Wednesday, August 10, 2005

Isang bukas na liham

Dear Kanin,

Ito ang sulat na matagal ko na dapat ginawa, pero wala lang akong lakas ng loob na simulan. Hindi dahil duwag ako, kundi dahil ayokong masaktan ka. Kung meron akong huling bagay na gagawin, yun ay ang saktan ka. Napakahalaga mo para sa akin kanin. Pero talagang may mga pagkakataon lang na ang mga bagay na mahalaga sa atin ay kailangan nating bitawan. At sa tingin ko, ang pagkakataon na iyon ay dumating na.

Hindi ko alam kung kailan kita unang nakilala. Pero siyempre bago ikaw, nandyan si Promil, este si AM* pala dahil wala pang Promil nuon. Pero iba ang naging chemistry nating dalawa. As in nag-click tayo!

Kahit na sinasabihan ako nila mama at papa na tatlong beses lang tyo dapat nagkikita sa isang araw, parang kulang na kulang yun para sa akin. Kaya madalas ang mga pagkakataon na halos limang beses, o higit pa, tyong nagkikita. Minsan pa nga, kapag nagigising ako sa madaling araw, eh hinahanap pa kita. Siguro nga ay masasabing na-obsessed na ako sa iyo. At sa tingin ko eh ganun ka din nman sa akin dahil nandyan ka lagi tuwing hinahanap kita.

Pero ngayon eh kailangan muna nating maghiwalay.

Kahapon eh tumingin ako sa salamin at ako ay nagimbal sa sumambulat sa aking paningin. Nagtaka ako kung bakit parang meron akong beke sa aking pisngi. Nagpatingin kay Dr. No, isang espesyalista sa beke, at sinabi nya sa akin na wala naman daw akong beke. Ang diagnosis nya eh tumataba lang daw ako dahil sa kakasama ko sa iyo. In fact, ng ako ay magpatimbang, nalaman ko na bumigat ako. Sa sobrang bigat ko ngayon, pag sumakabilang buhay ako, baka mahirapan akong makapuntang langit dahil mahihirapan akong lumutang paakyat.

Ayaw kitang sisihin sa pangyayaring iyon. Alam ko na dalawa tayong may kasalanan dito. Pero kesa pareho tayong mas lalo pang masaktan, ako na lang mismo ang lalayo. Ako na lang ang magtitiis para sa ating dalawa.

Maraming beses na tayong nagtangkang maghiwalay alam ko, pero iba na ngayon tlaga. Kaya nakikiusap ako na tulungan mo din ako. Wag mo na sana akong tuksuhin, please. Wag ka ng magparamdam lalo na sa tokyo-tokyo.

Lumuluha ako habang sinusulat ko ito. At sa totoo lang, parang nakikita kitang lumuluha sa loob ng rice cooker. Pero, inuulit ko, kailangan kong gawin ito. Hindi dahil sa nde na kita gusto, kundi dahil may mga sakripisyo akong dapat gawin kung gusto ko pang tumagal ng hanggang trenta anyos.

Wag kang mag-alala, nde ito habang-buhay. Hindi ito ang walang hanggang paalam ni joey ayala. Samantala, paalam.

Nagmamahal,

Cidie

*Ang "AM" ay isang masustansyang tubig na nakukuha sa sinaing. Ito ang pinapainom ng mga magulang sa anak nila na gusto nilang lasunin ng nde gaanong obvious.

9 comments:

Anonymous said...

Ang alam ko sa AM eh antonyms ng PM, sa palagay ko eh nde uubra ang mga plano mo tungkol sa pinakamamahal mong kanin, ang totoo eh bagay naman kau, d best cguro kung ang tokyo tokyo ang hiwalayan mo, nakatipid ka pa!In fairview, bagay sau ang mataba, mas cute ka kesa sa mukhang adik sa kanin. Tingin ko rin eh may Promil na nun, kaya nga special ka eh.

Anonymous said...

walang pagkakakilanlan, sa palagay ko ndi kakayanin ni tasyo na layuan ang kanin, khit sunugin p lahat ng tokyo tokyo sa mundo, walang mkpaghihiwalay sa knila. tungkol sa AM vs Promil, sa plagay ko nga, nk-inom c tasyo ng Promil nung nasa kaharian p sya, pero nung inalipusta at pinagtangkaan n ang buhay nya sa mga nag-ampon sa kanya, nun lang sya nk-inom ng AM. gnun cguro ang senaryo.
tasyo, may AM k p b? :)

Tasyong Hindi Gaanong Pilosopo said...

para sa ikalilinaw ng lahat, kaya kong maalis ang pag-ibig ko sa kanin. watch lang kayo. nde mgtatagal at mpupuno n nman ako ng abs. tsaka wla na akong AM. ayun sa huling survey, nde na daw un uso. :)

Anonymous said...

silent_storm19, close ba kau ni tasyo, malamang eh mag-kaklase kau sa tokyo tokyo?

Anonymous said...

walang pagkakakilanlan: ndi ako kumakain sa tokyo-tokyo, hanggang sa turo-turong tindahan lang ni Aling Diday..msrap pagkain dun, kpag ndi naubos ang pritong isda ngayon, cgurado bukas ay sahog un s munggo o kaya'y sarsiado.. ang kaning lamig, ginagawang goto.
:)

Anonymous said...

tasyo...naniniwala ako na kaya mong maalis ang pag-ibig mo sa kanin .... un nga lang, medyo duda ako dun sa mapupuno ka na naman ng abs. hephep ... lam ko na kung ano reply mo dito "o ye of little faith". hehehe

Anonymous said...

silent_storm19 - pasensya na, akala ko close kau ni Tasyo, inassume ko lang na pareho kaung coño, ulit pasensya na po.

Anonymous said...

walang pagkakakilanlan: NYEK. :) la problema dun.

tasyo: kylan nmin mlalaman ang result? :)

Tasyong Hindi Gaanong Pilosopo said...

sa lalong napakadaling panahon.