Cid: Musta ka na?
Ako: Ok lang. Eto, pogi pa din. Nakakasawa na nga eh.
Cid: Bakit ang tagal mo yatang nde nag-blog? Sampung araw na ah!
Ako: Oo nga eh. Na-miss mo ba ko? Wala na kasi akong trabaho eh. Kaye nde na ko makapag-blog.
Cid: Ha!?! Baligtad yata. Kung kelan ka walang work eh tsaka ka naman nde makapag-blog.
Ako: Ano ka ba?! Kaya nga ako nakakapagblog eh dahil sa trabaho ko. May PC kasi ako sa opisina. Eh samantalang sa bahay, yung PC ko eh warak. Nde tuloy ako makapag-internet.
Cid: Bakit ayaw mo magblog sa computer shop?
Ako: Wala akong pera eh. Nag-iipon ako para sa nalalapit kong kasal sa February, 2058.
Cid: Ah ok. Anong ginagawa mo ngyon since wala ka ng work?
Ako: Naghihintay ng pagkalinga. Bukod dun eh nakahiga sa bahay at naghihintay na maluto na ang kanin.
Cid: Nasan ka ba ngayon?
Ako: Dito sa tapat ng SM Manila. Galing ako sa client eh. Since maaga natapos yung hearing, naisipan kong magblog muna. Mamaya naman eh parang trip kong manood ng sine. Treat ko lang sarili ko.
Cid: Uy...malapit na birthday mo ah! Ano balak?!
Ako: Tanga! Birthday natin! Wala pa kong malinaw na plano eh. Pero malamng eh ibahin ko nman. Sawa na din kasi ako sa kakapunta sa paris at sa iba pang lugar sa europa eh. Kaya baka magpunta na lang ako ng bulacan.
Cid: Maiba tayo, may girlfriend ka na ba?
Ako: Ano gusto mong sagot? Kasinungalingan o totoo?
Cid: Yung kasinungalingan siyempre.
Ako: Meron ciempre. Walo nga sila.
Cid: Naniniwala ka ba sa love at first sight?
Ako: Oo nman.
Cid: Paano mangyayari yun eh akala ko ba love is blind?
Ako: Letche.
Cid: Hindi ka ba mukhang tanga na tanong mo sagot mo?
Ako: Kesa naman magdrugs?!
Cid: Tama ka dyan. Kelan ka ulit magblog?
Ako: Hindi ko sigurado eh. Pero pag nagawa ko yung PC ko mamaya, araw-araw na ulit ako magsusulat. Meron pa nga akong draft dito eh. Pag sinipag ako tapusin ko ngyon.
Cid: Last question, kelan ka ba magstart sa bago mong trabaho?
Ako: Sa September 15. Ako daw ang papalit kay Dingdong Dantes sa Engkantada eh.
Cid: Nde ba kay Imaw?
Ako: Gago.
5 comments:
nkkmiss nga...
magaling...
:)
Welcome back, congrats din at wala ka ng work! Corrections, encantadia yun nde engkantada, kase fairy ang ibig sabihin nun, unless bading ka ay si Dingdong pala.:p
Correction uli, isa lang pala ang correction ko nde corrections!
tahimik na bagyo, salamat. namiss ko din ang iyong mga komento. :)
anonymous na kilala ko, nde naman kasi ko nanonood ng engcantadia kya nde ko alam. kelan ba ang susunod na french fries sessions? hehe
Post a Comment