. Pero siyempre bago ikaw, nandyan si Promil, este si AM* pala dahil wala pang Promil nuon. Pero iba ang naging chemistry nating dalawa. As in nag-click tayo!

Kahit na sinasabihan ako nila mama at papa na tatlong beses lang tyo dapat nagkikita sa isang araw, parang kulang na kulang yun para sa akin. Kaya madalas ang mga pagkakataon na halos limang beses, o higit pa, tyong nagkikita. Minsan pa nga, kapag nagigising ako sa madaling araw, eh hinahanap pa kita. Siguro nga ay masasabing na-obsessed na ako sa iyo. At sa tingin ko eh ganun ka din nman sa akin dahil nandyan ka lagi tuwing hinahanap kita.

Pero ngayon eh kailangan muna nating maghiwalay.

Kahapon eh tumingin ako sa salamin at ako ay nagimbal sa sumambulat sa aking paningin. Nagtaka ako kung bakit parang meron akong beke sa aking pisngi. Nagpatingin kay Dr. No, isang espesyalista sa beke, at sinabi nya sa akin na wala naman daw akong beke. Ang diagnosis nya eh tumataba lang daw ako dahil sa kakasama ko sa iyo. In fact, ng ako ay magpatimbang, nalaman ko na bumigat ako. Sa sobrang bigat ko ngayon, pag sumakabilang buhay ako, baka mahirapan akong makapuntang langit dahil mahihirapan akong lumutang paakyat.

Ayaw kitang sisihin sa pangyayaring iyon. Alam ko na dalawa tayong may kasalanan dito. Pero kesa pareho tayong mas lalo pang masaktan, ako na lang mismo ang lalayo. Ako na lang ang magtitiis para sa ating dalawa.

Maraming beses na tayong nagtangkang maghiwalay alam ko, pero iba na ngayon tlaga. Kaya nakikiusap ako na tulungan mo din ako. Wag mo na sana akong tuksuhin, please. Wag ka ng magparamdam lalo na sa tokyo-tokyo.

Lumuluha ako habang sinusulat ko ito. At sa totoo lang, parang nakikita kitang lumuluha sa loob ng rice cooker. Pero, inuulit ko, kailangan kong gawin ito. Hindi dahil sa nde na kita gusto, kundi dahil may mga sakripisyo akong dapat gawin kung gusto ko pang tumagal ng hanggang trenta anyos.

Wag kang mag-alala, nde ito habang-buhay. Hindi ito ang walang hanggang paalam ni joey ayala. Samantala, paalam.

Nagmamahal,

Cidie

*Ang "AM" ay isang masustansyang tubig na nakukuha sa sinaing. Ito ang pinapainom ng mga magulang sa anak nila na gusto nilang lasunin ng nde gaanong obvious.

Tuesday, August 09, 2005

Nakaraang Sama ng Loob

Medyo masama ang loob ko kay mama. Actually nuong nakaraang araw pa ito pero nde ko na pinost dahil nga birthday nya nung linggo at ayaw kong sumama ang loob nya.

Feeling ko kasi eh nagagalit siya ng walang batayan o kahit katiting man lang na dahilan. Ang aga-aga eh bigla akong pagsasabihan na ayusin ko naman daw ang kuwarto ko! Ok lang sana kung magulo tlaga eh. Kaso nde naman. Tama nga yata ang hinala ko na ampon lang ako. Ako yata yung tipo na nasa telenovela na inaapi ng nakagisnang magulang, palibhasa at ang totoong mga magulang ko eh mga hari o di naman kaya ay mga hasyendero.

Ako kasi eh ayoko ng napagbibintangan ako. Ayoko ng sinasabihan ako ng mga bagay na walang katotohanan. Kaya ganoon na lamang ang galit ko kapag napagsasabihan akong panget oh mataba. Kasi wla namn talagang katotohanan.

Anyway, balik sa kay mama. Sinabi nga ni mama na magulo daw ako sa gamit. NAPAKASAKIT MARINIG NUON!!! Sa totoo lang, sa sobrang organized ko nga sa gamit ko eh minsan napagsasabihan na akong "Obsessive Compulsive". Kahit anong alipusta ng mga kaibigan ko eh anong magagawa ko?! Eh sa talagang nde ko makontrol ang pagnanais ko na maging maayos lahat ng gamit ko eh?!

Baka sabihin nyo naman na puro dakdak lang ako. Pwes, ito ang katunayan kung gaano ako ka-organized sa gamit.....


At eto pa......



O di ba ang ayos-ayos? Cguro ngayon eh maaiintindihan nyo na kung bakit masama ang loob ko at napagsabihan akong mgulo daw mga gamit ko. Walang basehan di ba? Nakakalungkot talaga.


Monday, August 08, 2005

MRT at ang Ulan

Kaninang umaga eh kinailangan ko na namang sumakay ng MRT dahil pupunta ko ng Banawe. Kelangang ko kasing umattend ng mediation* dun. Kung ako kasi ang papipiliin, iiwasan ko ang pagsakay sa MRT. Hindi dahil nag-iinarte ako. Kundi dahil tanga lang talaga ako sa mga istasyon dun. As in hanggang ngayon eh nde ko pa din kabisado ang pagkakasunod-sunod ng mga istasyon sa MRT. Buti pa sa LRT eh kabisado ko.

Kaya nga ilang beses na na-reject ang tiket na nabibibili ko eh. Paano madalas eh lumalagpas ako sa istasyon na babaaan ko. Kung hindi naman reject, tanggap nga pero kaya pala natanggap eh dahil malayo pa yung bababaan ko. Pag ganoong sitwasyon pa namn eh masyado akong ma-pride. Kaya ang gagawin ko na lang eh tuluyan ng bababa at palihim na aakyat ulit para bumili ng panibagong tiket.

Paano kasi sobrang tipid ng mga signboards dun eh. Ano ba namang punuin nila ng sign yung kada isang istasyon. At least nde nagkukumahog basahin yung kakarampot na signboard, ng mga pasaherong medyo mababa ang IQ (pero mataas ang EQ at pogi pa). Tsk. Tsk. Ibang-iba talaga sa amin sa France.

Minsan naman eh tinatamad yung mga driver ng tren. Hindi talaga nag-aanounce kung anong istasyon na. Minsan naman eh nag-aanounce nga, pero nde ko nman naiinitindihan sinasabi nya. Ang naririnig ko lang:

"tssshhhkk..station. tssshhhkk....station.**"

Anyway, kanina eh tumama naman ako ng binabaan. Sakto lang na quezon avenue na nung maisipan kong magtanong sa katabi ko kung nasaang lupalop na ko. Nuong pabalik na eh wala namang naging problema kasi mas kabisado ko na ang MRT pag pabalik na. Hindi ko maintindihan nga kung bakit ganoon eh. Basta pag pabalik eh nadadalian ako sa MRT. Siguro dahil nga pag pabalik na ko eh binabaligtad ko na ang damit ko para sureball.

Maiba ko ulit.

Parang ilang araw ko na yata hindi nakikita ang araw ngayon. Kung tama ang pagkaka-alala ko, simula pa nuong biyernes eh ulan na ng ulan. Huli kong nakita ang araw eh nuong thursday pa. Nde ko lang sure kung umaga ko siya nakita o gabi na.

Sa akin eh wla namang problema kahit umuulan. Nde naman kasi kalakasan eh. Tsaka nakakadagdag siya sa kasarapan ng pagtulog ko. Kaso kapag forty days ng ganito eh mukhang dapat na yata tayong kabahan. Binibilang ko eh wla pa namang forty. Medyo tatantyahin ko na lang. Kapag 25 days na, sasakay na ko sa ARKO assuming na nde pa yun sarado. Kung sarado na, magpapanggap na lang akong hayup. Problema ko na lang eh kapares para papasukin. Kaya kung sino man sa inyo ang gustong masagip...lam nyo na ang paraan. Kontakin nyo na lang ako.

*Para sa mga nde nakakaalam kung ano ang ibig sabihin ng mediation, ito ay ang legal term which means - "opening ng isang bagong parlor".

**Nde ko alam kung saan yung "tssshhhkk" na istasyon kaya nde ako bumababa eh

Friday, August 05, 2005

A Public Service

Sa tingin ko, ang blog ay hindi lamang paraan para i-sulat ang mga naiisip (o nde naiisip) ng isang blogger. The power of online information dissemination is in our hands. Therefore, this post is an attempt to do my part. Hoping that this will convince others to do the same.

Medyo delikado ang buhay ko dahil sa post na ito. Hindi biro ang pader na babanggain ko. Pero sa tingin ko, bilang Pilipino, kailangan kong gawin ito para matiyak na makakamit ng Bayan natin ang hustisya na matagl na nating hinahanap.

ALAM KO KUNG NASAAN SI COMMISSIONER GARCI!

Hinahanap na siya ng Kongreso dahil siya lang ang makakapagbigay linaw sa kaguluhan dito sa ating bansa. Siya lang ang tunay na makakapagsabi kung nagkaroon ng pandaraya sa nakaraang eleksyon. At siya lang ang makakapagpa-ayos sa pulitika natin.

Maaaring hindi kayo maniwala sa sinasabi ko. Maaring ikumpara nyo lang ako sa mga witnesses sa senate "legislative inquiries"*. Worse, baka ikumpara nyo pa ko sa isa sa ating mga senador. Pero sana ay pakinggan nyo ang aking sasabihin.

Marahil ay marami ang nagtataka kung bakit nde pa din nakikita si Garci. Marami siguro ang nag-iisip na malamang ay wala na siya sa bansa natin. Pero maling-mali kayo. Nandito pa din siya sa Pilipinas. At ang dahilan kung kaya't nahihirapan ang mga awtoridad na hanapin siya ay dahil... nagpa-plastic surgery siya. Napakalayo na ng itsura nya ngayon.

Kaibigan ko ang nag-perform ng surgery kaya alam ko ito. At nilasing ko ang aking kaibigan para lang makuha ang bagong larawan ni garci.

Click nyo ito para makita nyo ang bagong mukha ni Garci. Isinaalang-alang ko ang aking buhay para maitakas ang larawang iyan. Kung may mangyari sa akin na nde kanais-nais, sana ya tulungan nyo ang aking mga mahal sa buhay.

SAMABAYANANG PILIPINO, sa oras na makita nyo siya...bigyan agad natin ng pera pangpa-straight.

*sa mga nde nakaka-alam ang legislative inquiries ay isang proseso kung saan ang mga senador ay nabibigyan ng pagkakataong maging parte ng isang telenovela. ito rin ay paraan upang mapag-usapang sila ng mga Pilipino, kahit wala naman silang breast exposure sa tv.

Ang Biglaang Blog

Ang talagang plano ko eh magsulat ng blog ngayon tungkol sa lakad ko kahapon. Madami kasi akong pinuntahan kaya naisip kong piktyuran lahat ng dadaanan ko. Nasira nga lang ang plano ko dahil sa bwiset na internet connection dito. Kung itutuloy ko ang pag-upload ng mga pics, baka baog na ako bago pa man matapos.

Paano ko ba ma-iilustrate ang connection nmin dito sa office? Parang ang hirap eh. Basta sobrang bagal. Sa sobrang bagal nya eh mas nauuna pa yata ang pagdating ng mga sulat na pinadala ko via post office, kesa sa mga emails na pinadadala ko. Sa katunayan, kanina lang eh nakatanggap ako ng email galing dito sa office, na nagsasabing tanggap na daw ako. HA?!*

Gusto ko nga sanang i-convince ang mga bosing dito na magpa-DSL na. Hindi na kako uso ang Dial-up sa office setting. Jologz na kako yun. At isa lang naman ang reaction/tnong nila - "Ano yung jologz?" Mahirap ipaliwanag ang term na yun kaya ang ginawa ko na lang eh kumuha ng salamin at pinaharap sila dun. Pagtapos nun eh getz na nila. **

Ito ang hirap pag masyado ng matanda ang employer. Dito kasi sa office eh talagang matanda na ang majority ng mga partners. In fact, ung isa kong boss dito eh nagkuwento na ang paborito nya raw na alaga eh yung batang brontosaurus. Ung isa naman eh bestfriend ni Rizal. At karamihan sa kanila ay abacus pa din ang ginagamit.

Nde na tuloy nila naiintindihan ang kahalagahan ng magandang internet connection sa work -

1. Mas madali mag-friendster.
2. Mas mabilis ang sagot sa chat.
3. Mas Masarap mag-upload ng pic sa blog.
4. Etch..etch....

To digress.

Kahapon, after ng aking hearing sa Las PiƱas eh dumiretso na ko sa work at tinapos na lahat ng deadlines ko. Well yun sana ang plano ko. Kaso, naiba eh. Naisip ko na imbes na bumalik ako sa opisina, parang mas makakabuti sa opisina kung tutuloy na lang ako sa Southmall at manonood ng Sine. At dahil mas mahalaga sa akin ang kalagayan ng opisina kesa sa sarili kong kaligayahan, kahit ayaw ko eh napilitan akong manood na lang.

Dpat sana eh Fantastic Four ang panonoorin ko. Kaso eh masyado na ko gagabihin kung yun. 6:50 pa kasi ang start. Kaya Charlie and the Chocolate Factory na lang.

Nde ko gano nagustuhan yung pelikula eh. In fact, may part dun na nakatulog ako. Nagising lang ako kasi yung bata sa likod ko eh sinisipa yung upuan ko. Gusto ko nga sanang patulan at sipain din eh. Kaso napansin ko na malaki pala yung kasama nya kaya naging pasensiyoso kong tao.

Anyway, eto ang naging epekto ng panonood ko ng pelikulan yun...***


*Exaggerated na ito o pero wala na kong masabi eh.
**Well yun ang gusto ko sana gawi kaso baka nde ako makakuha ng backpay eh.
***Wish ko lang eh meron pa ngayon pag-uwi ko. Wag sana kong maunahan ng mga pac-man.

Wednesday, August 03, 2005

Dowa and Ryan

Kagabi eh na-meet ko ulit sila Dowa and Ryan. Si Dowa ang aking official instructor/inducer sa blogging phenomenon. Si Ryan naman ay ang unang nag-introduce sa akin sa computer industry. Siya ang nag-assemble ng aking PC, at takbuhan ko tuwing may nangyayaring kakaiba sa aking computer. Bestman* ako nug kasal nila.

Narito ang kanilang mga larawan.


At dahil blog ko ito, siyempre hindi ako papayag na wala ako sa picture. Ang susunod na larawan ay mas magandang version ng nauna, dahil kasama na ako.


Si Dowa ay una kong naging kaklase nuong 2nd sem ng 1st year ko sa kolehiyo. Hindi ko na sasabihin kung anong taon yun dahil mahahalata na isa pa rin akong minor na hindi pedeng pumasok sa mga R-18 na pelikula. Aksidentelly, na-meet ko rin si Ryan nung 2nd sem ng 1st year ko din. Pero sa law na yun.

I cannot help but smile everytime I see Ryan and Dowa together. They are the living proof that love is more, and in fact better, than the kind of love that they are trying to show us on TV. Kung gagawing telenovela ang istorya ng dalawang ito, ano ang panama ng mga koreanovela na yan?! If there are those who are in doubt if there is such a thing as "destined-to-be", all they have to do is to look at Ryan and Dowa - then they will know that there is such a thing.

Dowa has been my friend for several years now. I've seen her through her struggles. I've seen her through her pains. If I am to write here what I know about her, she might kill me**. So, I'll just say that I am really happy to see her happy. Now I can say with all certainty that she has triumphed and emerged as a woman whose substance is beyond question. Her type is a rarity nowadays. I'm glad and thankful that I have her as a friend.***

After seeing Dowa and Ryan last night, meron na naman akong nabuong realization, to wit - Friends are a lot like stars, you do not get to see them everytime you want or need to, but there is an untellable comfort knowing that they are there.

*or worseman? hehe.

**tsaka madami din siyang alam sa akin eh. baka gumanti.

***
nde katulad nung college, this time eh nde ko sinasabi ito dahil ako ay mangugutang.

Tuesday, August 02, 2005

An Attempt to Photoblog

Nasa lahi na namin ang malaki ang puyo. Dahil dyan eh napagkakamalan minsan si Papa na panot, at ako naman ay napagbibintangang napapanot. Pero walang katotohanan ang mga iyon. Puro lang yun mga kuru-kuru.

In any case, may natuklasan kami ni papa na gamot para sa mga malalaki ang puyo sa ulo. ito ay ang "mane and tail". Ito ay shampoo ng kabayo na pede sa tao.

Isang paglilinaw.

Upang mas maging effective ang nasabing gamot, wag itong gamitin na parang shampoo. Mas maganda kung ito ay ipapalaman sa tinapay sa umaga. Kung ayaw sa ganitong paraan, pede din na uminom ng isang baso nito bago matulog sa gabi.

Within one week, manunumbalik ang sigla ng buhok. Narito ang katunayan.....



Effective di ba? Ang "mane and tail" ay mabibili sa mga sari-sari stores nationwide. Pero mas maganda kung bibili kayo ng direkta sa karerahan o dili kaya ay sa pinakamalapit nyong kilalang kutsero.



There is more to life than flying

Isa na siguro ito sa pinakamalungkot na blog ko sa buong kasaysayan* ng blog ko.

Kagabi eh sobrang lakas ng ulan. Hihintayin ko sana na tumila muna bago ko umuwi kaso nagmamadali na ako dahil wala ng makain sa office at gutom na ko. Wala akong kamalay-malay na pag-uwi ko pala eh sasalubong sa akin ang isang balita na habang-buhay na magpapabago ng inog ng aking mundo. Hindi ko alam na ang ulan pala eh simbolo ng pagluha ng langit.

Pagdating sa bahay eh nomal lang naman. Naghanap ako ng ulam pero wala na raw natira. Pinakain na daw kasi sa aso. Tama ba yun? Unahin ba naman ang aso kesa sa sariling anak? Pero ibang istorya un. Tsaka na yun at balik tayo sa malungkot na blog na ito.

Dahil nga walng makain, naisipan ko na lang na manood ng TV. Channel 7 ang bumungad sa akin at, sabay sa paglabas ng mga larawan sa screen, ay ang pagpatak ng aking luha...

Patay na si Darna.

OO mga kaibigan. Hndi ako madalas manood ng Darna pero parang nalapnos ang kada isang ugat ng aking puso ng makita ko si Darna na nakahiga at wala ng buhay. At siya ay nababalot ng watawat ng Pilipinas.

Pero ang kalungkutan ay napalitan ng ngitngit ng aking makita ang sumunod na tagpo.

Bakit ganun ang funeral ni darna? Binilang ko ang mga dumalo at natitiyak kong hindi sila tataas sa kinse!** Nasaan ang milyon-milyong Pilipino na dapat ay nandun?! Nasaan ang libo-libong taong natulungan ni Darna, simula nuong siya ay palabas pa lamang sa sine, hanggang sa siya ay tuluyan ng maging palabas sa TV? At bakit wala akong nakikitang lumuluha? BKIT??!!***

Wala ba tlagang utang na loob ang mga Pilipino? Aba eh nde hamak na mas marami pa ang umatend nung nilibing ang sikat na kubrador ng jueteng sa amin eh! And to think na nde nakakalipad yung kubrador na yun! (Pero aminado ako na para siyang si Flash tumakbo pag may pulis)

Napakasakit tlaga. Namatay si Darna ng nde ko man lang siya nagiging girlfriend.

*Nung April ako nag-start ng blog kaya humigit kumulang apat na buwan na ang nasabing kasaysayan.

**Sa aking pagtatanong, nalaman ko na ang nilaon na budget para sa nasabing funeral eh six hundres pesos. Kaya ang nakuhang extra eh anim na solvent boys at pitong basurero.

***Ganun yata tlaga kapag nde artista ang taong nilagay mo para gumanap na artista.

Monday, August 01, 2005

Fatten your Seatbelts!

Nagdesisyon na ako at wala na talagang makakapigil dito - magsisimula n ako sa aking dyeta. Sa mga sumusunod na araw eh wala akong ibang kakainin kundi tuna at wheat bread lang. Seryoso na ko! Bukas na bukas, pagkatapos kong kumain sa eat all you can mamayang gabi, ay simula na ng aking pagbabagong buhay.

Lumala na naman kasi ang aking eating habit. At walang may ibang kasalanan nito kundi ang miso soup ng Tokyo-tokyo. Binabalaan ko ang lahat. Merong mahika ang nasabing soup kaya, sa di malamang kadahilanan eh nagagawa kong kumain ng apat na rice at anim na California maki kapag nahihigop ang nasabing mala-engkantong sabaw.

Kapag nde ako nag-ayos nito eh magiging super bloated na naman ako, Tapos masasabihan na rin ako na para kong nalunod. Baka makasaksak lang ako pag dumating pa sa ganun.

Kung bakit naman kasi nalaos ang pagiging mataba eh.

Nuong panahon ko eh nde uso ung mga abs-abs o muscle na yan. Sa katunayan, dati eh mas sikat si ike lozada kesa kay marc nelson. Ang mundo talaga ay paiba-iba ng fad. Kung hihintayin ko naman an mauso ulit “kame”, baka pitumpu’t anim na taong gulang na ko eh single pa din ako.

Sana talaga baligtarin ang mundo.

Sana kung malakas ka kumain ng kanin eh mas nadedevelop ang abs mo; mas gumaganda ang katawan kapag lagi lang nakahiga at nanonood ng TV; yung mga gulay at isda ang malakas sa kolesterol; ang taba ng baka at baboy ay masustansya;

Samantala, habang nde pa baligtad ang mundo, naghanda ako ng diet plan na tiyak na makakapagpayat sa sinumang susunod nito. Bale 3 week lang ito pero tiyak na mababawasan ka ng timbang (at least 50 Kilos ang garantisadong mawawala. Kaya kung less than 50 kilos ka, nde pede sau ito dahil bigla ka na lang maglalaho.) Ito ay panlaban ko sa “South Beach Diet”. Ito ang tinatawag kong “Son of a Beach Diet”.

1st week


Breakfast – Dalawang tasang graba

Isang basong gasolina (unleaded)

Lunch – ¼ na pakong bakya

Kalahating kutsarita ng tiki-tiki for baby

Dinner - Kalahating kilong Dos por dos

Dalawang basong 2T (Delo)


2nd Week


Breakfast - Anim na pirasong alatiris

Isang Coke "Sakto"

Lunch - Siyam na kuliglig

Kalahating basong kanal

Dinner - Isang platong aspalto

Isang kutsarang rugby


3rd Week

Wag kumain ng kahit ano.