Tuesday, August 09, 2005

Nakaraang Sama ng Loob

Medyo masama ang loob ko kay mama. Actually nuong nakaraang araw pa ito pero nde ko na pinost dahil nga birthday nya nung linggo at ayaw kong sumama ang loob nya.

Feeling ko kasi eh nagagalit siya ng walang batayan o kahit katiting man lang na dahilan. Ang aga-aga eh bigla akong pagsasabihan na ayusin ko naman daw ang kuwarto ko! Ok lang sana kung magulo tlaga eh. Kaso nde naman. Tama nga yata ang hinala ko na ampon lang ako. Ako yata yung tipo na nasa telenovela na inaapi ng nakagisnang magulang, palibhasa at ang totoong mga magulang ko eh mga hari o di naman kaya ay mga hasyendero.

Ako kasi eh ayoko ng napagbibintangan ako. Ayoko ng sinasabihan ako ng mga bagay na walang katotohanan. Kaya ganoon na lamang ang galit ko kapag napagsasabihan akong panget oh mataba. Kasi wla namn talagang katotohanan.

Anyway, balik sa kay mama. Sinabi nga ni mama na magulo daw ako sa gamit. NAPAKASAKIT MARINIG NUON!!! Sa totoo lang, sa sobrang organized ko nga sa gamit ko eh minsan napagsasabihan na akong "Obsessive Compulsive". Kahit anong alipusta ng mga kaibigan ko eh anong magagawa ko?! Eh sa talagang nde ko makontrol ang pagnanais ko na maging maayos lahat ng gamit ko eh?!

Baka sabihin nyo naman na puro dakdak lang ako. Pwes, ito ang katunayan kung gaano ako ka-organized sa gamit.....


At eto pa......



O di ba ang ayos-ayos? Cguro ngayon eh maaiintindihan nyo na kung bakit masama ang loob ko at napagsabihan akong mgulo daw mga gamit ko. Walang basehan di ba? Nakakalungkot talaga.


5 comments:

Anonymous said...

nkk-awa k naman, mbuti at hindi k naglalayas... pagpsensyahan mo na mama mo. 'yaan mo, naniniwala naman akong WALANG KATOTOHANAN ang mga cnabi ng mama mo. at cgurado ko na lahat kmi ay naniniwala sayo. :) mabuhay ka.

Tasyong Hindi Gaanong Pilosopo said...

salamat tahimik na bagyo. ang mga katulad mo ang siyang pinagkukuhanan ko ng lakas sa mga ganitong pagkakataon. salamat at naiintindihan mo ako.

Anonymous said...

Wala kang puso!!!!! Un lang ang masasabi ko sau, bagamat naging mabuti kang kaibigan eh wala ka namang utang na loob na anak, sayang bawiin ka na sana ng mga tunay na magulang mo, prinsipe ka nga pala.

Tasyong Hindi Gaanong Pilosopo said...

dear anonymous, ano ang exact tagalog translation ng anonymous?

Anonymous said...

Walang pagkakakilanlan - un ang anonymous!