Monday, August 01, 2005

Fatten your Seatbelts!

Nagdesisyon na ako at wala na talagang makakapigil dito - magsisimula n ako sa aking dyeta. Sa mga sumusunod na araw eh wala akong ibang kakainin kundi tuna at wheat bread lang. Seryoso na ko! Bukas na bukas, pagkatapos kong kumain sa eat all you can mamayang gabi, ay simula na ng aking pagbabagong buhay.

Lumala na naman kasi ang aking eating habit. At walang may ibang kasalanan nito kundi ang miso soup ng Tokyo-tokyo. Binabalaan ko ang lahat. Merong mahika ang nasabing soup kaya, sa di malamang kadahilanan eh nagagawa kong kumain ng apat na rice at anim na California maki kapag nahihigop ang nasabing mala-engkantong sabaw.

Kapag nde ako nag-ayos nito eh magiging super bloated na naman ako, Tapos masasabihan na rin ako na para kong nalunod. Baka makasaksak lang ako pag dumating pa sa ganun.

Kung bakit naman kasi nalaos ang pagiging mataba eh.

Nuong panahon ko eh nde uso ung mga abs-abs o muscle na yan. Sa katunayan, dati eh mas sikat si ike lozada kesa kay marc nelson. Ang mundo talaga ay paiba-iba ng fad. Kung hihintayin ko naman an mauso ulit “kame”, baka pitumpu’t anim na taong gulang na ko eh single pa din ako.

Sana talaga baligtarin ang mundo.

Sana kung malakas ka kumain ng kanin eh mas nadedevelop ang abs mo; mas gumaganda ang katawan kapag lagi lang nakahiga at nanonood ng TV; yung mga gulay at isda ang malakas sa kolesterol; ang taba ng baka at baboy ay masustansya;

Samantala, habang nde pa baligtad ang mundo, naghanda ako ng diet plan na tiyak na makakapagpayat sa sinumang susunod nito. Bale 3 week lang ito pero tiyak na mababawasan ka ng timbang (at least 50 Kilos ang garantisadong mawawala. Kaya kung less than 50 kilos ka, nde pede sau ito dahil bigla ka na lang maglalaho.) Ito ay panlaban ko sa “South Beach Diet”. Ito ang tinatawag kong “Son of a Beach Diet”.

1st week


Breakfast – Dalawang tasang graba

Isang basong gasolina (unleaded)

Lunch – ¼ na pakong bakya

Kalahating kutsarita ng tiki-tiki for baby

Dinner - Kalahating kilong Dos por dos

Dalawang basong 2T (Delo)


2nd Week


Breakfast - Anim na pirasong alatiris

Isang Coke "Sakto"

Lunch - Siyam na kuliglig

Kalahating basong kanal

Dinner - Isang platong aspalto

Isang kutsarang rugby


3rd Week

Wag kumain ng kahit ano.


7 comments:

Anonymous said...

ewan ko b kung bkit kylangan sisihin ang sabaw sa Tokyo Tokyo na dhilan ng iyong pagkaXXXX ng katawan...marahil nasanay na ang tao na manisi ng ibang bgay o tao, kesyo "npbayaan daw sa kusina" at iba pa. haaaaaaaay,pero pare, nkklibang ang mga lathala mo. siguro, gnun k rin.:-)

Tasyong Hindi Gaanong Pilosopo said...

tahimik na bagyong disi-nuebe,

totong may sa-engkanto ang sabaw sa tokyo-tokyo. nde ako naninisi pero yun tlaga ang dahilan. saka nde ako mataba, nagkataon lang na mas malaki ang ino-occupy ko na espasyo sa mundo kesa sa ibang tao. salamat at sinabi mo na nakakalibang ang aking lathala. nde ko lang sure kung ganun din ako. hehe.

Anonymous said...

Akala ko ba kinalimutan mo na ang kahibangan mo tungkol sa abs, cnbi ko naman sau eh, mag-gma ka na lang, nde ba type mo si darna?

Tasyong Hindi Gaanong Pilosopo said...

si darna at ako ay matagal ng hiwalay. bale kame na ngayon ni ding.

Anonymous said...

Jologs! Patay na si Ding, ano ka ba! Available si Imang kung type mo. :P

Tasyong Hindi Gaanong Pilosopo said...

Ang tinutukoy kong ding ay si Dingdong Dantes.

Anonymous said...

Sabi ko na nga ba front mo lang ang pagiging gwapo mo (yukk!)ang masasabi ko lang eh bagay na bagay ka sa opisyo mo, malayo ang mararating mo. Nalulungkot nga lang ako kase cgurado ako, maglalakad ka na naman, kase nuknukan ka ng kakuriputan, kaya nde me magtataka kung isang araw isa ka ng coño na taga cavite!