Sa totoo lang, ako ang tipo ng tao na walang kahangin-hangin sa katawan. Hindi ako mapagmalaki dahil minulat ako ng aking mga magulang sa ugaling mapagkumbaba. Kung meron man akong katangian na maipagmamayabang, iyon ay ang aking humility. Sa katunayan, hindi ko pinagkakalat o pinagmamayabang na MERON NA KONG LAPTOP.
Oo, meron na kong laptop. Sa katunayan nga eh ginagawa ko ang blog na ito gamit ang AKING BAGONG-BAGONG LAPTOP. Pero hindi ko iyon pinagsasabi. Dahil nga ayokong isipin ng mga tao na porke't MERON NA KONG BAGO AT MAGANDANG LAPTOP eh nagbago na ko. Aaminin ko na hindi na ko sanay magtype sa isang desktop PC dahil nga MERON NA KONG LAPTOP, pero my lips are sealed. Hinding-hindi ko iyon ipagsasabi o ipagkakalat. Dahil kung tutuusin, hindi naman ganoon kalaking isyu ang pagkakaroon ko ng ISANG BAGO, SUPER HIGHTECH, AT WALANG KASING-GANDANG LAPTOP. Hindi ko kasi talaga naging ugali ang ganoon.
Anyway, hindi ako nakauwi sa bahay kagabi. kaya tuloy para kong isang preso ngayon dito sa bahay na hindi makalabas. Ewan ko ba. Maganda naman yung dinahilan ko kila papa kung bakit hindi ako nakauwi pero parang hindi sila naniniwala. Nakakainis nga kasi parang pinapalabas nila na sinungaling ako.
Totoo naman na kagabi eh uuwi naman talaga ko. Kaso nga, habang naglalakad ako papunta sa sakayan ng FX, may biglang malakas na ilaw na tumutok sa akin. Tapos naramdaman ko na lang na unti-unti na akong lumulutang. Nawalan ako ng malay bigla. Nung magising ako eh napapalibutan na ko ng mga maliliit na tao na may malaking mata. Kulay silver ang kanilang balat. Tinangka kong manlanban pero parang nakokontrol nila ang utak ko. At yun ang dahilan kaya hindi ako nakapagtext. Kasi nga kinokontrol nila pati ang aking mga kamay.
Sinubukan ko din naman na pakiusapan sila dahil nga kailangan ko ng umuwi. Kaso nga eh hindi ko maintindihan yung salita nila...cebuano ata yun. Nawalan ulit ako ng malay at nagising na lang sa bahay ng barkada ko, na masakit ang aking ulo.
Yan ang totoong nangyari sa akin kagabi. Ewan ko ba kung bakit ayaw paniwalaan nila papa at mama. Matapos ang ordeal ko na yun, pag-uwi ko pa dito sa bahay eh papagalitan ko. Napakasakalap talaga. Pakiramdam ko nga eh maaaring kinontrol na rin sila papa at mama ng mga alien. Kaya siguro galit na galit.
Hindi totoo na kaya ako hindi nakauwi kagabi eh dahil napadami kami ng ininom at nakatulog ako sa bahay ng barkada ko. Sus! Hindi totoo yun! Maaring pakana lang yun ng mga alien na kumidnap sa akin kagabi.
By the way, nasabi ko na ba na meron na kong bagong laptop?
4 comments:
Dagdag bitbitin na naman yan, baka dyan magka-abs ka na, DSL ba?
hindi kaya trolls na tinubug sa pilak ang mga nkita mo?.. nagkalat n yata un dhil un din ang nkita ng ibang kakilala ko every friday or saturday night.
about sa tnong mo nung huli, may bago k kmong laptop? wala k pang nbabanggit nun ah. ikaw tlg, masyadong humble. :) cguro kpag nagk wheels k, kpag ndi kn nag-e-fx, lalo mong isi-sikreto. ipag patuloy mo yang kagandahang asal. :)
anonymous, dati pa kong may abs. hndi ko lang pinapakita.
tahimik na bagyo, humble talaga ko kahit na meron na kong laptop. hehe.
Post a Comment